"Mukhang… Hindi na makayanan ng Samsara…" Syempre bibigyan pansin ng Tyrannical Ambition ang sitwasyon ng Samsara.
Sa huli, maingat na sinabi ni Jiang You ang kanyang balita dahil sa ilalim ng kadalasang pagrarason, dapat nasa opensa ang Samsara habang nasisiil ang Heavenly Justice at Conquering Clouds. Ngunit nasabiha ng hindi makakaligtas ang Samsara. Para sa panig na opensa na sabihang 'hindi makakapit' maaari lang makaisip ng ganitong kalse ng kaawa awang pananalita si Jiang You para isalarawan sila.
"Haa…" Malalim na napabuntong hininga si Zhang Xinjie. Kung alam niya lang na maling senyales lang ang taktika ng Samsara, kung mas matapang lang siya na hindi pansinin ang kanilang mga paggalaw, maaaring nasa lamang na sitwasyon pa sila. Maaaring walang makukuhang kahit na ano sa kanilang ginawang paggalaw ang Samsara. Masyado siyang maging maingat at ginulo ang sarili niyang hukbo!