Hindi talaga sigurado si Radiant kung lumabas na ang Boss. Talagang may parehas lang silang nakatuong pagiisip sa kanilang mga manlalaro sa buong mundo na dapat tignan. Sa huli, nakita ng mga manlalaro mula sa Radiant ang hindi pangkaraniwang galaw mula sa Conquering Clouds sa World Tree at agad na nagbalita balik.
Noong narinig ng Radiant ang balita, nasabik silang lahat! Kung nag-grupo na ang kabilang panig, nangangahulugan na malapit na silang magsimulang umatake sa boss. Kung magmamadali sila at mauuna sa kanila, maaari nilang manakaw ang boss?
Naggrupo ang mga manlalaro ng Radiant sa dalawa at sumugod sa World tree. Ang mga manlalaro ng Radiant na nakapansin ng hindi normal na paggalaw ay nakitang pinapaalis sila ng Conquering Clouds, na nagkumpirma sa kanilang pagdududa. Siguradong may lumitaw na Wild Boss dito.
"Ipwersa niyo!"