Lubusang natahimik ang buong Practice Room. Wala naman kasing kahit na sino sa mundong ito ang makakapagsabi na may sapat na silang pera, kahit na si Steamed Bun ay natahimik rin at tinitigan lamang nila si Ye Xiu, hinihintay ang kaniyang sagot.
Si Ye Xiu naman ay umupo sa isang silya, kumuha ng isang baso ng tubig, at dahan-dahan itong ininom bago siya kumuha ng sigarilyo mula sa kaniyang bulsa't sinindihan ito ng dahan-dahan...
"Kung hindi mo kami sasagutin ay papatayin kitang put*ngina ka!" Halos hindi makatulog nitong nagdaang dalawang araw si Wei Chen sa pag-aalala. Pero sa mga sandaling nakabalik na si Ye Xiu ay pinapatagal pa niya ang sagot sa nagbabaga nilang katanungan. Papanong hindi magagalit si Wei Chen?
"Dalawang milyon sa materyales..." Kalmadong sagot ni Ye Xiu kay Wei Chen.