Clang, Clang, Clang!
Walang humpay ang pagaalingawngaw ng tunog sa labanang nagaganap sa pagitan ng dalawang manlalarong nasa harapan ng mga manonood. Sa bawat pagalingawngaw ng tunog na ito'y para bang nagbabago ang nararamdaman ng bawat manonood.
Para sa mga manlalarong mula sa grupo ni Happy Sheep, ang tunog na ito ay nagdulot ng matinding pananabik at saya sa kanilang mga puso.
Pero para sa mga manlalarong mula sa grupo ni Wolf Head, batid nilang yinayanig ng lindol ang kanilang mga puso sa mga panahong naririnig nila ang tunog na ito. Paulit-ulit na nagpapakawala ng mga atake si Wolf Head, pero hindi pa rin siya pinapansin ni Unrivaled Super Hottie.
Sa mga panahong sinusubukang maglapat ni Wolf Head ng isang atake na maaring makapagpapigil kay Unrivaled Super Hottie sa kaniyang pag-atake kay Wolf Claw, itinaaas lamang ni Unrivaled Super Hottie ang kaniyang Shield para maharangan ang atake na 'yun.