Ang aggro ng BOSS?
Sa mga sandali at panahong ito ay lubusang nakalimutan ni Crispy Bean ang tungkol sa bagay na ito dahil naituon niya ang kaniyang pansin kay Unrivaled Super Hottie.
Parang binuhusan ng malamig na tubig ay biglang nagising sa kaniyang panaginip si Crispy Bean nang marinig niya ang mga katagang binitawan ni Ye Xiu. Tiningnan niyang maigi at nakita na nasa kaniya pa rin naman ang aggro ng Guardian Kaiwei.
Nakatuon pa rin naman sa kaniya ang higanteng palakol ni Guardian Kaiwei imbis na kay Unrivaled Super Hottie kahit na sumawsaw ang taong 'yun at umatake sa mga sandaling hindi pa dapat siya aatake! Kasalukuyang ginuguhit pa rin ng palakol ang hangin papunta kay Crispy Bean.
Bang!
Kaagad niyang binuhat ang pananggalang na nasa kaniyang mga kamay. Ginawa niya ang galawang kadalasang ginagawa ng mga Tank kaharap ang kanilang kalaban. Binangga ng higanteng palakol ang Shield ni Crispy Bean.