Malamig na tumawa si Changing Spring. Sa wakas ay may namalayan na ang Herb Garden at Tyrannical Ambition na talagang may mali. Hindi nagtagal ay namalayan rin ng lahat ang kung ano ang nangyayari.
"Hindi ba't parang may nakakalimutan tayong lahat?" Nagtanong si Changing Spring.
Nagsimulang pagpawisan ng malamig ang mga Guild Leader. Malinaw na talagang may nakalimutan silang lahat.
Hindi inaasahang hindi naman pala marami ang bilang ng mga manlalarong ipinadala nila para sa operasyong ito. Kaya naman pala nanalo ang kanilang mga kalaban dahil mas nakakalamang sila sa dami.
"Sino ba talaga 'tong mga taong 'to" Pagkatapos nilang sumahin ang dami ng mga manlalarong natuklasan nila ay nalaman rin nla na ang mga manlalarong iyon ay kabilang pala sa kani-kanilang guild. At saka, malinaw na matagal-tagal na rin nila itong pinagplanuhan.