Hindi naging maganda ang pakiramdam nina Octagon Aniseed at Sword Bean. Kahit na napapakalma pa rin nila ang sarili nila dahil sa katotohanan na sila naman talaga ang nagwagi ay hindi pa rin nila mapigilang manginig sa pambihirang lakas na ipinakita ng kanilang mga kalaban kanina.
Kapag nakalaban namin ang isang manlalarong kagaya nung nakaharap namin kanina. Talaga bang wala kaming magiging problema?
Kahit na isipin man lang ang katotohanang iyon ay hindi sila nangahas, pero sa totoo lang ay talagang kanina pa sila nagdadalawang-isip tungkol sa isyu na iyon.
Sa mga sandali ring ito ay kinalap nila ang lahat ng mga impormasyong maari nilang makuha tungkol sa mga ekspertong Gunner ng ibang mga guild. Sa lakas ng manlalarong 'yun ay sigurado siya na ang manlalarong iyon ay isa sa mga pangunahing manlalaro ng isang malaking guild.