Hindi inaasahang babalik sa isipan ni Wei Chen ang alaala ng nakaraan. Sa simula ng Alliance ay nakaramdam siya ng pananabik, saya, at nagtamasa rin siya ng tagumpay. Pero sa huli, sa panahong iyon rin siya napuno ng pagdurusa't pighati.
Sa totoo lang ay hindi lang naman talaga ang pagkatalo niya kay Yu Wenzhou ang tanging dahilan kung bakit napasiyahan niyang magretiro. Pero hindi niya maikakaila na naging isa iyon sa mga dahilankung bakit niya nilisan ang Blue Rain.
Dahil sa totoo lang, kung hindi siya lumisan ay sumasapat pa rin naman ang husay at lakas niya para manatili siya sa Blue Rain ng isa o dalawang taon. Pero para kay Wei Chen, dahil naisip niya na parang hindi na siya kinakailangan ng Club, pinili niya na umalis na lamang.