Ang paghahanda para matulog ay biro lang. Kung gusto talagang matulog ni Ye Xiu, hindi na siya lalaban pa. Nagsimula ang laban. Hindi sigurado si Huang Shaotian kung ang lalaking kakaharapin niya ay magiging walang hiya para hindi intindihin ang patakaran at madaling lilisanin ang laban, kaya naman tinusok niya ang paharap ang kanyang talim. Lalaban siya sa gaano katagal niya kakayanin. Ang public chat ay muling binuksan ni Loulan Slash, pero matapos magbiro ni Ye Xiu, wala ng sumunod na mga pangungutya. Lahat ay talaga namang nakapokus sa laban
Tumalon ang Lord Grim ni Ye Xiu para umiwas at sumaksak balik. Ang kanyang Thousand Chance Umbrella ay kasing haba lang ng Sword pero sa isang tiklop, bigla itong nagbago at naging Spear. Wala pang ginagawa si Huang Shaotian, pero lahat ng mga nanonood na pro players ay napahigop ng malamig na hangin.