Kahit na sumusuporta ang mga manonood noong nalaglag ang maduming si Fang Rui, wala siyang pakealam. AKhit na marami ang hindi gusto ang paraan niya ng paglaban, madami pa rin ang sumusuporta sa kanya. Kung hindi, hindi niya madaling mapapasok ang mga ranggo ng all stars. Magalang naman niyang kinaway ang kanyang kamay sa mga manonood kasama ang panalong si Yu Feng at umalis ng entablado.
Natapos ng ang pangisahang entablado. Nakakuha naman ng dalawang puntos ang Team One habang may isang puntos naman ang Team Two. Kasalukuyang natatalo ang Team Two. Kahit na para lang ito sa show, may pakealam pa rin ang mga manonood sa kung sino ang mananalo o matatalo. Binibigyan nilang atensyon ang panig kung saan nandoon ang kanilang paburitong pro. Halimbawa, natural na sinuportahan ni Chen Gou ang team kung nasaan si Su Mucheng.