Nagpagulong gulong si Qiao at mistulang narating na nito ang walang lamang bahagi na malapit sa bloody cross.Lubhang mapanganib ang kaniyang pag-igtad. Ginawa niya ito dahil ayaw niyang sayangin ang pagkakataon upang umatake habang nasa Ice Boundary parin ang kaniyang katunggali.
Upang maiwasan ang Gore Cross, itinaas ni Qiao Yifan ang kaniyang sword. Gusto niyang magbukas muli ng isa pang Ghost Boundary upang maharangan ang rutang maaaring daanan para sa pagtakas ng kaniyang kalaban.
Gamit ang matagumpay na Ghost Boundary para maikulong ag kalaban sa isang Boundary ay isa nang karaniwang taktika ng mga Phantom Demons.
Napaligiran ng Ice Boundary ni Qiao Yifan ang sword Demon ni Li Xuan. Naniniwala siya na nagkaroon na siya nang pagkakataon na makalikha ng isang Boudary. Subalit, nang magsisimula na siya, biglang lumabas ang Sword Demon ni Li Xuan.