Sa Game Studio ng Club Tyranny. Sa mga sandaling ito sa hatinggabi ay oras na sana para magtrabaho ang mga manlalarong ito.
Pero matapos ang isang pangyayaring nagpapawi sa sayang naramdaman nila nitong mga nakaraang araw ay kaagad silang napagod, at isinuko ang trabahong nakalaan para sa kanila sa gabing ito.
Sinamantala nila ang masamang pakiramdam ni Jiang You para makatakas.
Si Jiang You naman ay kasalukuyang tinititigan ang kaniyang patnubay, bakas sa kaniyang mukha ang gulat at pagkabahala.
Ang patnubay na ito ay nabuo gamit ang kaniyang dugo't pawis. Inakala niyang ito na ang hangganan ng lahat at wala nang makakalamang pa sa record na itinatag gamit ang patnubay na ito.
Punong-puno siya ng tiwala sa kaniyang sarili at ipinagyabang pa niya sa lahat ang kaniyang mga nagawa. Pero ang record na itinatag ng Blue Brook Guild ay parang isang malaking sampal sa kaniyang mukha, sa sobrang bigat at laki ng sampal ay namula-mula ang kaniyang mukha.