Sa pagsapit ng alas dose ng gabi ay inanunsyo ng laro na tapos na ang Christmas Event, mula sa oras na ito ay hindi na muling mabubuhay pa ang mga Christmas Thieves.
At ang mga halimaw na nabubuhay pa ay hindi na naghuhulog ng mga gantimpala at hindi na rin sila nagbibigay ng puntos kapag pinatay.
Tungkol naman sa mga gantimpalang nahulog mula sa mga halimaw bago sumapit ang hatinggabi ay wala namang mangyayari sa kanila. Maari pa rin silang mapulot at maipagpalit kahit na lumipas na ang hatinggabi.
Ang bawat guild na nakipagtulungan ay ang mga paniguradong naging matagumpa sa Christmas Event na ito. Ang mga manlalarong nasa ilalim ng orasan na tore ay nagsigawan sa mga sandaling dumating na ang hatinggabi.
Umalingawngaw sa buong Sin City ang sigawan nilang lahat. Pero sa tuktok ng orasan na tore, si Lord Grim ay nakatayo lamang at tahimik na pinagmamasdan ang kalangitan.