Hindi na tiningnan pa ni Chen Guo ang screen ni Ye Xiu. Sa halip ay ibinaling niya ang kaniyang tingin sa screen ni Tang Rou. Pero ang eksenang nakita niya sa screen ni Tang Rou ay nagpagulantang sa kaniya.
Si Ye Xiu ay naging maingat sa kaniyang mga plano at walang ginawang kahit na anong bagay na ikagagalit ng mag residente sa loob ng Sin City. Pero sa kabilang dulo, ang Soft Mist ni Tang Rou ay parang nawawala sa kaniyang sarili na tumatakbo.
Tiningnan ni Tang Rou ang kaniyang paligid at kaniyang natuklasan na umaabot na sa sampung residente ang humahabol sa kaniya!
Pero kahit na ganito ang nangyayari ay walang intensyong tumigil si Tang Rou, sa halip ay parang dadagdagan pa niya ang bilang ng mga residenteng humahabol sa kaniya.
Sa totoo lang ay hindi naman talaga gusto niya na habulin siya ng mga residente, masyadong malawak lang talaga ang kanilang aggro range at kapag nakapasok ka doon ay lubhang nagiging agresibo silang lahat.