Sa lagusan ng Line Canyon. Ang isa sa kanila ay mula sa loob, habang ang isa ay naghihintay sa labas. Sabay-sabay na nagtagpo ang landas ng dalawa.
Nakilala ni Ye Xiu ang kaniyang ID, pero naninibago ang pakiramdam ni Ye Xiu ng makaharap siya.
Pero kahit ano pa man ang sabihin niya ay natuklasan na nila ang kinaroroonan niya, dahil dito ay pinadalhan niya ng mensahe si Endless Night.
"Sino ka?"
Nakita ng totoong Endless Night na nakatayo sa likuran ni Zhang Xinjie ang mensaheng ipinadala ni Lord Grim at kaagad siyang nainis sa kayabangang ipinamalas ni Lord Grim.
"Hindi ka makakaalis." Matuling sumagot si Zhang Xinjie. Sa sobrang bilis ng tapik niya sa keyboard ay hindi nga namalayan ni Endless Night kung kailan gumalaw ang kaniyang mga kamay. Nung nabasa na niya ang mensaheng iyon ay nakasagot na si Lord Grim sa mensahe.
"Oh? Tinatambangan niyo ba ako?"
Sa isang iglap at isang mensahe na naman ang naipadala ni Zhang Xinjie: "Tama."