"Sa sinasabi niya rito ay parang sinasabi na rin niyang siya ay palaging tama." Sabi ni Ye Xiu.
"Hindi ko maitatanging may tama nga siya..." Tugon ni Tang Rou.
"Sa totoo lang, kung maglalaan ka lang talaga ng oras para magsiyasat, hindi naman mahirap na magawa mo ang ganoong klase ng stratehiya. Nakadepende lang ang lahat sa kung maglalaan ka ba ng oras para sa pagsisiyasat nito o hindi." Sabi ni Ye Xiu.
"Kung ganoon, titingnan pa ba natin ang iba pa niyang mga patnubay?" Nagtanong si Tang Rou.
"Sige, pero yung iba naman niyang patnubay para sa mga BOSS!" Sumagot si Ye Xiu.
Pinindot ni Tang Rou ang nakaraang patnubay para sa Scarlet Scorpion Assassin, at ganyan-ganyan nalang ay tumihaya si Ye Xiu sa receptionist desk na para bang walang magawa sa buhay, habang tinitingnan ang patnubay para sa isang hangal.