Pagkatapos pumasok sa dungeon ng tatlong beses, halos als Quattro na ng umaga. Nag-unat si Ye Xiu at tumayo para gumalaw-galaw. Pagkakita nito, tumayo rin si Tang Rou para kumuha ng tubig. Kinuha niya ang kanyang tasa at umaliss para pumunta sa front desk.
"Wala na ba yung mga tao kanina?" Uminom si Tang Rou ng tsaa habang nagtatanong.
"Malay ko!" Sagot ni Ye Xiu.
"Anong klaseng galit ang meron sa'yo at sa kanila?" Tanong ni Tang Rou. Sa laro, malamang nagtanong na ang lahat kung sino ang mgaa iyon. Nagsabi lang si Ye Xiu ng konting salita at hindi na ssiya nagdagdag pa. Walang pakialam si Steamed Bun Invasion. Laging nirerespeto nila Sleeping Moon at Seven Fields si Ye Xiu at alam nila sa kanilang puso na ang dalawang partidong nagharap ay hindi pantay kaya kahit gusto nilang malaman ang pangyayari, hindi na rin sila gaano nagtanong.