"Ha ha ha, huwag ka masyadong kabahan noob! Saglit pa lang tayo naglalaro at kanina ka pa sumisigaw ng OT OT! OTMAN k aba?"Malakas na tawa ni Steamed Bun Invasion.
"PUTA!" Itinaas ni Maple Tree niya at binaril ang dalawang halimaw na inaatake ni Cleansing Mist. Sa kaloob-looban niya, sobra na ang lumbay niya.
Anong mali sa pag-aalala sa OT? Paano ko malalaman na may pambihirang palang grupo katulad niyo? Posible palang pigilan ang OT ng ganito. Parang hindi totoo ang ganitong klase ng control. Kinalma ni Maple Tree ang sarili habang patuloy na bumabaril sa mga halimaw.
Sa kanyang guild, siya ang senior, ang boss. Kapag nasa dungeon sila, siya ang mamumuno; siya ang taga-utos at kung anuman ang sabihinn niya ang susundin.
Pero ngayon? Siya ang noob. Siya ang OTMAN. Sinusunog siya sa kaba. Punong-puno ng luha ang mukha niya.
Ramdam ni Maple Tree na parang minali siya.