Bihirang materyales, self-made equipment!
Mabilis na naisip ito ni Liu Hao at madaling naintindihan ang layunin ni Ye Xiu. Bigla siyang tumawa ng malakas: "HA HA HA HA, ito pala ang plano niya."
Sa kabilang linya, muntik nang matapon ni Chen Yehui ang kanyang telepono sa gualt. Matapos makaituwid ang kanyang sarili, maingat niyang tinanong: "Anong ibig mong sabihin?"
"Hmmm, sayang lang. Nakita ko na ang mga binabalak niya. Sa estado niya ngayon, paano pa niya pinaplanong labanan ako? Magsisimula na naman ba siya at susubok muli? Mangarap na lang siya!" Nagsasalita na si Liu Hao sa kanyang sarili. Narinig ito ni Chen Yehui habang sinusubukang walang ganang sabihin: "Liu, kung wala ng iba pa, ibababa ko na ito!"
"Sige, bumalik ka at maghanda ng accounts na magagamit para sa Boneyard. Kailangan ko ng Spellbalde, Sharpshooter, Striker, Blade Master, at isang Witch" Utos ni Liu Hao.