Télécharger l’application
1.85% The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 32: Chapter 32: Tawaran

Chapitre 32: Chapter 32: Tawaran

Éditeur: LiberReverieGroup

White Wolf, White Witch ay mga hidden BOSS ng Frost Forest. Ang Mithril Pendant ay isang ornamental item lamang kaya hinayaan ito ni Blue River na walang pagaalinlangan. Pero ang White Wolf Sharp Fangs ay napakaimportante.

Hindi kabilang ang Frost Forest sa mga educational dungeons ng beginner village. Bawat tao ay apat na beses lamang pwedeng pumasok. Mahirap sabihin na may makikita silang hidden BOSS sa loob ng apat na beses na iyon. Atsaka, may chance na ang hidden BOSS ay hindi White Wolf.

Kung yung 8 White Wolf Sharp Fangs lang ang gusto ni Ye Xiu, hindi magdadalawang-isip si Blue River na iparaya silang lahat. Pero sa 72 Strong Spider Silk at sa 8 White Wolf Fangs, Napagtanto ni Blue River na parang nagiging sakim ang taong ito at deserving na tawagin bilang isang walanghiyang baguhan na pinatay ang kaniyang party para lang sa hidden BOSS. Kahit na gaano paman kahusay ang taong ito, ang kaniyang ugali ay hindi pwede. Dapat ba talaga na akitin nila ang taong ito para sa guild nila?

Nagsisimula nang magagam-agam si Blue River, pero si Ye Xiu ay tumugon ng hindi mabilisan at hindi rin mahina: "Sobra ba? Kung ganon hindi ko na kailangan ang Mithril Pendant, pwede na ba?"

Hindi alam ni Blue River kung iiyak ba siya o tatawa bago mag reply: "Kaibigan, alam naming lahat na wala kaming pakialam sa Mithril Pendant, pero ang Strong Spider Silk at ang White Wolf Sharp Fang..."

"Kung ganon magkano ba ang dapat?" Tanong ni Ye Xiu

"Pili ka sa dalawa..." Sagot ni Blue River.

"So...Sobrang mahirap pagpilian to!" Tugon ni Ye Xiu.

"Hindi mo pwedeng makuha ang cake mo at kainin to, kaibigan..." Sagot ni Blue River na may sinseridad.

"Kung ganon yung White Wolf Sharp Fangs!" Sabi ni Ye Xiu.

"Okay." Napabuntong hininga si Blue River.

"Mga Strong Spider Silk din ba para mapakita ang sinseridad mo?" Sabi ulit ni Ye Xiu.

Muntik sumuka ng dugo si Blue River.

"Pano kung 40?" Tanong ni Ye Xiu.

"Kaibigan, ikaw... " Halos walang masabi si Blue River.

"30?

"Uh..."

"25. Pwede na 'to, hindi ba?" Tanong ni Ye Xiu.

Natigilan si Blue River nang matagal. Ang kanyang mga kamay ay naka patong sa keyboard at wala siyang mahanap na mga salita para isulat.

"24?"

Lumambot ang puso ni Blue River. Ang taong ito'y isa-isang binababaan na ang presyo. Para sa dakilang Blue Brook Guild na makipagtawaran para lang sa mga kakarampot na Strong Spider Silk, gaanong nakakahiya ito? Mabilis na isinulat ni Blue River: "Sige, tapusin na natin ang lahat jan!"

"Sige."

Pagkatapos mapabuntong hininga si Blue River, may nakita uli siyang ibang mensahe na lumantad:

"Kung ganon, bigyan mo rin ako ng mga kaunting Mithril Pendants. Diba sinabi mo kanina na hindi mo iyon kailangan?"

Nahulog si Blue River sa kaniyang upuan. Anong klaseng tao to? Mga kwentang Mithril Pendants nangalang tatawaran niya pa?

"Ano bang kailangan mo sa mga items na ito?" Hindi siya maintindihan ni Blue River.

"Ang mga gamit na ito'y walang kwenta sa paningin mo pero mahalaga sa iba." Tugon ni Ye Xiu.

Maliwanag na alam ni Blue River na yung mga babaeng mahilig sa mga ganitong palamuti ang pinag-uusapan niya. Gusto niya ba talagang maghanap ng babae? Kung isa lang ang gusto niya, walang problema. Pero yung sobrang dami ang gustuhin niya, ilang babae ba ang bibigyan niya? Nakaramdam ng paghamak si Blue River sa taong ito: "Kung ganon magkano ang kailangan mo?"

"Akala ko ba wala kang pakialam? Pano kung lahat?" Sabi ni Ye Xiu.

"Wala kaming ganyan kadami, dalawa lang..." Nagsinungaling si Blue River at nagsisisi kung bakit niya sinabing, "walang pakialam." Syempre, ang mga laruang 'to ay walang masyadong halaga pero sila'y mga uncommon ornaments parin. Mas mabuti pang bigyan niya ang mga babae sa guild niya kaysa ipamigay niya ito nang libre.

"..."

Tumugon si Ye Xiu gamit ang mga tuldok, naikinagalit ni Blue River. Ang mga kasinungalingan niya'y ginamit niya nang hindi ganoon ka husay pero nasa na niya ito. Masyado lang talagang matigas ang mukha ni Blue River: "Kung ganon, okay na?"

"Kung may hidden BOSS na dadating, paano natin paghahatian?" Tanong ni Ye Xiu.

"Ang lahat ay magroroll para doon!" Masayang sagot ni Blue River.

"..."

Mga tuldok, mga tuldok nanaman. Napabuntong hininga si Blue River. Hindi niya papayagan ang isang tao na pinaghirapan niyang maakit na linlangin siya. Pantay kung tingnan ang Rolling. Pero sina Blue River at ang mga iba pa'y magkaibigan. Kung may taga-labas na nag-roll, ang kanilang chansa ay four to one. May malaki silang advantage. Ang taong ito'y klarong alam ang puntong iyon.

"Ha ha, joke lang..." Mabilis na reply ni Blue River, "Pagkatapos mapatay ang hidden BOSS, paniguradong hindi natin masisira ang time record, kaya hindi namin pwedeng abalahin ka nang libre. Kaibigan, pwedeng ikaw ang unang pumili sa mga items na ihuhulog ng hidden BOSS, ano sa tingin mo?"

"Sige, kung ganon okay na." Tugon ni Ye Xiu.

"Sige kaibigan, kailan ka makakapunta? Lahat kami'y naghihintay sa Frost Forest!" Sabi ni Blue River.

"Oh, hintayin niyo ako saglit, tatapusin ko lang tong dungeon." Sagot ni Ye Xiu.

"Okay." Tumango si Blue River. Tiningnan niya si Ye Xiu sa kaniyang friend list: "Kaibigan, ayaw mong mag change class muna?"

"Hindi na kailangan, pupunta akong ganito!"

Nagulat si Blue River: "Kaibigan..."

"Wag na muna tayo mag-usap, kailangan kong bilisan at tapusin tong dungeon." Tugon ni Ye Xiu.

Ang resulta'y sinara ni Blue River ang pag-uusap at natahimik. Napaisip siya sa nakaraan at hinaharap, at doon niya namalayan na may mali. Matagal siyang napaisip at biglang hinampas niya ang kaniyang tuhod.

Pagisipan ang ano? Ang hangad niya'y mag dungeon kasama ang taong 'to para maging magkaibigan. Pero sa huli, palagian niyang tinatawaran ang mga gantimpala, na naging dahilan kung bakit umiba ang sitwasyon. Parang nagiging iniimbita nila siya na magtrabaho para sa kanila. Naging ganon na ba ka desperado ang Blue Brook Guild para maghanap nang ibang tao para gawin ang trabaho nila?

Habang iniisip to, biglang nakaramdam nang panghihinayang si Blue River tungkol sa pagtatawaran niya sa mga pabuya at nakaramdam na para bang pinamigay niya ito nang libre. Pero bigla siyang napaisip tungkol sa kondisyon para sa mga bagay na iyon: sirain ang clear record.

Biglang natulala si Blue River.

Kulang nang tao, sisirain ang record, lahat nang iyon ay pawang dahilan lamang. Ang kanilang Blue Brook Guild ay mayroong kwarentang dalubhasa sa bagong server. Paanong hindi sila makakagawa nang saktong party? Nakulangan nang tao ay isang rason lang para maimbitahan nila siya. Para naman sa sisirain ang record, iyon ay paraan lang para may pag-aawayan ang lahat para sa parehas na adhikain at mas madaling maging mag kaibigan.

Sa totoo lang, hindi naniniwala si Blue River na ang pagsasama nila nang isang tao ay magiging dahilan kung bakit masisira nila ang record. Pagkatapos nang 12 sa umaga, ang dungeon record ay nasira. Si Blue River ay gumawa nang party at tatlong beses na isinama ang mga pinakamalakas na dalubhasa sa Frost Forest, pero may matibay na diperensya padin sa kanilang record kung ikukumpara sa record ng Herb Garden. Kung ang bagong tao na ito ay kayang tulungan silang sumira nang record, ibig sabihin mas malakas pa siya sa mga pinakamainam sa kanilang hanay?

"Blue River, tapos ka nang kontakin siya?" Sa mga oras na ito, ang kahanay ni Blue River na si Bound Boat ay nagtanong.

"Inimbitahan ko na siya. Dadating siya dito mamaya-maya. Sino ang susuko sa kanilang posisyon?" Sabi ni Blue River sa party.

"Ako, magpapahinga muna ako..." May nagsabi mula sa hanay.

Pagkatapos sabihin ni Blue River na, "Sige", ang player na iyon ay umalis sa party. Ang natitira ay nagpahinga sa labas nang dungeon naghihintay sa pagdating nang karwahe ni Lord Grim. Si Blue River ay nagtataka parin.


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C32
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous