Télécharger l’application
0.75% The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 13: Spider Cave (2)

Chapitre 13: Spider Cave (2)

Éditeur: LiberReverieGroup

"Sa tingin ko ay hindi natin dapat na makaaway ang taong 'to." Seryosong sinabi ni Seven Fields sa tatlo at tinitigan nila ng matagal si Sleeping Moon.

"Saan ka pa makakahanap ng kakamping may 170 na APM o pataas? Sigurado ako na isa siyang eksperto!" pagsang-ayon ng isa.

"Hula ko lang ang 170. Kung titignan mo na siya ay isa pang unspecialized na karakter, kahit na siya ay walang angkop na kagamitan,kaya niya pa ring atakihin ng sunod-sunod ang isang halimaw kahit na ito ay nasa hangin, malamang nasa 200 APM pataas ang tunay niyang APM."

"200, hindi ba sa guild natin tanging si Guild Master lang ang nakakaabot sa 200 APM na iyan?"

"Sa tingin ko hindi dapat natin sya kinakalaban, dapat ay hatakin natin siya para sa ating guild."

"Ang mga ganiyan kagaling na manlalaro ay mga hindi pangkaraniwang tao."

Tanging si Sleeping Moon lamang ang hindi nagsasalita sa kanilang lahat. Sa totoo lang ay talagang hindi naiintindihan ni Sleeping Moon ang sarili niya.

Noong una ay nasusuklam siya, pero ngayong makailang ulit na silang nagkasama sa dungeon ay para bang napapawi na ang kaniyang galit.

Matapos makita ang mga kaibigan niya na hinahangaan si Lord Grim ay hindi niya rin mapigilang maisip na talagang isang eksperto nga siya.

Dahil lubhang mahihina ang mga halimaw na nasa Green Forest, lubhang naging mabilis ang pagkatay ni Ye Xiu sa mga halimaw doon kaya hindi natingnang mabuti ni Sleeping Moon kung gaano kalakas si Lord Grim.

Pero ngayong kasalukuyang nilalabanan nila ang mga makukunat na gagambang nasa paligid nila ay nakikita na nila ng mabuti kung gaano kalakas si Ye Xiu.

"Umabot na sa 17 ang atakeng nailalapat niya sa halimaw.

"Kanina pa 'yang ginagawa niya, ah!"

"Parang pinapatalbog niya yata ang halimaw sa pader para hindi ito bumagsak sa lupa't maatake niya ng sunod-sunod."

"Hala, talagang tumama ang Sky Strike na pinadala niya?"

"Napakagandang pagmasdan."

Makapigil-hiningang pinagmasdan ng mga kasamahan niya ang nangyayari, nakaramdam si Sleeping Moon ng matinding pagkayamot dahil dito, sa mga sandaling magsasalita na sana sana siya, ay itinuon ni Seven Fields ang kaniyang pansin sa kaniya at nagsalita, "Makinig kang mabuti, wala namang problema kung magagalit ka sa taong 'yan, pero sana ay hayaan mo kaming himukin siya."

Tahimik na tumango na lamang si Sleeping Moon. Kahit na hindi siya masyadong sumasang-ayon, alam niyang gusto nilang mahaak sa grupo ang taong ito. Sino ba namang Guild ang hindi gugustuhin ang mga magagaling na manlalaro? Kung ikukumpara kay Lord Grim ay masasabing ordinaryong miyembro lang siya ng Full Moon Guild. Walang kahit na sino ang gustong makalaban ang ekspertong kagaya ni Lord Grim para lang sa kaniya.

"Ang galing, ah!" Nang napatay ni Lord Grim ang berdeng gagamba, kaagad na lumapit sina Seven Fields kanya at pinuri ang lakas niyai. Hindi nila kailangan magsinungaling sa puntong ito dahil talaga namang napakagaling ng taong ito.

"Kaibigan, talagang walang makakapantay sa galing mo!" Sabi ni Seven Fields.

"Walang lang 'yon," Sa sobrang mapagkumbaba ni Lord Grim ay tila ba na isang pagsisinungaling ang sinabi ni Sleeping Moon tungkol kay Lord Grim.

"Kaibigan, kaninong Guild ka galing mula sa mga nakakatandang server?" Biglang tanong ni Seven Fields. Walang kahit na sinong Guild ang ipapadala ang kanilang manlalaro na ganito kalakas ng mag-isa sa isang bagong server.

Kahit na mababa ang chansa ay malamang, hindi kasali sa isang guild si Lord Grim.

"Mag-isa lang ako," Ang sagot na natanggap niya ay gaya ng kaniyang inaasahan.

"Talaga? Hindi ka talaga isang miyembro ng ibang Guild? Alam mo hindi ka madaling hanapin sa panahong ito. Paanong wala pang nakakahatakna Guild sa isang tulad mo?" Sabi ni Seven Fields habang nagkukunwaring nagulat.

"Wala pang mga Guild sa server na ito," simpleng sabi ni Ye Xiu.

Natulala si Seven Fields, tunay ngang aala pang mga Guilds sa server na ito, pero mayroon sa mga nakakatandang server?

Syempre, hindi maaring ang isang manlalarong napakagaling kagaya ni Lord Grim ay isang baguhan pa lamang sa laro.

Hula ni Seven Fields ay mayroong nakaaway si Lord Grim mula sa nakaraan niyang Guild at pumunta siya rito para mapag-isa, at magsimulang muli. Isa itong napakagandang pagkakataon para sa kanila!

"Kapatid, saang server ka ba dati?" Nagsimula ng manguha ng impormasyon si Seven Fields.

"Matagal na akong hindi naglalaro," Hindi nagbigay ngpatapos na sagot si Lord Grim, at inilagan niya ang tanong.

"Ah…" Isang 'Ah', na lamang ang naisagot ni Seven Fields sa isinagot ni Lord Grim sa kaniyang katanungan. Dahil wala na siyang nasasabi pa ay hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya.

Sa huli, makikitang hindi interesadong makipag-usap si Lord Grim sa kanila, at sila'y nagpatuloy. Si Seven Fields at ang mga kasamahan niya ay pinalibutan si Lord Grim na para bang siya ay isang presidente ng bansa. Tungkol dito ay walang nagawa si Sleeping Moon kung 'di ang manahimik na lamang.

Kasama ang ganito kagaling na manlalaro, naging madali ang pagtahak nila sa dungeon. Kahit na mayroon silang mga Antidotes, hindi nila ito nagamit dahil hinatak ni Lord Grim, at kinalaban ang halos lahat ng gagamba na nakasagupa nila.

Kung minsan nga ang apat ay pansamantalang nawawala sa sarili at nakakalimutang atakihin ang kanilang mga kalaban dahil sa nahalina sila sa magaganda't dalisay na kilos ni Lord Grim.

"Sa pagkakatanda ko ay paniguradong mayroong maraming gagamba sa may bandang harapan. Kapag naubos na natin silang lahat ay lalabas na ang unang BOSS, pero hindi natin alam kung ito 'yung may lason o mga sapot lamang ba ang ginagamit nito sa pag-atake."

"Dahil dito ang pinakamahirap na parte ng buong dungeon ay dapat na magplano na muna ta…" Biglang nakita ni Seven Fields na sumugod na si Lord Grim sa harapan para kalabanin ang mga gagamba. Dahil dito ay wala na siyang nagawa pa kundi ang ibigay ang hudyat sa pagsugod.

Kung tama ang pagkakatanda ni Seven Fields, sa parteng ito ng dungeon ay paniguradong maraming mga gagamba na iba't-iba ang klase.

"Bilian niyo!." Sigaw ni Seven Fields sa tatlo dahil hindi niya magawang utusan si Lord Grim. Hindi niya alam kung gaano kalayo ang kanilang level sa isa't isa.

Pero kahit na gaano pa kagaling silang lahat ay halos 70 na gagamba pa rin ang kanilang kinakaharap. At dahil nasa Level 10 pa si Lord Grim ay hindi niya maaring mahatak ang atensyon ang lahat ng mga gagambang ito.

Dahil dito ay tinawag niya ang mga kasamahan niya para matulungan si Lord Grim sa kaniyang hangarin.

Sa isang hamps ng kaniyang Lance ay parang nagkaroon ng lindol na yumanig sa paligid, sa isang iglap ay apat na gagamba ang nahati sa dalawa. Sa kabilang dulo naman ay sinugod siya ng dalawa pang gagamba, pero kaagad siyang tumalon paatras para mailagan ang atake nila.

Habang umiilag siya ay pinaikot niya ang kaniyang katawan sa ere, at sa isang pagyanig ay may dalawang gagamba na namang nahati sa dalawa.

Sa pagtama niya sa lupa ay kaagad siyang tumayo at gumamit ng isang Sky Strike, ang ika-pitong gagamba ay tumilapon sa ere, hindi nga nagawang umatake ng gagamba bago siya namatay.

Ang apat ay nagkagulo sa kanilang nasaksihan.

"Tao pa ba siya?!" Gusto sanang sumigaw ng apat, pero pinigilan nila ang kanilang sarili dahil sa Voice System ng Glory. Kapag sumigaw sila ay paniguradong maririnig iyon ni Lord Grim, at hindi iyon magiging maganda para sa kanila.

"Grabe! Winalis niya ng mga gagamba habang siya ay nasa hangin!?" Napatigil sa paghinga ang lahat habang isinusulat nila ang mga katagang ito.

"At saka yung pagkatapos ng pag-ikot niya sa ere, 'yung Sky Strike!"

"T*ngina, par! Isa yata siyang halimaw!" Matatag na naniwala ang lahat sa kanilang naisip na ito. Kahit na parang madaling tingnan lang ang mga ginawa ni Lord Grim ay hindi iyon basta-basta magagawa ng kahit na sino man. Kahit na sila na mga beteranong manlalaro na ng Glory.


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C13
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous