Télécharger l’application
3.5% Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 79: Teacher Acknowledgement Fever

Chapitre 79: Teacher Acknowledgement Fever

Éditeur: LiberReverieGroup

Gaya ng sabi ni Zhang laoshi, sa sandaling palampasin niya ang pagkakataong ito, kakailanganin niya ng mas mahabang oras para makalagpas sa kasalukuyan niyang realm. Kapag napag-iwanan siya ng iba, mananatili na siyang nasa hulihan. Ayaw niyang palagi na lang siyang naghahabol sa iba.

Wala siyang tiwala sa sinabi ni Zhang Xuan, pero dahil sa dami ng mga guro na nandito, naisip niya na hindi hahayaan ng Zhang laoshi na ito na muling magwala ang kanyang cultivation.

"Magaling. Masaya ako sa naging desisyon mo!"

Pagtango niya, tumingin muna sa paligid si Zhang Xuan bago kinuha ang isang kahon na naglalaman ng mga karayom na gawa sa pilak. Pagkatapos, inutos niya na, "Umupo ka ng naka ekis ang iyong mga binti. Huwag mong hayaang lumipad ang iyong isipan. Gagamitin ko 'tong mga karayom na pilak para tulungan kang mabuksan ang iyong mga acupoint para mapabilis ang pag-iipon mo ng ispiritwal na enerhiya. Kailangan mong subukan na makapasok sa Dantian realm!"

"Sige!" Punong-puno ng determinasyon si Zhao Yanfeng, hindi na siya nagdalawang-isip pa at umupo ng naka ekis ang mga binti.

Lumapit si Zhang Xuan at kumuha ng isang karayom, tinusok niya ito sa isa sa mga acupoint ni Zhao Yanfeng. At kasabay nito, dumaloy ang zhenqi papasok sa katawan niya.

Nang icultivate niya ang Heaven's Path Divine Art, naging kasing linaw ng mineral water ang kanyang zhenqi. Sa sandaling pumasok ito sa loob ng katawan ni Zhao Yanfeng, nabuksan agad ang mga acupoint niyang nagbara.

Ang mga acupoint ng isang pangkaraniwang cultivator ay maihahalintulad sa maliliit na butas na puno ng dumi, at ang maduming zhenqi ay mahahalintulad naman sa maputik na tubig. Imposibleng malinis ang kanilang mga acupoint gamit ang maruming zhenqi. Sa kabilang banda, ang superior zhenqi naman ay katumbas ng malinis na tubig. Habang ang iba ay nahihirapang linisin ang kanilang mga acupoint sa loob ng dalawang taon, nagawa ito ni Zhang Xuan ng ganun kadali.

Sa sandaling nabuksan ang mga acupoint, mabilis na dumaloy papasok ang ispiritwal na enerhiya na nasa paligid.

Hu hu hu hu!

Nagtusok siyang muli ng walong karayom na pilak sa katawan ni Zhao Yanfeng gamit ang kanyang mga kamay na kasing bilis ng hangin.

Ang siyam na karayom na pilak ang nagbukas sa siyam na acupoint sa katawan ni Zhao Yanfeng. Ang ispiritwal na enerhiya na dumadaloy ng parang maliit na batis sa kanyang katawan ay biglang naging rumaragasang ilog at umagos sa buo niyang katawan bago naipon sa kanyang spiritual sea.

Boom!

Pakiramdam ni Zhao Yanfeng ay may naganap na pagsabog sa kanyang utak. Ang nakasarang dantian sa kanyang kalamnan ay nabuksan sa isang iglap lang. Na para bang isang malaking sisidlan, nagkasya dito ang lahat ng dumaloy na ispiritwal na enerhiya papasok dito.

"Ito ay…"

Sa kanyang pagtayo, idinampi ni Zhao Yanfeng ang kanyang palad sa Strength Measuring Rock Pilllar na di kalayuan sa kinatatayuan niya.

Boom!

150kg!

Fighter 2-dan Dantian realm primary stage!

"Paanong... Ako ay..."

Pagkakita sa lumitaw na mga numero, natigilan si Zhao Yanfeng. Noong una, akala niya ay aabutin siya ng halos kalahating taon para makalagpas sa susunod na realm. Pero, dahil sa tulong ni Zhang laoshi, nakalagpas siya sa loob lamang ng ilang sandali.

Tila hindi man lang ito inabot ng isang oras!

"Salamat, Zhang laoshi!"

Padah!

Lahat ng pagdududa sa isipan ni Zhao Yanfeng tungkol kay Zhang laoshi ay naglaho at agad siyang lumuhod sa harapan ni Zhang Xuan.

Sa isang iglap, mula sa kaibuturan ng kanyang puso, kumbinsido na siya na ginawa lamang ni Zhang Xuan ang lahat ng iyon para sa ikabubuti niya!

Papaanong ang isang guro, na may kakayahang tulungan ang iba na makalagpas sa isang realm ng ganun kadali, ay magtuturo ng maling teorya at maging dahilan upang magwala ang cultivation ng isang estudyante?

Hindi niya lubos maisip na pinagdudahan niya ang isang marangal na guro, at ininsulto pa niya ito!

Mas masahol pa siya sa hayop!

Bulag siguro siya noong mga panahon na iyon para iwanan si Zhang Xuan at lumipat kay Lu Xun laoshi. Kung may pagkakataon, aalis siya sa klase niya at babalik kay Zhang Xuan.

"Nakalagpas talaga siya?"

"Para matulungan ang isang Fighter 1-dan na makalagpas sa loob lamang ng humigit sa sampung minuto..."

"Siguradong may problema na sa paningin ko? Paano niya ito nagawa sa pamamagitan lamang ng pagtusok ng mga karayom?"

Habang nagdadalawang-isip at nagsisisi si Zhao Yanfeng, ang clan head na si Wang Hong, si Elder Mo at iba pang nakasaksi sa ginawa ni Zhang Xuan ay nanlaki ang mga mata at napanganga habang pakiramdam nila'y gumuho ang kanilang mundo.

Akala nila nagyayabang lang si Zhang Xuan at naisip nilang imposible siyang magtagumpay. Pero, nang makita nilang nangyari ang inisip nilang imposibleng mangyari, halos maluha na sila sa nasaksihan nila.

Pagtingin nila muli kay Zhang Xuan, ang kanilang mga mata'y napuno ng paghanga.

Noon, nung makalagpas sila sa 1-dan, kailangan pa nilang dumaan sa maraming pagsubok. Pero, pagtingin nila kay Zhao Yanfeng, para lamang siyang kumain at uminom.

Bakit ngayon lang nila nakilala si Zhang laoshi?

"Zhang laoshi, pakiusap tanggapin mo ako bilang estudyante mo!"

Si Wang Yan, na kasama ni Wang Tao at ng iba pa, ay lumapit at lumuhod sa harap ni Zhag Xuan.

Noon, inakala niya na si Lu Xun laoshi ang pinakamagaling, at dahil dito, hindi siya sang-ayon sa desisyon ng clan head at ng kanyang lolo. Ngunit, nang makita niya ang ginawang pagtulong ni Zhang laoshi kay Zhao Yanfeng para makalagpas sa loob lamang ng sampung minuto, ay hindi na niya mapigilan ang sarili.

"Un?" Napakurap si Zhang Xuan.

"Alam kong ang talento ni Yan-er ay pangkaraniwan lamang, pero hinihiling ko na sana ay huwag mo siyang tanggihan Zhang laoshi!" Lumapit ang 2nd Elder ng Wang clan. Muli siyang nagpatuloy ng may ngiti sa kanyang mga labi, "Kung tatanggapin siya ni Zhang laoshi, nakahanda din akong maging disipulo mo. Natitiyak ko na ang pangalan ni Zhang laoshi ay makikilala ng lahat kapag tumaggap siya ng isang Pixue realm na estudyante, walang sino man ang mangangahas na pagdudahan ka!"

"2nd Elder, mahiya ka nga sa sarili mo? Hindi ko lubos maisip na susubukan mong makipag-tawaran sa kanya para tanggapin niya kayong dalawa bilang kanyang mga estudyante, nakakahiya!" Hinawi ng Grand Elder ang kanyang mga manggas at tumingin ng may paggalang. "Zhang laoshi, huwag mo silang pansinin. Ang 2nd Elder ay isang walanghiya! Ehem ehem, ako kay? Ako ay isang Pixue realm pinnacle expert at gusto din kitang maging guro. Kung nababahala ka dahil sa katayuan ko bilang isang elder ng Wang clan, pwede naman akong magbitiw sa pwesto."

"Ano pa bang pinagtatalunan niyo? Ang tatanda niyo nang dalawa, tapos gusto niyo pa din siyang kilalanin bilang guro niyo. Hindi ba kayo nahihiya?"

Hindi niya inakalang ang Grand Elder at 2nd elder ay aasta na parang mga bata, kaya sinaway sila ni clan head Wang Hong.

Namula ang mukha ng dalawa pagkatapos silang mapagsabihan ni clan head Wang Hong.

Totoo, hindi na sila bata at ang kanilang mga buto ay masyado nang matigas. Hindi magiging madali ang kanilang pag-usad.

Tumingin sina Wang Tao at Wang Yan ng may paggalang sa kanilang clan head.

[Nakita mo yun? Ang aming clan head ay disiplinado at matalino, may kakayahan siyang mahanap ang ugat ng problema sa isang tingin lang.]

Ngunit, bago pa sila makatapos sa pagpuri sa kanilang clan head, nakita nila si clan head Wang Hong na lumingon kay Zhang Xuan na naka todo ngiti, "Zhang laoshi, bata pa ako, kaka-42 ko lang ngayong taong. Pwede ba kitang kilalanin bilang aking master?"

"..." Zhang Xuan.

"…" Lahat ng nasa paligid.

"Ehem ehem, pag-usapan na lang natin 'tong pagkilala bilang master sa susunod!" Sa huli, nagsalita si Zhang Xuan upang humupa ang sitwasyon. Tumingin siyang muli kay Zhao Yanfeng, at nagtanong, "Iniisip mo pa din ba na nagwala ang iyong cultivation dahil wala akong kakayahang magturo?"

"Patawarin mo ako Zhang laoshi dahil sinuklian ko ng kawalan ng utang na loob ang kabutihan mo!"

Mabilis na yumuko si Zhao Yanfeng kay Zhang Xuan.

"Un!" Tumungo si Zhang Xuan. Pagkatapos, lumingon naman siya kay Elder Shang Chen, at nagtanong, "Elder Shang Chen, may gusto ka pa bang sabihin?"

"Ano..."

Nanigas ang mukha ni Elder Shang Chen.

Hindi niya maipaliwanag ang nangyari sa Teacher Qualification Examination, at ngayon ang lahat ay naniniwala kay Zhang laoshi na kaya inudyukan niya na magwala ang cultivation ni Zhao Yanfeng ay para sa ikabubuti nito, ano pa ba ang masasabi niya?

Nasampal muli ang kanyang mukha!

Higit pa dito, ito yung tipo ng sampal na nakakapagpamaga ng mukha!

"Imposible, imposible! Paano niya natulungan ang iba na makalagpas sa kasalukuyan niyang realm ng ganun lang kadali?"

Sa isang tabi, parang nabobo na si Cao Xiong. Puno ng kalituhan ang kanyang mga mata.

Itong Zhang Xuan laoshi na ito ay kasabay niyang pumasok sa akademya, at ang totoo, ang kanyang resulta ay mas mataas sa kanya. Kelan pa siya naging ganito kagaling?

Higit pa dito, may kakayahan siyang tulungan ang iba na makausad ng madali, na kahit ang mga elder at ang punong guro ay walang kakayahan na gawin yun. Paano niya nagawa yun?

"Sinadyang siraan ni Cao Xiong laoshi ang kanyang kapwa guro, na nagpapatunay ng kakulangan niya ng tamang asal bilang isang guro. Ipapaalam ko ito sa Teacher Guild para mapawalang bisa ang iyong lisensya! At sa oras ding ito, ang pagpalo ng isang daang ulit gamit ang God Slaying Flogs ay gagawin ngayon din!"

Nang matapos ang lahat, ikinumpas ni Elder Mo ang kanyang mga kamay.

"Opo!" Nagngitngit ang mga ngipin ni Cao Xiong.

Kahit na hindi niya tanggap ang magiging parusa sa kanya, wala na siyang magawa sapagkat ito'y nakatakda na.

"Shang Bin, bilang isang guro, para sa iyong pansariling kapakinabangan, sinadya mong palabasin na masama si Zhang Xuan. Ang iyong lisensya sa pagtuturo ay masususpendi hanggang magkaroon ng abiso mula sa nakatataas!" Pagkatapos niya kay Cao Xiong, binaling naman ni Elder Mo ang kanyang atensyon kina Shang Bin at Shang Chen. "At ikaw naman Shang Chen, bilang isang elder, pinuno ng Education Bureau, hindi mo lamang isinantabi ang kapakanan ng ibang guro, sinadya mo pa silang pahirapan, at nagawa mo pang baguhin ang resulta ng Teacher Qualification Examination ng naaayon sa iyong kagustuhan. Tinatanggal ka sa posisyon mo bilang isang elder at pinuno ng Education Bureau. Ang pangyayaring ito ay ipapaalam ko sa Teacher Guild nang mabigyan ka ng karampatang parusa base sa iyong mga nagawa!"


Chapitre 80: Paano Kita Tuturuan?

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang mga elder ng Teacher Guild ay parehas lang ang posisyon ng mga pinuno ng Ministry of Education sa mundo noon ni Zhang Xuan. May kapangyarihan silang alisin sa pwesto ang isang guro ng isang akademya.

"Elder Mo, tutal naging magkaibigan naman tayo ng matagal na panahon, baka pwedeng iligtas mo naman ako… " Pagkatapos marinig ang parusa, agad na nagsalita si Shang Chen.

Sa pagkakataong ito, pakiramdam niya'y gumuguho na ang kanyang mundo.

Siya ang nagpapunta kay Elder Mo dito. At ito ay upang tanggalan ng lisensya sa pagtuturo si Zhang Xuan, ngunit… bumalik lang sa kanya ang lahat ng binabalak niya. Sa bandang huli, siya ang natanggal sa trabaho.

[May mas malala pa ba sa sitwasyon na 'to?]

"Kasalanan mo lahat ng 'to, pasaway na bata!"

Sa tuwing naiisip niya ito, lalo lamang siyang nagagalit. At sa tuwing titingnan niya si Shang Bin, hindi niya mapigilan ang sarili na gustuhing tadyakan ng dalwang beses ang kanyang apo upang humupa ang kanyang galit.

Kung hindi dahil kay Shang Bin at sa kagustuhan nitong guluhin si Zhang Xuan, hindi sana siya masasangkot sa gulong ito.

Ngayon, hindi lang nakaligtas si Zhang Xuan at napatalsik naman siya sa puwesto, higit sa lahat, sirang sira na ang kanyang reputasyon. Kapag kumalat ang balita na nang-aapi siya ng ibang guro at binabago ang mga resulta ng mga pagsusulit nila, magiging masama ang tingin sa kanya ng mga tao, isang tao na kinamumuhian ng lahat.

Hindi niya ginawa ito, ngunit… kailangan munang may maniwala sa mga sinasabi niya!

[Sa lahat ng tao, pinili mo pa ang sarili mong lolo para ipahamak…]

"Iligtas ka? Elder Shang, dahil nga sa naging kaibigan kita ng matagal na panahon kaya itinira ko pa ang iyong dignidad. Kapag isinumbong kita na inaapi mo ang kapwa mo guro sa Teacher Guild, malamang ay matatanggalan ka din ng lisensya sa pagiging guro!" Ang masungit na sagot ni Elder Mo. "Magpakatino ka na simula ngayon!"

Alam ni Elder Shang na totoo ang sinasabi ni Elder Mo. Nanghina ang buong katawan niya at napaluhod siya sa sahig, nalungkot siya na para bang nawala ang kanyang mga magulang.

"Zhang laoshi, pasensya na at naabala ka namin ngayong araw. Para magkaroon ng isang basura sa hanay ng mga guro ay kapabayaan naming nasa Teacher Guild!" Pagkatapos niyang asikasuhin ang tatlo, nanghingi ng tawad si Elder Mo kay Zhang Xuan.

"Huwag kayong mag-alala. Normal lang na may lumitaw na isa o dalawang masamang tao paminsan-minsan!" Ikinumpas ni Zhang Xuan ang kanyang mga kamay upang ipakita na hindi siya naabala sa nangyari.

Nang makita nila ang kanyang inasal, lahat ay muling namangha sa kanya.

[Nakita niyo yon, yan ang kabutihang loob na dapat taglay ng isang guro.]

"Magaling, ngayon babalik na ako sa Teacher Guild upang asikasuhin ang tungkol dito. Sisiguraduhin ko na bibigyan ko ng paliwanag si Zhang laoshi tungkol sa sitwasyon!" Kasunod nito, tiningnan ni Elder Mo ng masama si Elder Shang Chen bago siya umalis.

"Zhang laoshi, umalis na din tayo. Kailangan mo pa akong turuan na magpinta!"

Sa mga oras na ito, si Cao Xiong ay pinaghahagupit hanggang sa puntong halos mamatay na siya. Nang makita niyang maayos na ang lahat, lumapit si Bai Xun na may ngiti sa kanyang mga labi.

"Sige!"

Tumango si Zhang Xuan at naglakad palabas ng Enlightenment Will Tower kasama ang iba pa.

Sa totoo lang, muntik na siyang hindi makalusot sa sitwasyon na ito.

Kung hindi dahil sa pagdating ng Wang clan, ni Bai Xun at ni Huang Yu, kahit na kaya niyang harapin ang sitwasyon, kakailanganin pa rin niya ng matinding pagsisikap para malusutan ito.

Lalo na ang tungkol kay Zhao Yanfeng.

Yung totoo, hindi lahat ng sinabi niya tungkol sa kondisyon ni Zhao Yanfeng ay totoo.

Hindi Innate Sealed Meridians ang meron si Zhao Yanfeng, sa halip nagtataglay siya ng Innate Narrow Meridians!

Ang Innate Narrow Meridians, kung ipapaliwanag gamit ang mga salita mula sa kanyang dating buhay, ay nangangahulugan na kung ang iba ay isang malawak na kalye, ikaw naman ay isang makitid na eskinita.

Dahil sa makipot na mga meridian, natural lang na maramdaman niya na parang mapupunit ang kanyang katawan sa tuwing may dadaloy na espiritwal na enerhiya dito. Sa katunayan, ang kanyang cultivation ay lubos na babagal, na magiging dahilan upang magkaroon ng limitasyon ang kanyang pag-usad sa mga susunod na panahon.

Subalit, mayroong malaking pagkakaiba ang Innate Narrow Meridians at ang Innate Sealed Meridians.

Yung una, ang Innate Sealed Meridian, ay katulad ng isang daluyan na may nakabarang mga pako, na humaharang sa daloy ng espiritwal na enerhiya. Sa kabilang banda, ang Innate Narrow Meridians, kahit na ang mga meridian ng isang tao ay makipot, nakakadaloy ang espiritwal na enerhiya dito, dahilan para makapagcultivate pa rin ang isang tao ng walang problema.

Ang pagwawala ng cultivation ni Zhao Yanfeng ay nakapagpaluwag nga ng kanyang makipot na mga meridian, dahilan upang makapag-cultivate siya ng mas madali. Yun ang dahilan kung bakit bumilis ang pagtaas ng kanyang cultivation, kaya naman nagawa niyang maabot ang Juxi realm pinnacle.

Yun nga lang, ang insidenteng yun ay nagdulot din ng malaking pinsala sa kanyang katawan. Ang Juxi realm pinnacle na ang kanyang hangganan. Imposible nang makalagpas pa siya dito.

Para makabawi kay Zhao Yanfeng, gumawa ng paraan si Zhang Xuan para tulungan siyang makalagpas sa Juxi realm pinnacle. Kasabay nito, sinubukan din niyang alisin ang naiwang trauma ng dating Zhang Xuan sa kanyang katawan, para siyang nagbato ng isang bato sa dalwang ibon.

Dahil din dito, pagkatapos ng insidenteng ito, wala nang makakagamit ng pangyayari tungkol sa pagwawala ni Zhao Yanfeng laban sa kanya.

At tungkol naman sa kung paano niya natulungan si Zhao Yanfeng na makalagpas sa kasalukuyan niyang realm, simple lang naman ang teorya sa likod nito.

Pagkatapos niyang buklatin ang lahat ng libro sa Compendium Pavilion, nagawa niya agad ang 1-dan, 2-dan at 3-dan ng Heaven's Path Divine Art. Pagkatapos niyang magcultivate gamit ang mga ito kagabi, nalaman niya kung ano ang tamang paraan para makausad sa pagku-cultivate. Higit pa dito, dahil sa mataas na kalidad ng zhenqi na nasa katawan niya, hindi na naging mahirap para sa kaniya na gabayan si Zhao Yanfeng para makalagpas sa kasalukuyan niyang cultivation realm.

"Simula ngayon, hindi na ako manganganib na mapatalsik sa akademya!"

Dahil nawala na ang mabigat niyang dinadala, nakahinga na siya ng maluwag.

Mula noong dumating siya sa mundong ito, nanganganib na siyang mapatalsik mula sa akademya. Kahit na nagkaroon siya ng ilang estudyante, pakiramdam niya ay may maiitim na ulap pa rin sa taas ng kanyang ulo. Ngunit, sa oras na ito, nawala na ang panganib na ito!

Paglabas nila sa Enlightenment Will Tower, pinahintulutan niya si Wang Yan na makinig sa kanyang klase, tulad ni Wang Tao, at saka lamang umalis ang Wang clan.

Si Zhao Yanfeng naman, ay nakatitig kay Zhang laoshi. Malinaw na namangha siya sa kakayahan ni Zhang Xuan at umaasa siya na matatanggap muli siya sa kanyang klase.

Ngunit, mabilis na tinanggihan ni Zhang Xuan ang kanyang mungkahi.

[Anong kalokohan 'to!

Isa akong transcender na may ginintuang daliri, isa siyang tao na pwedeng maging isang master teacher bukas o sa makalawa. Kapag pinayagan ko na mag-aral sila sa ilalim ng pagtuturo ko at basta na lang umalis kung kailan nila gusto, hindi ba't parang tinatapakan na nila ang aking dignidad?

Iniwan kang nagwawala ng dating Zhang Xuan, kaya naman bumawi ako sayo sa pamamagitan ng pagtulong sayo na makaabot sa Fighter 2-dan. Naayos ko na ang galit sa pagitan nating dalawa, at ayoko nang balikan pa ang nakaraan.]

Dahil sa tinanggihan siya ni Zhang Xuan, bakas ang lungkot sa mukha ni Zhao Yanfeng. Subalit, pagkaraan ng ilang saglit, tila may naalala siya at nanumbalik ang determinasyon sa kanyang mga mata. Pag-ikot niya ay sumunod siya kay Wang Yan at umalis.

"Huang Yu xiaojie, maaari ko bang malaman kung paano maging isang associate master teacher?"

Habang naglalakad sila, hindi natiis ni Zhang Xuan na magtanong kay Huang Yu.

Pagkatapos ng pangyayaring ito, napagtanto niya na para magkapuwang siya sa mundong ito at hindi maliitin ng iba ay kailangan niyang maging isang Master Teacher!

Para maging isang Master Teacher, kailangan muna niyang maging isang associate master teacher.

"Ang pagiging Associate Master Teacher ay parang isang titulo. Hindi katulad ng Master Teacher, hindi mo kailangang dumaan sa isang pagsusulit! Naka depende lang ito sa swerte. Kapag may Master Teacher na nagustuhan ka at inimbitahan ka para maging assistant niya, maituturing ka nang isang associate master teacher!" Ang paliwanag ni Huang Yu.

"Oh!" Tumango si Zhang Xuan.

Yung totoo, ang associate master teacher ay kaparehas ng associate professor sa mundong pinanggalingan niya. Kahit na wala talaga silang kapangyarihan at parang tagapagsalita lamang sila, sila ang kumakatawan sa dignidad ng isang Master Teacher at may taglay na magandang katayuan sa lipunan.

"Isa kang associate master teacher, kung ganun ang tindahan ng mga libro na yun ay..." Nagtatakang tumingin si Zhang Xuan kay Huang Yu.

Nagulat siya nang malaman niya na si Huang Yu ay isa palang associate master teacher. Nung una, nang makita niyang malayang nakakalabas-pasok si Huang Yu sa tirahan ni Master Lu Chen, alam niya agad na siya'y isang pambihirang tao. Yun nga lang, hindi niya inaakalang ganun kapambihira si Huang Yu.

Higit pa dito, bilang isang associate master teacher, ang kanyang pagkatao ay mas pambihira pa kaysa sa mga elder ng Hongtian Academy. Wala siyang dahilan para magbukas ng isang tindahan sa gitna ng palengke.

"Nagkataon lang na napansin ako ni Liu shi kaya naging associate master teacher niya ako, ngunit dahil masyado pa akong bata, kailangan ko pa ng karanasan para makuha ko ang tiwala ng ibang tao. Dahil dito, sinunod ko ang utos sa akin ni Liu shi na pumunta sa isang mataong bayan at magbukas ng tindahan para mapag-ibayo ko pa ang aking pagkatao. At para na rin makapagbasa ako at mapalawak ang aking kaalaman..." Ang paliwanag ni Huang Yu.

Ang "shi" ay parehas ng "laoshi", mas maikling bersyon lang ito.

Tumango si Zhang Xuan.

Ang pagsasaliksik ng katotohanan ng mga bagay-bagay ay maituturing din na isang uri ng kaalaman, at ang pakikisalamuha sa iba ay maituturing na isang magandang kakayahan.

Huwag mong mamaliitin ang mga may-ari ng maliliit na negosyo. Minsan, sila pa ang mas nakakaunawa sa ugali ng iba't-ibang tao, na hindi mapapantayan ng mga dalubhasa at akademiko.

Minsan, ang pinaka-mabisang paraan para maunawaan ang ugali ng tao at mapabuti ang sarili ay magsimula sa pinaka mababa.

Bilang anak ng pinuno ng Teacher Guild, si Huang Yu ay ipinanganak na may gintong kutsara sa kanyang bibig. Ang dahilan kung bakit inutusan siya ni Liu shi na gawin ito ay upang mahasa siya, at magkaroon ng kaalaman tungkol sa mundo.

Pagkatapos nilang mag-usap, nagkaroon siya ng kaunting kaalaman tungkol sa mga master teacher at mga associate master teacher.

Sa mundong ito, ang pagiging isang guro ay higit na kagalang-galang. Ang isang guro ay kilala at iginagalang, higit pa sa mga guro sa dati niyang buhay.

Anong apothecary, blacksmith, appraiser… Sa dinami-dami ng mga larangan sa Upper Nine Paths, walang makakapantay sa isang master teacher.

Subalit, ito'y hindi na nakapagtataka. Tungkol man ito sa cultivation o kung ano pa mang larangan, kailangan pa din ng isang guro para gumabay sa kanila. Kung wala silang galang sa kanilang guro, paano sila gagaling?

"Sige, ano ba ang pagsubok na ibinigay sa inyo ni Master Lu Chen, para lahat kayo ay mag-aral sa ilalim ko?"

Pagkatapos niyang maunawaan ang estado sa lipunan ng isang guro, nadagdagan ang tanong sa isipan ni Zhang Xuan.

Si Bai Xun ay ang anak ni Zhennan Wang habang si Huang Yu naman ang anak ng pinuno ng Teacher Guild, bukod pa dito, isa din siyang associate master teacher. Sa makatuwid, base sa katayuan nila sa buhay, hindi na kailangan pa na subukan ng ibang tao ang kanilang kakayahan.

"May nakatagong painting si Master Lu Chen na tinatawag na [Ink Daylily Canvas]… Parehas naming gusto ito, kaya sinadya ni Master na magbigay ng mahirap na pagsusulit para subukan kami!"

Nagpaliwanag si Huang Yu.

"Ink Daylily Canvas?" Napasimangot si Zhang Xuan. "Yung ipininta ng master painter na si Mo Chenzi, ang Ink Daylily Canvas? Wala ni isa sa inyo ang nakakaintindi sa mga painting… Bakit niyo gustong makuha yun?"

Sa mga librong nakita ni Zhang Xuan sa Compendium Pavilion, marami ang nakatala tungkol sa Ink Daylily Canvas. Isa daw itong pambihirang painting na iniwan ng isang master isang siglo na ang nakakalipas. Isa itong napaka-mamahaling painting.

"Isa itong… regalo!"

Namula si Huang Yu.

"Regalo?"

May napagtanto si Zhang Xuan.

Si Huang Yu at Bai Xun ay parehas hinahangad ang Ink Daylily Canvas at nakiusap kay Master Lu Chen para makuha ito. Pumayag naman si Master Lu Chen na ibigay sa kanila ito, ngunit kailangan nilang maipasa ang isang pagsusulit para makuha ito.

Maang pagsusulit na sinasabi nila ay tumutukoy sa pagkilatis ng mga painting.

"Master Zhang, mayroon kang malalim na pang-unawa sa mga painting, at may kakayahan kang makita ang problema sa bawat larawan sa isang tingin lang. Maari mo ba kaming turuan?"

Tumitig si Bai Xun na puno ng pag-asa sa kanyang mga mata.

"Tama, pakiusap turuan mo kami!" Tumingin din sa kanya si Huang Yu.

"Turuan kayong dalawa?"

Ang dahilan kung paano niya nagawang makilatis ang mga painting ay dahil sa tulong ng Library of Heaven's Path. Yung totoo... Wala siyang kahit anong alam tungkol sa pagpipinta, kaya paano niya tuturuan ang mga ito?

Pagtingin niya sa dalawa na umaasang maturuan niya, napakamot na lang ng ulo si Zhang Xuan, hindi siya sigurado kung anong gagawin niya.

At dito nagtatapos ang unang bahagi!


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C79
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank 200+ Classement de puissance
    Stone 22 Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous

    tip Commentaire de paragraphe

    La fonction de commentaire de paragraphe est maintenant disponible sur le Web ! Déplacez la souris sur n’importe quel paragraphe et cliquez sur l’icône pour ajouter votre commentaire.

    De plus, vous pouvez toujours l’activer/désactiver dans les paramètres.

    OK