Télécharger l’application
3.45% Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 78: Tutulungan Kitang Makalagpas sa Loob ng Isang Oras!

Chapitre 78: Tutulungan Kitang Makalagpas sa Loob ng Isang Oras!

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang mga salitang sinabi ni Zhang Xuan ay pawang katotohanan lamang. Bago nagwala ang kanyang cultivation, nakaranas nga siya ng ganitong problema. Ang pag-iipon ng ispiritual na enerhiya ay napakahirap para sa kanya, at nakakaramdam siya ng sakit na para bang mapupunit ang kanyang katawan.

Buong buhay niya, akala niya dahil ito sa mali ang pamamaraan niya sa pagku-cultivate. Posible kayang… dahil talaga 'to sa pagkakaroon niya ng Innate Sealed Meridians?

Sinasabing ang isang taong nagtataglay ng Innate Sealed Meridian ay nakakaramdam na para bang naka gapos ang kanilang mga meridian, dahilan sa pagbabara ng kanilang hininga. Kapag sinubukan niyang pwersahin ang pagku-cultivate, magdudulot ito ng matinding sakit na para bang pinupunit ang kanyang buong katawan.

Ang paghingang ito ay malamang tumutukoy sa kanilang katawan.

Subalit, kahit kailan ay hindi niya sinabi ang tungkol dito sa ibang tao, kahit na kay Zhang Xuan noong estudyante pa siya nito. Sa katunayan, hindi rin ito alam ng mga magulang niya, kaya paano niya… nalaman ang tungkol dito?

Nang makita nila ang reaksyon ni Zhao Yanfeng, nangilabot ang lahat.

[Posible kayang… totoo ang sinabi niya?]

"Huwag mo nang ipilit pa ang katwiran mo. Ano ngayon kung taglay ni Zhao Yanfeng ang pangangatawan na Innate Sealed Meridian? Anong kinalaman nun sa pagwawala ng kanyang cultivation?" Ang sabi ni Elder Shang Chen.

Ang Innate Sealed Meridian ay isang kapansanang taglay na ng isang tao pagka panganak pa lamang sa kanya. Walang paraan para gamutin ito at ang sinumang nagtataglay ng ganitong problema ay hindi maaaring makapagcultivate.

Kahit na may ganitong klaseng problema si Zhao Yanfeng, mawawala lamang sa kanya ang potensyal na maging isang eksperto. Hindi kailangan na sadyain niyang pagwalain ang kanyang cultivation!

"Sa tingin mo walang kinalaman yun?" Natawa si Zhang Xuan. "Kung ganun, tatanungin kita, ano ang mga sintomas ng pagwawala ng cultivation ng isang tao?"

"Ang sintomas ng pagwawala? Ang enerhiya ng isang tao ay magiging bayolente at hindi makokontrol, dahilan para mawala sa sarili ang isang tao at nababaliw…" Sa puntong ito, biglang napahinto si Elder Shang Chen. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sobrang pagkabigla, "Posible kayang, sinusubukan mong gamitin ang mga sintomas ng pagwawala ng kanyang cultivation para masira ang mga gapos ng kanyang mga meridian para maalis ang kanyang Innate Sealed Meridians?"

"Paanong… Paanong nangyari 'to?"

Hindi lamang siya ang nakaisip ng ganito. Naisip din ito ng iba at napanganga sila sa sobrang pagkagulat.

Kapag ang isang tao ay nagwala, ang enerhiya sa loob ng kanyang katawan ay hindi makokontrol. Totoong nagagawa ng isang tao na magpakawala ng lakas na ilang beses na mas malakas kaysa sa normal na kakayahan ng isang tao, ngunit… ito ay nakakabaliw, madaling masisira ang cultivation ng isang tao. Wala pang sumubok nito, at walang nangahas na subukan ito.

[Para subukan niyang gamitin ang pagwawala ng cultivation para maalis ang Innate Sealed Meridians… Totoo ba 'to?

Kung totoo yun, napakalakas ng loob mo!

Ang ganitong klaseng ideya ay makakapagpabago sa mundo ng cultivation!]

"Tama!" Tumango si Zhang Xuan. Pagkatapos, lumingon siya kay Zhao Yanfeng at nagtanong, "Tatanungin kita, mula ba noong nagwala ang cultivation mo, naramdaman mo pa ba na mapupunit ang katawan mo sa tuwing magku-cultivate ka?"

"Ah…" Nanginig ang katawan ni Zhao Yanfeng. Sumagot siya nang may nanginginig na boses, "Hi.. Hindi na!"

Noon, nakakaramdam siya ng matinding sakit sa tuwing magku-cultivate siya, tila sasabog ang kanyang katawan. Pero, pagkatapos niyang magwala, hindi na siya uli nakaramdam ng ganitong sakit. Noong una, inisip niyang dahil ito sa paggabay ni Lu Xun laoshi. Iyon ba talaga… ang dahilan?

"Kapag nagwala ang isang tao, ang enerhiya na dumadaloy sa loob ng kanyang katawan ay nagiging bayolente, dahilan para magawa nilang makapaglabas ng lakas na higit sa karaniwan nilang nagagawa. Kahit na hindi nito kayang gamutin ang Innate Sealed Meridians, kaya naman nitong pagaanin ang sitwasyon, dahilan para dumaloy ang ispiritwal na enerhiya ng isang tao! Noon, nang inudyukan kong magwala ang iyong cultivation, sinusubukan kong ayusin ang mga natatagong problema sa iyong katawan. Noong una, may inihanda akong mga hakbang para mas mapaganda ang takbo ng iyong cultivation, para magawa mong mas lumakas pa. Ngunit… Bukod sa umalis ka ng hindi man lang nagpapaalam sakin, nagalit at naging mailap ka pa sa akin!"

Sa puntong ito, napailing si Zhang Xuan at bumuntong hininga. Makikita ang pakiramdam ng pag-iisa sa kanyang mga tingin.

Mula noong magising si Zhao Yanfeng mula sa kanyang pagwawala, hindi na siya bumisita sa silid ni Zhang Xuan. Gayunpaman, itinuring niya si Zhang Xuan bilang mortal niyang kaaway, nagkalat siya ng mga mapanirang kwento tungkol sa kanya kung saan-saan.

Kahit na hanapin pa siya ni Zhang Xuan, malamang hindi rin magtitiwala sa kanya si Zhao Yanfeng.

Nang makita nila ang ekspresyon ni Zhang laoshi, naramdaman ng lahat ang paghihirap at sakit na naramdaman niya sa kanyang puso.

Subalit, sa ilalim ng matinding pighati, hindi na niya sinubukang magpaliwanag. Sa halip, sinarili niya ito, tiniis niya ang mga pang-iinsulto ng ibang tao…

Sa isang iglap lang, lumaki ang imahe ni Zhang Xuan sa kanilang mga puso!

"Kalokohan, imposible yun! Isa pa, kahit na totoo pa yun, kung ipinaliwanag mo sa kanya ng maigi ang sitwasyon bago pa man, hindi aalis si Zhao Yanfeng!" Nagngitngit ang mga ngipin ni Elder Shang Chen.

"Kung magagawang kontrolin ng isang tao ang proseso, hindi ito matatawag na pagwawala! Kung sasabihin ko 'to sa kanya bago pa man, kung pagbabasehan ang matatakuting pagkatao ni Zhao Yanfeng, sa tingin mo ba makikipagsapalaran siya?" Ihinawi ni Zhang Xuan ang kanyang damit.

Hindi makokontrol ang isang tao sa oras na magwala siya. Kapag alam ng isang tao na magwawala siya habang nagku-cultivate, makakaramdam siya ng takot, dahilan para mahirapan siyang matagumpay na magwala.

"Kahit na anong pagpapaliwanag ang gawin mo, hindi mo mapapatunayan na naayos ng pagwawala niya ang problema sa kanyang Innate Sealed Meridian. Anuman ang dahilan, hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo!"

Pagkatapos niyang mag-alinlangan sandali, nagsalita si Elder Shang Chen.

"Alam kong hindi pangkaraniwan at nakakabigla masyado ang pangyayaring ito, pero hindi na mahalaga kung maniniwala kayo o hindi!" Lumingon si Zhang Xuan kay Zhao Yanfeng. "Base sa nakita ko nakaabot ka na sa Fighter 1-dan Juxi realm pinnacle. Kaunti na lang at makakalagpas ka na! Kung mag-eensayo ka sa karaniwang paraan sa tingin mo gaano katagal bago ka makalagpas sa kasalukuyan mong realm?"

"Anim na buwan. Sinabi sakin ni Lu laoshi na kapag nagpursigi ako, sa loob ng kalahating taon, posibleng maabot ko ang Fighter 2-dan Dantian realm!"

Medyo nagdududa pa rin siya sa mga sinasabi ni Zhang laoshi, pero mas naging magalang na ang tono ng kanyang boses at seryoso niyang sinagot ang kanyang mga tanong.

Tumango si Mo laoshi at si clan head Wang Hong bilang pagsang-ayon.

Nakita rin nila na gamitin ni Zhao Yanfeng ang kanyang punching routine kanina. Base sa kanilang mga karanasan, alam nilang tama ang sinabi ni Lu Xun laoshi. Maituturing na karaniwan lamang ang talento ni Zhao Yanfeng at para magawa niyang makalagpas sa kasalukuyan niyang realm sa loob ng kalahating taon ay maituturing na magandang progreso.

"Kalahating taon? Hindi na kailangan yun! Matutulungan kitang makalagpas sa loob lang ng isang oras!" Tumingin sa kanya si Zhang Xuan.

"Isang oras? Posible ba yun?"

"Hindi siguradong makakalagpas nga siya sa kasalukuyan niyang realm sa loob ng kalahating taon, tapos sinasabi mong matutulungan mo siyang makalagpas sa loob lang ng isang oras? Anong…"

Nang marinig nila ang mga sinabi ni Zhang Xuan, nagkagulo ang lahat. Walang nangahas na paniwalaan ang mga sinabi niya.

Ang cultivation, di gaya ng pagkain at pag-inom, ay hindi nito masasapatan ang isang tao sa isang subok lamang. Kailangan itong gawin ng dahan dahan. Magkakaroon lamang ng progreso ang isang tao pagkatapos ng paulit-ulit na pagku-cultivate. Kahit na si Zhao Yanfeng, na nasa Juxi realm 1-dan pinnacle na, kung hindi niya magagawang kontrolin ng maayos ang ispiritwal na enerhiya sa kanyang katawan, hindi niya magagawang buksan ang kanyang dantian!

Ang pag-iipon na ito ay isang napakabagal na proseso. Kung wala siyang maiipon na karanasan sa mga dadaang panahon, imposible siyang magtagumpay! Ngunit, sinasabi ni Zhang Xuan na magagawa niya ito sa loob lang ng isang oras?

Ito ay…

"Kahit na gusto mong magyabang, hindi mo dapat ipagyabang ang isang napaka imposibleng bagay!"

Ingatan mo na umabot ang ilong mo sa kalangitan!

"Bakit, hindi kayo naniniwala sakin?" Hindi niya pinansin ang nagulat na mga tao, dahan-dahan siyang napangiti at tumingin sa binatang nasa harap niya.

"Ano…" Nag-aalinlangan si Zhao Yanfeng.

Pakiramdam niya totoo ang sinasabi ni Zhang Xuan na nagtataglay siya ng Innate Sealed Meridians, pero tungkol sa pagtulong niya sa kanya na makalagpas sa Fighter 1-dan sa loob lang ng isang oras… Parang panaginip lamang ito para sa kanya.

Kung talagang makakalagpas siya sa Fighter 1-dan sa loob lang ng isang oras, kung ganun tunay na kamangha-mangha si Zhang laoshi. Ibig sabihin din nito na ang desisyon niyang udyukin na magwala ang kanyang cultivation para maalis ang kanyang Innate Sealed Meridians ay tagumpay, at isang tamang desisyon!

Kunsabagay, bakit naman magsisinungaling ang isang guro na kayang tulungan ang iba na makalagpas sa kasalukuyang lebel ng kanilang cultivation realm tungkol sa isang napakaliit na bagay?

Dahil nagawa niyang humantong sa ganitong konklusyon, ganun din ang iba. Napako ang kanilang mga tingin kay Zhang Xuan.

"Hindi kita masisisi kung ayaw mong maniwala sakin. Kunsabagay, nagwala ang cultivation mo dahil nakinig ka sa mga sinabi ko!" Ikinumpas ni Zhang Xuan ang kanyang kamay at makikita ang panghihinayang sa kanyang mga mata. "Subalit, kapag pinalampas mo ang pagkakataong ito, kakailanganin mong gumugol ng kalahating taon, o higit pa! Desisyon mo yan!"

"Ito ay…"

Kinuyom ni Zhao Yanfeng ang kanyang mga kamao habang nakatayo siya. Makalipas ang ilang oras, iniangat niya ang kanyang ulo at makikita ang determinasyon sa kanyang mga mata. "Zhang laoshi, gusto ko itong subukan!"


Chapitre 79: Teacher Acknowledgement Fever

Éditeur: LiberReverieGroup

Gaya ng sabi ni Zhang laoshi, sa sandaling palampasin niya ang pagkakataong ito, kakailanganin niya ng mas mahabang oras para makalagpas sa kasalukuyan niyang realm. Kapag napag-iwanan siya ng iba, mananatili na siyang nasa hulihan. Ayaw niyang palagi na lang siyang naghahabol sa iba.

Wala siyang tiwala sa sinabi ni Zhang Xuan, pero dahil sa dami ng mga guro na nandito, naisip niya na hindi hahayaan ng Zhang laoshi na ito na muling magwala ang kanyang cultivation.

"Magaling. Masaya ako sa naging desisyon mo!"

Pagtango niya, tumingin muna sa paligid si Zhang Xuan bago kinuha ang isang kahon na naglalaman ng mga karayom na gawa sa pilak. Pagkatapos, inutos niya na, "Umupo ka ng naka ekis ang iyong mga binti. Huwag mong hayaang lumipad ang iyong isipan. Gagamitin ko 'tong mga karayom na pilak para tulungan kang mabuksan ang iyong mga acupoint para mapabilis ang pag-iipon mo ng ispiritwal na enerhiya. Kailangan mong subukan na makapasok sa Dantian realm!"

"Sige!" Punong-puno ng determinasyon si Zhao Yanfeng, hindi na siya nagdalawang-isip pa at umupo ng naka ekis ang mga binti.

Lumapit si Zhang Xuan at kumuha ng isang karayom, tinusok niya ito sa isa sa mga acupoint ni Zhao Yanfeng. At kasabay nito, dumaloy ang zhenqi papasok sa katawan niya.

Nang icultivate niya ang Heaven's Path Divine Art, naging kasing linaw ng mineral water ang kanyang zhenqi. Sa sandaling pumasok ito sa loob ng katawan ni Zhao Yanfeng, nabuksan agad ang mga acupoint niyang nagbara.

Ang mga acupoint ng isang pangkaraniwang cultivator ay maihahalintulad sa maliliit na butas na puno ng dumi, at ang maduming zhenqi ay mahahalintulad naman sa maputik na tubig. Imposibleng malinis ang kanilang mga acupoint gamit ang maruming zhenqi. Sa kabilang banda, ang superior zhenqi naman ay katumbas ng malinis na tubig. Habang ang iba ay nahihirapang linisin ang kanilang mga acupoint sa loob ng dalawang taon, nagawa ito ni Zhang Xuan ng ganun kadali.

Sa sandaling nabuksan ang mga acupoint, mabilis na dumaloy papasok ang ispiritwal na enerhiya na nasa paligid.

Hu hu hu hu!

Nagtusok siyang muli ng walong karayom na pilak sa katawan ni Zhao Yanfeng gamit ang kanyang mga kamay na kasing bilis ng hangin.

Ang siyam na karayom na pilak ang nagbukas sa siyam na acupoint sa katawan ni Zhao Yanfeng. Ang ispiritwal na enerhiya na dumadaloy ng parang maliit na batis sa kanyang katawan ay biglang naging rumaragasang ilog at umagos sa buo niyang katawan bago naipon sa kanyang spiritual sea.

Boom!

Pakiramdam ni Zhao Yanfeng ay may naganap na pagsabog sa kanyang utak. Ang nakasarang dantian sa kanyang kalamnan ay nabuksan sa isang iglap lang. Na para bang isang malaking sisidlan, nagkasya dito ang lahat ng dumaloy na ispiritwal na enerhiya papasok dito.

"Ito ay…"

Sa kanyang pagtayo, idinampi ni Zhao Yanfeng ang kanyang palad sa Strength Measuring Rock Pilllar na di kalayuan sa kinatatayuan niya.

Boom!

150kg!

Fighter 2-dan Dantian realm primary stage!

"Paanong... Ako ay..."

Pagkakita sa lumitaw na mga numero, natigilan si Zhao Yanfeng. Noong una, akala niya ay aabutin siya ng halos kalahating taon para makalagpas sa susunod na realm. Pero, dahil sa tulong ni Zhang laoshi, nakalagpas siya sa loob lamang ng ilang sandali.

Tila hindi man lang ito inabot ng isang oras!

"Salamat, Zhang laoshi!"

Padah!

Lahat ng pagdududa sa isipan ni Zhao Yanfeng tungkol kay Zhang laoshi ay naglaho at agad siyang lumuhod sa harapan ni Zhang Xuan.

Sa isang iglap, mula sa kaibuturan ng kanyang puso, kumbinsido na siya na ginawa lamang ni Zhang Xuan ang lahat ng iyon para sa ikabubuti niya!

Papaanong ang isang guro, na may kakayahang tulungan ang iba na makalagpas sa isang realm ng ganun kadali, ay magtuturo ng maling teorya at maging dahilan upang magwala ang cultivation ng isang estudyante?

Hindi niya lubos maisip na pinagdudahan niya ang isang marangal na guro, at ininsulto pa niya ito!

Mas masahol pa siya sa hayop!

Bulag siguro siya noong mga panahon na iyon para iwanan si Zhang Xuan at lumipat kay Lu Xun laoshi. Kung may pagkakataon, aalis siya sa klase niya at babalik kay Zhang Xuan.

"Nakalagpas talaga siya?"

"Para matulungan ang isang Fighter 1-dan na makalagpas sa loob lamang ng humigit sa sampung minuto..."

"Siguradong may problema na sa paningin ko? Paano niya ito nagawa sa pamamagitan lamang ng pagtusok ng mga karayom?"

Habang nagdadalawang-isip at nagsisisi si Zhao Yanfeng, ang clan head na si Wang Hong, si Elder Mo at iba pang nakasaksi sa ginawa ni Zhang Xuan ay nanlaki ang mga mata at napanganga habang pakiramdam nila'y gumuho ang kanilang mundo.

Akala nila nagyayabang lang si Zhang Xuan at naisip nilang imposible siyang magtagumpay. Pero, nang makita nilang nangyari ang inisip nilang imposibleng mangyari, halos maluha na sila sa nasaksihan nila.

Pagtingin nila muli kay Zhang Xuan, ang kanilang mga mata'y napuno ng paghanga.

Noon, nung makalagpas sila sa 1-dan, kailangan pa nilang dumaan sa maraming pagsubok. Pero, pagtingin nila kay Zhao Yanfeng, para lamang siyang kumain at uminom.

Bakit ngayon lang nila nakilala si Zhang laoshi?

"Zhang laoshi, pakiusap tanggapin mo ako bilang estudyante mo!"

Si Wang Yan, na kasama ni Wang Tao at ng iba pa, ay lumapit at lumuhod sa harap ni Zhag Xuan.

Noon, inakala niya na si Lu Xun laoshi ang pinakamagaling, at dahil dito, hindi siya sang-ayon sa desisyon ng clan head at ng kanyang lolo. Ngunit, nang makita niya ang ginawang pagtulong ni Zhang laoshi kay Zhao Yanfeng para makalagpas sa loob lamang ng sampung minuto, ay hindi na niya mapigilan ang sarili.

"Un?" Napakurap si Zhang Xuan.

"Alam kong ang talento ni Yan-er ay pangkaraniwan lamang, pero hinihiling ko na sana ay huwag mo siyang tanggihan Zhang laoshi!" Lumapit ang 2nd Elder ng Wang clan. Muli siyang nagpatuloy ng may ngiti sa kanyang mga labi, "Kung tatanggapin siya ni Zhang laoshi, nakahanda din akong maging disipulo mo. Natitiyak ko na ang pangalan ni Zhang laoshi ay makikilala ng lahat kapag tumaggap siya ng isang Pixue realm na estudyante, walang sino man ang mangangahas na pagdudahan ka!"

"2nd Elder, mahiya ka nga sa sarili mo? Hindi ko lubos maisip na susubukan mong makipag-tawaran sa kanya para tanggapin niya kayong dalawa bilang kanyang mga estudyante, nakakahiya!" Hinawi ng Grand Elder ang kanyang mga manggas at tumingin ng may paggalang. "Zhang laoshi, huwag mo silang pansinin. Ang 2nd Elder ay isang walanghiya! Ehem ehem, ako kay? Ako ay isang Pixue realm pinnacle expert at gusto din kitang maging guro. Kung nababahala ka dahil sa katayuan ko bilang isang elder ng Wang clan, pwede naman akong magbitiw sa pwesto."

"Ano pa bang pinagtatalunan niyo? Ang tatanda niyo nang dalawa, tapos gusto niyo pa din siyang kilalanin bilang guro niyo. Hindi ba kayo nahihiya?"

Hindi niya inakalang ang Grand Elder at 2nd elder ay aasta na parang mga bata, kaya sinaway sila ni clan head Wang Hong.

Namula ang mukha ng dalawa pagkatapos silang mapagsabihan ni clan head Wang Hong.

Totoo, hindi na sila bata at ang kanilang mga buto ay masyado nang matigas. Hindi magiging madali ang kanilang pag-usad.

Tumingin sina Wang Tao at Wang Yan ng may paggalang sa kanilang clan head.

[Nakita mo yun? Ang aming clan head ay disiplinado at matalino, may kakayahan siyang mahanap ang ugat ng problema sa isang tingin lang.]

Ngunit, bago pa sila makatapos sa pagpuri sa kanilang clan head, nakita nila si clan head Wang Hong na lumingon kay Zhang Xuan na naka todo ngiti, "Zhang laoshi, bata pa ako, kaka-42 ko lang ngayong taong. Pwede ba kitang kilalanin bilang aking master?"

"..." Zhang Xuan.

"…" Lahat ng nasa paligid.

"Ehem ehem, pag-usapan na lang natin 'tong pagkilala bilang master sa susunod!" Sa huli, nagsalita si Zhang Xuan upang humupa ang sitwasyon. Tumingin siyang muli kay Zhao Yanfeng, at nagtanong, "Iniisip mo pa din ba na nagwala ang iyong cultivation dahil wala akong kakayahang magturo?"

"Patawarin mo ako Zhang laoshi dahil sinuklian ko ng kawalan ng utang na loob ang kabutihan mo!"

Mabilis na yumuko si Zhao Yanfeng kay Zhang Xuan.

"Un!" Tumungo si Zhang Xuan. Pagkatapos, lumingon naman siya kay Elder Shang Chen, at nagtanong, "Elder Shang Chen, may gusto ka pa bang sabihin?"

"Ano..."

Nanigas ang mukha ni Elder Shang Chen.

Hindi niya maipaliwanag ang nangyari sa Teacher Qualification Examination, at ngayon ang lahat ay naniniwala kay Zhang laoshi na kaya inudyukan niya na magwala ang cultivation ni Zhao Yanfeng ay para sa ikabubuti nito, ano pa ba ang masasabi niya?

Nasampal muli ang kanyang mukha!

Higit pa dito, ito yung tipo ng sampal na nakakapagpamaga ng mukha!

"Imposible, imposible! Paano niya natulungan ang iba na makalagpas sa kasalukuyan niyang realm ng ganun lang kadali?"

Sa isang tabi, parang nabobo na si Cao Xiong. Puno ng kalituhan ang kanyang mga mata.

Itong Zhang Xuan laoshi na ito ay kasabay niyang pumasok sa akademya, at ang totoo, ang kanyang resulta ay mas mataas sa kanya. Kelan pa siya naging ganito kagaling?

Higit pa dito, may kakayahan siyang tulungan ang iba na makausad ng madali, na kahit ang mga elder at ang punong guro ay walang kakayahan na gawin yun. Paano niya nagawa yun?

"Sinadyang siraan ni Cao Xiong laoshi ang kanyang kapwa guro, na nagpapatunay ng kakulangan niya ng tamang asal bilang isang guro. Ipapaalam ko ito sa Teacher Guild para mapawalang bisa ang iyong lisensya! At sa oras ding ito, ang pagpalo ng isang daang ulit gamit ang God Slaying Flogs ay gagawin ngayon din!"

Nang matapos ang lahat, ikinumpas ni Elder Mo ang kanyang mga kamay.

"Opo!" Nagngitngit ang mga ngipin ni Cao Xiong.

Kahit na hindi niya tanggap ang magiging parusa sa kanya, wala na siyang magawa sapagkat ito'y nakatakda na.

"Shang Bin, bilang isang guro, para sa iyong pansariling kapakinabangan, sinadya mong palabasin na masama si Zhang Xuan. Ang iyong lisensya sa pagtuturo ay masususpendi hanggang magkaroon ng abiso mula sa nakatataas!" Pagkatapos niya kay Cao Xiong, binaling naman ni Elder Mo ang kanyang atensyon kina Shang Bin at Shang Chen. "At ikaw naman Shang Chen, bilang isang elder, pinuno ng Education Bureau, hindi mo lamang isinantabi ang kapakanan ng ibang guro, sinadya mo pa silang pahirapan, at nagawa mo pang baguhin ang resulta ng Teacher Qualification Examination ng naaayon sa iyong kagustuhan. Tinatanggal ka sa posisyon mo bilang isang elder at pinuno ng Education Bureau. Ang pangyayaring ito ay ipapaalam ko sa Teacher Guild nang mabigyan ka ng karampatang parusa base sa iyong mga nagawa!"


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C78
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank 200+ Classement de puissance
    Stone 22 Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous

    tip Commentaire de paragraphe

    La fonction de commentaire de paragraphe est maintenant disponible sur le Web ! Déplacez la souris sur n’importe quel paragraphe et cliquez sur l’icône pour ajouter votre commentaire.

    De plus, vous pouvez toujours l’activer/désactiver dans les paramètres.

    OK