Télécharger l’application
3.05% Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 69: Pag-alis Mula sa Pagtuturo

Chapitre 69: Pag-alis Mula sa Pagtuturo

Éditeur: LiberReverieGroup

"Clan Head Wang, anong…"

Hindi lang ang mga tao sa paligid ang nagulat, pati si Zhang Xuan ay bahagyang nagulat sa kasalukuyang sitwasyon.

Kahit na tinuruan niya si Wang Ying, walang dahilan para personal siyang bisitahin dito ng clan head.

"Pinagaling ang mga binti ng anak ko at binahagihan mo siya ng napakahusay na kaalaman. Karapat-dapat lang na puntahan kita para personal na magpasalamat!" Tumango si Clan Head Wang.

Mabigat sa kanyanv kalooban ang tungkol sa problema ni Wang Ying sa kanyang mga binti. Bukod sa pinagaling ng teacher na ito ang kanyang kondisyon, nagawa din nitong palakasin si Wang Ying. Ang kanyang kakayahan ay katulad na ng sa isang master teacher!

Sa harap ng isang master teacher ang kanyang pagiging pinuno ng Wang clan ay bale wala lang.

"Estudyante ko siya, kaya natural lang na kailangan ko siyang gabayan ng maayos. Responsibilidad ko yun, kaya hindi niyo kailangang magpasalamat sakin!" Tumango si Zhang Xuan.

Responsibilidad ng isang guro ang magturo, magbigay ng mga kaalaman at linawin ang mga pagdududa!

Sa dati niyang buhay, kahit na isa lang siyang librarian sa isang high school, isa pa rin siyang miyembro ng teaching faculty. Kaya mataas ang paggalang at pagmamahal niya sa katungkulang ito.

Dahil estudyante niya si Wang Ying, wala siyang dahilan para mainis sa paglutas niya sa problema ni Wang Ying upang makapag-cultivate siya ng mas mabuti.

Nang makita kung gaano siya kahinahon magsalita, muling nagkagulo ang mga tao. Siya ang pinuno ng Wang clan! Parang itong pagkikita ng isang pulubi at ng isang bilyonaryo! Paano niya nagawang manatiling kalmado, hindi man lang siya nabahala ng konti?

"Responsibilidad ko iyon. Magaling, magaling!"

Nang makita niya ang nangyari, hinaplos ni Elder Mo ang kanyang balbas at tumango siya.

.

Sa pag-ihip ng hangin ng pagbabago, unti-unting nasira ang mga sinaunang kasanayan. Dahil sa paghahangad ng katanyagan at ng kapakinabangan, maraming mga teacher ang nakalimot sa pangunahin nilang tungkulin. Karespe-respeto itong si Zhang Xuan laoshi upang manatiling totoo at tapat sa kanyang tungkulin.

"Sa ganitong klase ng pag-iisip, kasama na ang mataas na trust level sa kanya ni Liu Yang at ang paghanga at respeto sa kanya ni Clan Head Wang Hong, hindi kaya nagkamali lang si Elder Shang Chen?"

Sa puntong ito, nagsimulang magkaroon ng mga pagdududa si Elder Mo sa kanyang isipan.

Bago siya dumating, marami siyang narinig na hindi maganda tungkol kay Zhang Xuan laoshi mula mismo kay Shang Chen, dahilan para isipin niyang totoong isang walang kwentang basura si Zhang Xuan na walang ibang kayang gawin kundi manloko, mambola at magdala ng kapahamakan sa iba. Subalit, sa mga nangyayari ngayon, mukhang hindi naman ata totoo ang lahat ng iyon!

Ngunut, pinili niyang sarilihin ang mga maling paratang niya at nagpatuloy na obserbahan ang sitwasyon.

"Clan Head Wang, halina't pumasok tayo!

Gaya ng inaasahan sa isang elder, madaling nakabawi si Shang Chen at inimbitahan niya ang grupo mula sa Wang clan na maupo.

"Clan Head Wang Hong!" Pinagsalikop ni Elder Mo ang kanyang mga kamay.

"Oh, ikaw pala si Elder Mo na mula sa Teacher Guild. Bakit ka naparito ngayon?" Ngayon lang niya napansin si Elder Mo, mabilis na tumayo si Wang Hong.

Ang Teacher Guild ang numero unong guild, higit na mas mataas kaysa sa Apothecary Guild, Formation Master Guild at iba pa. Kahit na hindi maikukumpara sa cultivation niya ang cultivation ng mga elder sa guild, hindi pa rin sila ang mga klase ng tao na gugustuhing galitin ng Wang clan.

"May isang maliit na bagay lang na kailangan kong asikasuhin!" Ang sagot ni Elder Mo. Pagkatapos, nagtataka siyang tumingin sa clan head, "Kahit na pinili ni Wang Ying xiaojie si Zhang Xuan bilang teacher niya, walang dahilan para personal mo pa siyang puntahan dito!"

Xiaojie -> Binibini/ Young mistress

Sino ba 'tong tao sa harap niya? Siya ang pinuno ng isa sa Four Great Clans, isang mahusay na expert na namumuno sa isang napakalakas na kapangyarihan!

Kahit na pinili ng kanyang anak si Zhang Xuan bilang teacher niya, at napagaling ni Zhang Xuan ang kondisyon na matagal nang nagpapahirap sa kanya, hindi pa rin ito dahilan para personal siyang pumunta dito.

"Mukhang kasing talino ka pa rin gaya ng dati Elder Mo! Totoo, may isang bagay ako na ipapakiusap kay Elder Shang Chen!" Nakangiting tumango si Clan Head Wang Hong.

" Oh? May kailangan ka sakin? Masyado kang mabait Clan Head Wang. Huwag kang mahiyang magsabi sakin kung anong kailangan mo! Hangga't kaya kong gawin, gagawin ko ang lahat para magawa ko yun!" Nang marinig niyang may ipapakiusap sa kanya si Wang Hong, muling bumalik ang kompyansa ni Elder Shang Chen sa kanyang sarili. Masaya siyang tumingin kay Zhang Xuan habang hinahaplos niya ang kanyang balbas, at tila nagmamataas siya.

[Nagkataon lang na napagaling mo ang kondisyon ni Wang Ying, dahilan para pag-aksayahan ka ni Clan Head Wang ng kaunting panahon. Ngunit, kung titingnan maigi ang sitwasyon, kahit na sino ka pa o gaano ka pa kagaling, wala ka pa ring kwenta kung ikukumpara sakin!

Tingnan mo, may ipapakiusap sakin si Clan Head Wang…]

"Ganito kasi yun. Ang anak kong si Wang Tao ay nasa ilalim ng pagtuturo mo sa loob ng ilang araw at nasa pangangalaga ni Shang laoshi. Paumanhin kung hindi ako nakapunta agad para personal na magpasalamat sayo!" Sa isang kumpas ng kamay ni Clan Head Wang, lumapit ang isang elder at may ibinigay na gamit. "Ito ay isang regalo para sa pag-aalaga mo sa aking anak sa loob ng ilang araw!"

'Clan Head Wang, hindi mo na kailangang gawin 'to. Tungkulin ng isang teacher ang turuan at pangalagaan ang nakababatang henerasyon, hindi ko matatanggap ang regalo mo!"

Agad itong tinanggihan ni Elder Shang Chen.

Dahil nandito ai Elder Mo na mula sa Teacher Guild, kahit na gusto pa niyang tanggapin ang regalo, kakailanganin niya ng matinding lakas ng loob para gawin yun!

"Ang matuwid na pagkatao ni Elder Shang ay kahanga-hanga!" Nang tumanggi si Elder Shang Chen, ikinumpas ni Clan Head Wang Hong ang kanyang kamay upang ibahin ang usapan. Pagkatapos, sanadali siyang nag-isip bago siya nagpatuloy, "Yung totoo, may isang bagay sana akong gustong ipakiusap sayo ngayon Elder Shang. Nitong mga nakaraan, nagkakaroon ng problema sa kanyang cultivation si Wang Tao. Naisip niyang hindi angkop sa kanya ang mga itinuturo mo sa kanya. Kaya naman… pwede mo ba siyang alisin sa ilalim ng pagtuturo mo?"

"Aalis siya sa pagtuturo ko?"

Nang marinig niya ang mga salitang iyon, ang kalmadong si Elder Shang Chen ay nanghina at halos matumba na.

[Aalis siya sa pagtuturo ko?

Bakit bigla kang aalis sa pagtuturo ko?]

Ang pag-alis ng isang estudyante sa pagtuturo ng isang teacher ay katumbas ng pagsampal sa kanyang mukha, dahil ibig sabihin nito na ang kakayahan ng teacher na magturo ay hindi mahusay. Noong una, inisip niyang nandito si Clan Head Wang Hong para may iutos sa kanya kaya natuwa siya. Pero sa huli, ito pala ang dahilan ng pagbisita niya dito. Kapag kakalat ang balita tungkol dito, maaaring matanggal siya sa posisyon niya bilang tagapamahala sa Education Bureau!

Maaari siyang mamamatay sa sobrang hiya!

"Oo! Sana ay magawa mo ang pakiusap ko sayo!" Ang sabi ni Clan Head Wang Hong.

"Anong…" Nakaramdam ng init sa kanyang mukha si Elder Shang Chen, para bang sinampal siya sa mukha. Gusto niyang magalit, ngunit, hindi niya ito magawa. Pagkatapos niyang mag-isip ng matagal, pinilit niyang ngumiti at sinabing, "Clan Head Wang, huwag kang mag-alala. Dahil nakapagdesisyon na ang anak mo, tutuparin ko ang kahilingan niya!"

Pagkatapos, kinuha niya ang identity jade token mula kay Wang Tao at pinatakan ito ng kanyang dugo.

Weng!

Nabura ang mga lesson plan niya dito.

"Maraming salamat, Elder Shang!" Masayang tumango si Clan Head Wang Hong at iniabot niya ang jade token kay Wang Tao.

"Hindi mo na kailangang sabihin pa yun. Dapat pareho ang relasyon sa pagitan ng teacher at ng estudyante. Kung hindi siya makasabay sa aking mga itinuturo, normal lang na gustuhin niyang umalis sa pagtuturo ko. Pero, pwede ko bang malaman kung sinong teacher ang gustong piliin ni Wang Tao pagkatapos niyang umalis sa pagtuturo ko?"

Kasabay ng pagdurugo ng puso niya, pinilit ni Elder Shang Chen na ngumiti.

Si Wang Tao ay isang napaka sikat na estudyante sa ilalim niya. Isa siyang napakahusay na tao na napapabilang sa top ten ng level examination taun-taon!

Para umalis sa pagtuturo niya ang ganitong klaseng tao… Kapag naiisip niya ang tungkol dito, pakiramdam niya ay gusto niyang bunutin ang mga buhok niya.

Kasabay nito, nagtataka din siya. Dahil disidido si Clan Head Wang Hong na alisin sa pagtuturo niya si Wang Tao, sino kaya ang gusto niyang piliin ni Wang Tao?

Isa siyang elder, at siya din ang namamahala sa Education Bureau. Hindi man siya ang pinaka mahusay na teacher sa buong akademya, ngunit itinuturing naman siyang isang star teacher. Maraming taong magpupumilit na maging estudyante niya!

Hindi niya maisip kung sino ang dahilan para samahan ng head ng Wang clan ang kanyang anak para lang umalis sa kanyang pagtuturo at lumipat sa isa sa mga teacher sa akademya.

"Oh, meron na akong naisip!"

Tumayo si Clan Head Wang Hong at lumapit kay Zhang Xuan. Magalang siyang nagtanong, "Zhang laoshi, pwede mo bang tanggapin ang anak ko, si Wang Tao, sa ilalim ng pagtuturo mo? Pwede mo ba siyang tanggapin bilang estudyante mo?"

"Ano?"

"Ito'y…"

"Nangyayari ba talaga 'to? Umalis siya sa pagtuturo ni Elder Shang Chen, para lang maging estudyante ni Zhang Xuan?"

Nang makita nila ang ginawa niya at marinig ang mga sinabi niya, natahimik ang buong Enlightenment Will Tower. Lahat sila ay nabaliw na.

Lalong lalo na si Elder Shang Chen, halos sumuka na siya ng dugo at halos mamatay na siya.

[Clan Head Wang Hong, nagbibiro ka ba!

Umalis si Wang Tao sa pagtuturo ko para lang maging estudyante ng isang taong nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination?]

Natulala sila Shang Bin at Cao Xiong.

Ang basurang teacher na kinaiinisan nila ang naging dahilan para pumunta dito ang clan head para personal na kausapin ang isang elder na alisin ang anak niya sa kanyang pagtuturo, nang sa ganun maging estudyante siya ng basurang teacher na yun. [May mas lalala pa ba dito…]

Subalit, bago pa man mahimasmasan ang lahat sa kabaliwan na ito, narinig nila ang boses ng isang binata na umalingawngaw sa loob ng silid.

"Paumanhin, ngunit hindi ako makapapayag!"

Gudong!

Lahat sila ay nalaglag sa sahig.


Chapitre 70: Mga Pagdududa

Éditeur: LiberReverieGroup

"Ano??!!!"

"Hindi ka pumayag? Seryoso ka ba?"

Hinila nila Shang Bin, Cao Xiong at Shen Bi Ru ang kanilang mga buhok, ang bawat isa sa kanila ay halos mabaliw na sa kanilang narinig.

Ang pagkagulat na nararamdaman nila ngayon ay mas malala kaysa sa mga naranasan nila sa buong buhay nila.

[Sino si Wang Tao? Isa siya sa sampung pinakamatalino sa akademya. Walang sinumang guro ang ayaw na mahawakan ang isang estudyanteng katulad niya. Noon, naging estudyante lang naman siya ni Elder Shang Chen sa pamamagitan ng kanyang posisyon bilang pinuno ng Education Bureau…

Isang henyo, kasama ng personal na pakiusap ng pinuno ng Wang Clan… Anong pumasok sa isip mo para tanggihan ito?]

Parang nabawasan ng 10000 puntos ang kanilang mga buhay at nahirapan silang huminga.

Kanikanina lang, pinagalitan niya ito dahil hindi siya makakuha ng estudyante. Tapos bigla-biglang… ibinigay ng pinuno ng Wang clan ang kanyang anak sa ilalim ng kanyang pagtuturo! Pero, ang pinakanakakagulat dito… Tinanggihan niya ang kanyang pakiusap!

"Ang puso ko, ang atay ko…"

Nararamdaman ni Elder Shang Chen ang dugong umaakyat sa kanyang lalamunan na parang sisirit na sa ilang saglit.

[Meron pa bang hustisya sa mundo? Meron pa bang batas sa mundo?]

Isa akong elder, at ako rin ang pinuno ng Education Bureau. Isang bagay ang pagpapalipat mo ng guro mula sa akin papunta sa isang tao na nakakuha ng 0 na marka sa Teacher Qualification Examination. Ang malala roon ay hindi siya pumayag…]

Pakiramdam ni Shang Chen ay parang binaltak ang kanyang mukha, dinurog, at kinalat sa lapag. Sa oras na ito, gusto niya nang kainin ng lupa para makapagtago sa kahihiyan.

Sobrang kahihiyan!

Pakiramdan niya ay parang itinapon ang kanyang dignidad patungo sa bahay ng kanyang lola!

Pati si Elder Mo Xiang na nakatayo sa gilid ay parang maluluwa ang kanyang mga mata at malalaglag sa lapag.

Kanina lang, ang kanyang opinyon kay Zhang laoshi ay gumanda, pero sa ngayon, hindi pa pala ito sapat!

"Tumatanggi ka?" Naging blanko ang mukha ni Clan Head Wang. Napatingin siya bigla sa kanyang anak.

"Nakikiusap ako kay Zhang laoshi na tanggapin niya ako bilang kanyang disipulo!"

Nagmamadaling umabante si Wang Tao, yumuko sa lapag at tumingin kay Zhang Xuan ng may katapatan.

Totoo na minaliit niya si Zhang laoshi dati. Pero, nang makita niyang napagaling nito ang mga binti ng kanyang kapatid at ang biglaang paglakas nito, pati na rin kung paano nito sinalo ang kanyang espada gamit lamang ng dalawang daliri ay napahanga na siya sa kanya mula sa kaibuturan ng kanyang puso.

"Hindi ako pumapayag!" itinaboy lang siya ni Zhang Xuan.

Maaaring mamili ng guro ang isang estudyante. Kagaya nito, ang isang guro ay maaari ring mamili ng kanyang mga estudyante!

Kahapon, biglang pumasok si Wang Tao sa kanyang klase. Hindi lang siya bastos, tinutukan rin siya nito ng sandata. Paano niya tatanggapin amg isang estudyante na kagaya niya?

Sa nangyaring iyon, kahit na hinamon lang siya sa salita ni Zhao Ya ay naparusahan pa rin siya na maglinis ng palikuran!

Kung ang isang guro ay mawalan ng dignidad, liliit ang tingin sa kanya ng kanyang mga estudyante. Kung ganoon, paano magkakaroon ng bunga ang kanyang paggabay?

"Alam kong nagpadalos-dalos ako at nabastos ko si Zhang laoshi, pero sa kadahilanan na ako'y isip-bata at ignorante sa mga bagay, hinihiling ko na hindi mo ito ikakagalit sa akin!" Nagmadaling nagsalita si Wang Tao dahil alam niya ang dahilan kung bakit ito tumanggi.

Ang dignidad ng isang guro ay hindi nadudungisan. Pagkatapos niyang gumamit ng esapada para atakihin si Zhang Xuan, isa itong malaking bagay kung hindi siya magagalit tungkol dito. Pero sa oras na ito, umaasa pa rin siya na mapasailalim sa kanyang pagtuturo. Hindi na nakakagulat na tinanggihan siya nito!

"Oo, alam ko na ang anak ko ay ignorante sa kagalingan ng guro kaya medyo padalos-dalos siya noon. Sana ay mapatawad…" Nagmadaling nagpaliwanag si Clan Head Wang Hong.

"Wang Clan head, hindi mo na kailangang magpaliwanag pa. Sa tingin ko ay hindi ito ang dahilan kung bakit tinatanggihan ni Zhang laoshi ang iyong anak!"

Sa puntong ito, isang malakas na boses ang umalingawngaw sa kwarto.

Nang malaman ang pinagmulan ng boses, nanggaling ito sa taong natalo sa Enlightenment Will Trial kanina lamang, si Cao Xiong.

Kung kanina lang, sa pamamagitan ng posisyon ni Elder Shang Chen, sigurado niyang mapipigilan ang kanyang parusa. Kung ito ay pumalpak, nakakaisip rin siya ng mga paraan para patagalin ang pagpaparusa para bigla na lang mabura ang argumento. Pero sa oras na ito, ang pinuno ng Wang Clan na si Wang Hong ay nagpunta para pakiusapan si Zhang Xuan. Malamang ay hindi na niya matatakasan ang kaparusahan mula sa Enlightenment Will Trial kung magpapatuloy ang ganitong mga pangyayari.

Pero kahit ano pa ang mangyari, hindi na ito mababawi pa. Wala na siyang dahilan para mag-alala na baka lalo silang magkasira ni Zhang Xuan.

"Un?" Nang marinig niyang may pumigil sa kanyang mga salita, nagdilim ang mukha ni Clan Head Wang Hong sa galit.

"Ang Zhang Xuan na ito ay mayroon lamang lakas ng isang Fighter 3-dan Zhenqi realm kumpara kay Wang Tao shaoye na kasalukuyang nasa Fighter 4-dan Pigu realm. Kung ang kanyang lakas ay hindi makahabol kay Wang Tao shaoye, paano niya ito magagabayan at mabibigyan ng mga leksyon? Ang dahilan kung bakit siya nag-aalangan na tanggapin siya bilang kanyang estudyante dahil alam niya rin ito sa kanyang sarili!"

Shaoye -> Young master

Sigaw ni Cao Xiong ng may malahalimaw na ekspresyon sa kanyang mukha.

"Tama, ang kanyang lakas ay hindi makakahabol kay Wang Tao shaoye. Isang malaking biro ang isipin niyang tanggapin ito bilang kanyang estudyante!"

"Clan Head Wang, maaari sana ninyong pag-isipang mabuti ang inyong desisyon. Mabuti lang na umalis si Wang Tao Shaoye sa aking pagtuturo, pero kung tatanggap siya ng isang taong mas mababa ang cultivation realm bilang kanyang guro, magiging mahirap para sa kanya na pataasin ang kanyang cultivation level sa hinaharap!" Isang kislap rin ang nakita sa mga mata ni Elder Shang Chen.

Totoo nga, ang Zhang Xuan na nakatayo sa kanilang harapan ay mayroong lamang lakas ng isang Fighter 3-dan Zhenqi realm. Isa itong katotohanang alam ng lahat sa akademya.

Ang isang Fighter 4-dan expert na tumatanggap sa isang taong mas mahina pa sa kanya bilang isang guro, dito pa lang ay isa nang kalokohan!

"Ito ay…"

Gedeng, tumibok ang puso ni Clan Head Wang Hong.

Narinig na niya ang mga nakakagulat na teorya ni Zhang Xuan mula sa bibig ni Wang Ying, pero hindi niya alam ang eksaktong lebel ng kanyang cultivation.

Kahit na inatake siya ni Wang Tao dati, hindi niya rin sinabi ito sa kanya kaya wala siyang alam dito.

Kung ang sinasabi ng kabilang grupo ay totoo at ang Zhang laoshi na ito ay isa lamang Fighter 3-dan Zhenqi realm, ibig sabihin nito ay hindi talaga siya nararapat na magturo kay Wang Tao!

Totoo na ang isang guro na maalam sa mga teorya ay pwedeng magbahagi nito sa kanyang estudyante, pero kung palalaguin at susubukan ang mga ito, mas maiintindihan nila ito. Kung ang guro mismo ay hindi pa nakakarating sa ganoon kataas na lebel, malabong mangyari na maturuan niya ito ng maayos. 

Ganito rin ang nangyari sa unang buhay ni Zhang Xuan. Kung ang guro mismo ang hindi makasagot ng problema, paano niya maituturo sa estudyante kung paano sagutin ito?

Maraming mga bagay na kailangan ng kakayahan ng isang guro para maturuan nila ang estudyante habang nagcucultivate.

Sapagkat kahit na maraming alam na teorya ang isang guro, para lang itong repleksyon ng buwan sa isang lawa, hindi ito magagamit sa praktikal na paraan.

"Zhang Xuan, kahit na gustuhin mo pang turuan si Wang Tao shaoye, mayroon ka bang abilidad para rito? Kung wala, tigilan mo na ang pagpapanggap. Sa iyong lakas na Fighter 3-dan, pwede mo pang maloko ang mga baguhan na kakapasok pa lang sa akademya, pero 'wag kang mangarap na magagawa mo rin iyon sa mga matagal nang estudyante!" Nang makitang nanahimik si Zhang Xuan, bakas sa mga mata ni Cao Xiong ang galak.

"Tama, Clan Head Wang. Ang mga sinabi ni Cao Xiong laoshi ay may ibig sabihin. Si Zhang Xuan mismo ay hindi pa nakakalagpas ng Fighter 4-dan, kaya malamang na hindi pa siya sigurado sa paraan ng cultivation sa ganoong lebel. Paano niya gagabayan ang cultivation ng isang estudyanteng nasa Pigu Realm!" Hinimas ni Elder Shang Chen ang kanyang balbas nang manumbalik ang kanyang tiwala sa sarili.

"Hindi, nagkakamali kayo!" Nang marinig niya ang pang-iinsulto nila, agad na nagpaliwanag si Wang Tao. "Sinong nagsabing hindi kayang tapatan ni Zhang laoshi ang lakas ko? Kahapon lang, nang hindi ko sinasadyang galitin siya, buong lakas ko siyang inatake gamit ng espada ko ko. Pero, nagawa niyang saluhin ang espada ko gamit lang ang dalawang daliri niya. Imposibleng magawa niya yun kung nasa Zhenqi realm lang siya!"

"Nasalo niya gamit ng dalawang daliri niya? Haha, Wang Tao shaoye, kahit na gusto mong magtira ng kahit kaunting dignidad para sa kanya, kailangan mong mag-isip ng isang bagay na mas kapani-paniwala!"

Ang sabi ni Cao Xiong, "Isa kang Fighter 4-dan Pigu realm expert at ang lakas mo ay lagpas sa 700kg. Higit pa dito, kung titingnan ang bigat at bilis ng iyong espada, kahit ang isang Pixue realm primary stage expert ay mahihirapang saluhin yun ng kamay niya, lalo na ng dalawang daliri lang… Huwag mong sabihin na ang aming Zhang laoshi, na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination, ay nakaabot na sa Pixue realm, gaya ng mga elder ng paaralan natin!"

[Ang isang espada ay magaan at malambot ang mga galaw, at ang buong lakas na pag-atake ng isang Pigu realm advanced stage expert ay kasing bilis ng kidlat. Kung hindi kabisado ng isang tao ang kilos ng kanyang kalaban at kung hindi niya alam kung saan tatama ang atake, kahit ang isang Pixue realm primary stage expert ay mahihirapang saluhin ang pag-atake… Tapos, sinasabi ni Wang Tao na madaling nasalo ng pinaka walang kwentang teacher sa akademya ang atake niya… Nagbibiro ka ba!]

"Nakita ko rin yun, ginamit ni teacher ang dalawang daliri niya para pigilan ang espada ni Wang Tao!" Ang paliwanag ni Liu Yang.

Nakita niya mismo ang nangyari noong araw na yun at walang kasinungalingan sa mga sinasabi niya.

Ngunit, dahil sa taas ng trust level niya kay Zhang Xuan, sa oras na sinabi niya yun, tila tinutulungan niya si Zhang Xuan na pagtakpan ang isang kasinungalingan.

"Clan Head Wang Hong, isa kayong dakilang clan ng mga cultivator!" Hindi niya pinansin ang paliwanag ng dalawa, suminghal si Elder Shang Chen. "Sa tingin mo ba na ang isang taong wala pa sa Pixue realm intermediate stage ay magagawang saluhin ang buong lakas niyang pag-atake?"

"Anong…" Nag-alinlangan si Clan Head Wang Hong.

Ang pagsalo sa buong lakas na pag-atake ni Wang Tao gamit ang dalawang daliri, ito ay isang bagay na kayang gawin ng mga Pixue realm expert ng walang kahirap hirap.

Maaari ngang maraming nakakamanghang teorya, pero para maabot niya ang Pixue realm intermediate stage sa napakabatang edad… Kahit siya mismo ay hindi makapaniwala.

Kung sabagay, masyado itong nakakagulat!

"Wang Tao shaoye, naiintindihan ko na sinabi mo ang mga bagay na iyon para iangat ang reputasyon ni Zhang Xuan dahil gusto mong tanggapin ka niya bilang estudyante niya. Subalit, may hangganan ang lahat. Kung minsan, hindi maganda ang sumobra…" Nang makitang natigilan si Wang Hong, inilahad ni Elder Shang Chen ang kanyang mga kamay at nagsalita. Magsisimula pa lang sana siyang makipag-usap muli kay Clan Head Wang Hong at magsabi ng mga teorya para patunayang hindi totoo ang mga sinabi ni Wang Tao, narinig niya ang boses ng nakabantay na teacher na muling umalingawngaw sa buong silid.

"Elder Shang!"

"Anong problema?" Sumimangot si Elder Shang Chen.

[Hindi mo ba nakita na nagpapaka-astig ako?

Paanong may mga taong hindi mabasa ang sitwasyon!]

"May tao sa labas na gustong makita si Zhang Xuan laoshi…" Ang sabi ng nakabantay na teacher.

"Hinahanap si Zhang Xuan? Sino?"

[Anong nangyayari?

Bakit andaming naghahanap kay Zhang Xuan ngayon?]

"Siya ang… anak ni Zhennan Wang, si Bai Xun xiao wangye!"Ang sabi ng nakabantay na teacher.


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C69
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank 200+ Classement de puissance
    Stone 22 Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous

    tip Commentaire de paragraphe

    La fonction de commentaire de paragraphe est maintenant disponible sur le Web ! Déplacez la souris sur n’importe quel paragraphe et cliquez sur l’icône pour ajouter votre commentaire.

    De plus, vous pouvez toujours l’activer/désactiver dans les paramètres.

    OK