"Totoo yun, isa nga sa mga kinakailangan para maging master teacher ay mapalagpas ang lebel ng tiwala ng iyong estudyante sa 60. Ang pamantayang ito ay kinakailangan! Kung hindi, hindi sila karapat dapat!" Tumango si Elder Mo Xiang.
"60..." Hindi mapigilan ni Elder Shang Chen na mabigla sa narinig. "Ang lebel na ito'y katumbas nang sa posisyon ng magulang sa puso ng kanilang mga estudyante!"
Kahit na magkasama na sila sa buong buhay nila, ang lebel ng tiwala ng magulang at ng anak ay nasa 60 lamang. Malinaw na mahirap makaabot ang lebel ng tiwala ng estudyante at ng guro!
Kaya hindi nakakapagtakang wala pang Master Teacher sa Tianxun Kingdom. Ang pamantayan ay masyadong mahirap!
"Kapag napanatili nila Lu Xun at Wang Chao ang ganitong pamantayan sa loob ng tatlompung taon o higit pa, may posibilidad na sila'y maging associate master teacher!" Sabi ni Elder Mo habang hinahaplos ang balbas.
Hindi kailangan na ang master teacher lamang ang gagawa ng lahat ng gawain. Minsan, nagtatalaga sila ng gawain sa kanilang mga assistant para tulungan sila. Ang papel ng isang associate master teacher ay parehas ng sa isang apprentice. Ito'y isang hakbang patungo sa pagiging isang master teacher.
"Associate master teacher?"
Nagulat si Elder Shang Chen.
Para sila'y maging ganap na associate master teacher, kitang-kita ang pamantayan na taglay nila Lu Xun at Wang Chao.
"Ano kaya ang trust level ng mga estudyanteng ginabayan ng dalawang yun..." Hindi ni Elder Shang Chen na magtanong.
"Sa mga nakalipas na taon, nakapagtatag na sila ng magandang reputasyon. Ang mga matagal na nilang estudyante na nagabayan nila sa loob ng maraming taon ay kaya nang umabot sa 40! Subalit, magiging mahirap na pataasin pa ito!" Napailing si Elder Mo.
Bilang isang elder sa Teacher Guild, marami siyang alam sa pinagdaraanan ng karamihan sa mga guro.
"Totoo yun!"
Tumango si Shang Chen.
Mahirap makuha ang tiwala pero, madali din itong masira. Kadalasan, ito'y pwedeng masira sa pammaagitan lamang ng isang maliit na insidente. Kung hindi iyon ang dahilan, ang mga master teacher ay hindi magtataglay ng matinding reputasyon!
"Narinig ko na... Mayroong isang babaeng henyo ang lumitaw sa inyong Teacher Guild. Kahit na siya ay nasa labingwalo o labingsiyam na taong gulang pa lang, ay naging isa na siyang low - level associate master teacher?" Nung naalala niya ang isang balita, hindi matiis ni Elder Shang Chen na magtanong.
"Siya ang anak na babae ng aming guild leader. Siya ay maituturing talagang isang talento!" Nang mabanggit ni Elder Mo ang taong ito, hinaplos niya ang kanyang balbas at tumango.
Ang mga associate master teacher ay nahahati sa low-level, intermediate-level, at high-level. Para makasali sa kanilang rango sa edad na dalawampu ay kahanga-hanga, kahit na isa pa lang siyang low-level na associate master teacher.
"Mahusay!"
Nang makompirma ang balitang nakalap, napatango si Elder Shang Chen bilang pagkomenda sa dalaga.
Siya man ang namumuno sa Education Bereau ng Hongtian Academy, ngunit ang totoo, isa lamang siyang high-level teacher. Wala siyang taglay na katangian para maging isang low-level associate master teacher.
Pagkatapos nito, hindi na pinagpatuloy ni Shang Chen ang pag-uusap nila tungkol sa bagay na yun. Sa halip, tumigin siya kina Zhang Xuan at Cao Xiong, "Elder Mo, sa tingin mo gaano kataas ang trust level na makukuha nila?"
......
"Ikaw... Mas mabuti pa kung umalis ka na. Umalis ka na dito sa Hongtian Academy at huwag ka nang bumalik..."
Nang makita niyang nakatayo si Zhang Xuan na para bang isang hangal na naghihintay sa resulta ng Enlightenment Will Trial, hindi mapigilan ni Shen Bi Ru na lumapit sa kanya at ibulong ang mga salitang ito sa kanya.
Sa tingin niya, sina Zhang Xuan at Shang Bin ay dalawang tao na nagmula sa magkaibang mundo. At kung hindi dahil sa kanya, hindi magtatagpo ang dalawa.
Nangyari lahat nang ito dahil sa kanya. Kapag si Zhang Xuan ay napalo ng isang daang beses ng God Slaying Flog at nawalan ng lisensya, hindi niya mapapatawad ang sarili niya.
"Gusto mo nang umalis? Huli na para dun!"
Nang makita niyang nag-aalala si Shen Bi Ru kay Zhang Xuan, nasambit ni Shang Bin ang mga salitang ito habang nagngangalit ang knyang mga ngipin.
[Hindi ka man lang nagpakita ng kahit na katiting na malasakit sakin nang mabugbog ako, tapos, nag-aalala ka sa taong yan na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination. Buwisit, buwisit!]
Naging mabangis ang anyo ng kanyang mukha sa sobrang galit at para bang sasabog siya anu mang oras.
"Tama, nagsimula na ang Enlightenment Will Trial. Gusto mong umalis? Asa ka pa!" Lumapit si Cao Xiong na may mukhang puno ng galak. "Lalabas na ang resulta. Pagkatapos nun, maiintindihan mo na kung gaano ka kahangal!"
"Ganun ka ba kasigurado na mananalo ka?"
Nang makita niya kung gaano kalakas ang kompyansa ni Cao Xiong, na para bang sigurado siyang mananalo siya sa lotto, napailing si Zhang Xuan at nagtanong.
"Hehe!" Habang nakatitig kay Zhang Xuan na para bang isa siyang hangal, ngumisi si Cao Xiong. "Sasabihin ko sayo ang totoo. Espesyal kong inimbitahan si Liu Yang dito sa akademya. Nagkasama kami sa loob ng kalahating buwan at ang lebel ng tiwala niya'y siguradong lagpas sa 20! Ikaw ba? Sa tingin mo ba may kakayahan kang makaabot sa 10 puntos? Pagkatapos mo siyang lokohin at sapilitan siyang kunin sakin, sa tingin ko ay posible ngang maging negatibo ang makuha mo!"
Habang ang zero ay nangangahulugan ng kawalan ng pagtitiwala, ang negatibo ay nangangahulugang kinamumuhian ka ng tao. Kung gaano kalakas ang pagkamuhi, ganun din kanegatibo ang resulta.
Naaalala pa din ni Cao Xiong ang nag-aalinlangang tingin ni Liu Yang nang nahiwalay ito sa kanya. Paanong magagawang mapasunod ng isang tao na nagkamali sa pagtuturo sa isang estudyante ang isang mapagmataas na taong tulad ni Liu Yang!
Posibleng malamig pa din ang relasyon ng dalawa, kaya papaanong walang sama ng loob si Liu Yang kay Zhang Xuan!
"Ang Hongtian Akademy ay numero unong akadmeya sa Tianxuan Kingdom. Kung ang isang estudyante ay mayroong lebel ng pagtitiwala na bababa sa sampu para sa kanyang guro, magiging katawa-tawa siya at uaap-usapan sa buong kaharian!" Nang-aasar na tumawa si Shang Bin. "Ah, siya nga pala. Nakalimutan ko. Dahil pangit na talaga ang reputasyon mo, hindi mo na kailangang isipin na magiging katawa-tawa ka..."
"Kayong lahat…"
Pagkakitang kinukutya ng dalawa si Zhang Xuan, namula ang mukha ni Shen Bi Ru sa galit. Nang sasagutin na niya sana ang dalawa, napansin niya na si Zhang Xuan ay hindi man lang natinag sa kanilang pang-iinsulto at kalmado pa din siya, na para bang wala lang sa kanya ang mga pang-iinsulto nila.
Ang totoo, wala talagang pakialam si Zhang Xuan.
[Sige lang at sabihin niyo na ang lahat ngayon. Kapag lumabas na ang resulta mamaya, maganda sigurong pagmasdan sila habang umiiyak...]
......
"Silang dalawa?"
Pagkarinig niya sa sinabi ni Elder Shang Chen, nagdalwang-isip si Elder Mo Xiang bago siya magsalita, "Itong si Liu Yang ay inirekomenda ni Cao Xiong laoshi, kaya siguradong mas mataas ng konti ang trust level niya sa kanya. Pero ganun pa man, ang lebel ng kanyang pagtitiwala ay maaring nasa 18 o 19 lang. Kung sabagay, ang 20 ay mahirap maabot! At si Zhang Xuan naman... Kung pinilit niya talaga si Liu Yang, posibleng maging negatibo ang lumabas!"
"Kung maging negatibo ang lumabas na resulta, mapapahiya ang Hongtian Akademy. Sa sandaling yun, umaasa ako sa inyo Elder Mo!"
Sabi ni Elder Shang Chen.
"Natural!" Makinang at seryoso ang mga mata ni Elder Mo. "Bilang isang elder ng Teacher Guild, hindi ko papayagan na may isang basura na maisama sa ating lupon! Kung lumabas nga na negatibo, wala nang duda na pinilit lang niya si Liu Yang na maging estudyante niya. Isusumbong ko ang insidenteng ito sa guild at ipaglalaban ko ang pagpapawalang bisa ng lisensya ni Zhang Xuan!"
Nang marinig niya ang pangako ni Elder Mo, napangiti si Elder Shang Chen. Pagkatapos, kumislap ang kanyang mga mata at tumuro sa harapan nila, "Tingnan niyo, palabas na ang mga resulta!"
Sa oras na nagsalita si Elder Shang Chen, ang liwanag ng mga bolang kristal ay unti-unting nanghina.
Sa Enlightenment Will Trial, ang taong sangkot sa paglilitis ay kailangang dumaan sa iba't ibang klaseng illusory realm bago makapagdesisyon ng taos sa kanilang puso. At sa sandaling yun, ang paglamlam ng liwanag ay senyales na natapos na niya ang lahat ng kailangang pagdaanan para sa paglilitis, at ang resulta'y malapit nang lumabas na.
Weng!
Unti-unting nagsilitaw ang mga numero sa taas ng bolang kristal sa kaliwa.
"Lumabas na ang resulta. Palapit na sayo ang kamalasan..."
Pagkakitang unti-unting lumitaw ang mga numero sa taas ng bolang kristal, kumislap sa tuwa ang mga mata ni Cao Xiong.
Sa oras na ito, hindi lamang niya mababawi si Liu Yang, mapapatalsik pa niya si Zhang Xuan at makukuha ang tiwala ni Shang Bin shaoye. Kung meron siyang suporta galing kay Shang Bin, hindi ba't gaganda ang kinabukasan niya sa akademya?
Shaoye -> mahal na prinsipe
Marahil, sa loob ng maikling panahon, maaari siyang makaakyat at maging high-level teacher.
Habang tuwang-tuwa siya sa eksenang tumatakbo sa kanyang isipan, lumitaw na ang mga numero sa bolang kristal, at lumitaw na ang mga numero sa madla.
"Ang lebel ng pagtitiwala niya sakin ay malamang lagpas ng dalawampu..."
Nagmamadaling lumingon si Cao Xiong sa bolang kristal. Ngunit, sa pagsilip niya, nawala ang kanyang galak at para bang sinasakal siya dahil sa kanyang nakita. Nanlaki ang kanyang mga mata hanggang sa halos lumuwa na ang mga ito at mahulog sa lapag, "Paano... Paanong nangyari 'to?"
Pakiramdam niya'y mababaliw na siya dahil sa mga numerong lumabas sa kanyang harapan.
Ito'y isang bagay na hindi niya lubos maisip!
Si Liu Yang ay isang estudyanteng personal niyang inimbitahan sa akademya. Higit pa dito, nagsama silang dalawa ng halos kalahating buwan, na nagbigay daan sa kanilang magandang relasyon. Papaanong ganito lamang ang lebel ng pagtitiwala na meron siya para sa kanya?
Ang mga malaking numero na lumabas sa bolang kristal ay malinaw at kitang-kita. Na para bang espada na sumaksak sa puso niya ---- 10!
Ang lebel ng pagtitiwala ni Liu Yang kay Cao Xiong ay nasa 10 puntos lamang!
Kapag ang lebel ay mababa sa sampu, ibig sabihin ay kulang ang pagtitiwala ng estudyante sa guro. Sampu ang hangganan para masabing may tiwala na ang estudyante, ngunit hindi din ito isang kasiguraduhan.
Kani-kanina lamang, lakas-loob niyang ipinagmayabang na ang lebel ng pagtitiwala ni Liu Yang sa kanya ay maaaring umabot ng dalawampu. Ngunit, madiing isinampal sa mukha niya ang naging resulta.
"Ito ba ang basehan ng iyong kompiyansa?"
Tumingin si Zhang Xuan.
"Ako'y..." Nahirapang huminga si Cao Xiong at muntik nang himatayin.
[Madami akong dinanas na paghihirap, naglakbay ako ng malayo para mahanap ka at madala ka dito. Pagkatapos pa nga nun, nagsama pa tayo ng matagal na oras. Ngunit, bakit ang baba ng lebel ng pagtitiwala mo... Kapatid ko, anong nangyari sayo...]
Sumagi sa isipan ni Cao Xiong ang magpakamatay nang mapatingin siya kay Liu Yang.
[Nasaan na ang pagtitiwala?
Nasaan na ang pagtitiwala sa pagitan ng dalawang tao?]
"Sampung puntos lang?"
Hindi lamang naramdaman ni Cao Xiong na nababaliw na siya, kahit si Elder Mo at si Elder Shang Chen ay hindi din makapaniwala at hindi mapigilang mapapikit.
[Ang pagsali sa Enlightenment Will Trial gamit ng ganyang lebel ng tiwala. Maaari ko bang itanong... saan nanggaling ang lakas ng loob mo?
Kung gusto mong kunin ang isang estudyante mula sa kamay ng isang guro, dapat taglay mo muna ang isang hindi napapantayang katayuan sa puso ng isang estudyante. Kung hindi, niloloko mo lang ang sarili mo. Noong una, inisip namin na ang tiwala niya sa iyo ay aabot sa bente. Kahit na hindi ito kalakihang numero, ito pa rin ay nasa katanggap-tanggap na marka. Pero... ano 'to, 10? Sigurado ka bang hindi ka nakikipagbiruan samin!]
Nandilim ang mukha ni Elder Shang Chen. Isang masamang pangitain ang lumitaw sa kanyang isipan.
Hindi kinatatakutan ng isang tao ang malakas na kalaban, ang isang baboy na kagrupo lang. Makikitang lumitaw na ang baboy na kagrupo.
Sa gilid, ang mga sulok ng bibig ni Shang Bin ay ngumiwi at muntik nang tumapon ang bula mula rito.
[Bago kami pumunta rito, kampante mong idineklara mo na si Liu Yang ay may balak na pumunta muli sa ilalim ng iyong pagtuturo. Sa ganitong lebel ng tiwala, pagtuturo kamo sabi mo? Pagututuro mo mukha mo!
Ano 'to! Sinusubukan mo akong lokohin ano!]
"Ano ngayon kung sampu lang ang lebel ng kanyang pagtitiwala sa akin? Si Liu Yang ay may mausisang pagkatao at hindi siya madaling naniniwala sa iba! Maaaring ang lebel ng tiwala niya sa akin ay sampu lamang, pero hangga't bigo ka parin na malampasan ito, ako pa rin ang panalo!"
Pagkatapos ng isang saglit, nakabawi na si Cao Xiong at sinigawan si Zhang Xuan.
"Mausisang pag-uugali? Kung may ganito nga talaga siyang ugali, kung ganon, isa lang ang ibig-sabihin nito!" Tumango si Elder Mo Yang.
Nagkakaiba ang isang tao sa isa't-isa. May iilan na ipinanganak na may tiwala, habang ang iba naman ay ipinanganak na mausisa. Kahit gaano kalapit at kaganda ang relasyong taglay nito sa kanya, hindi niya mapigilang magduda dito sa kanila.
Ito ay may kinalaman sa sitwasyon na kinalakihan nito. Kung siya ay nabuhay sa isang mapanlinlang na lugar na puno ng masaamang balak, hindi magiging madali na makuha ang tiwala niya.
Base sa kanyang paghusga, nagtataglay siguro si Liu Yang ng lebel ng tiwala na mga labimpito hanggang labingwalo para kay Cao Xiong. Ngunit, lumabas na sampu lang ito. Kung totoo na siya ay may mabait na katauhan, nagtutugma nga ang lahat.
"Tama. Hangga't ang kanyang lebel ng tiwala sa iyo ay hindi lumalagpas ng sampu, hindi pa rin malalaman kung sino ang tatawa sa huli!"
Kumislap ang mga mata ni Shang Bin at tumango. Napagdesisyunan niya na muling ibigay ang kanyang tiwala kay Cao Xiong.
Hindi man kilala si Cao Iaoshi sa paaralan, at hindi din siya isang star teacher. Subalit, maraming magagandang komento tungkol sa kanya. Kung itatapat siya kay Zhang Xuan, ito ay parang pagkakaiba ng pagkain at ng tae, sobrang hindi maikukumpara.
Kung si Cao Iaoshi ay mayroon lamang sampung puntos, tiyak na mas malala pa ang resulta ng kay Zhang Xuan!
Sa puntong ito, sinimulang tingnan ng madla ang kabilang bolang kristal.
Hindi pa tuluyang nawawala ang liwanag nito, at ito ay nababalot pa ng manipis na layer ng liwanag.
"Bakit wala pa ang resulta?"
Bahagyang sumimangot si Shen Bi Ru.
"Iba't-ibang illusory realm ang lumilitaw sa mga pagususlit ng Will Inquisition Crystal, kaya natural na ang oras na gugugulin para sa bawat isa nito ay magkaiba rin. Normal lang na ang iba ay mas mabilis kaysa sa iba!" Nang marinig ang mga salita ng Diyosa, humakbang oaharap si Shang Bin at may mukhang may alam, ipinaliwanag niya.
Bilang apo ng pinuno ng Education Bureau, mas may alam siya tungkol sa Enlightenment Will Trial kaysa sa ibang mga guro.
Kadalasan, ang ganitong pagpapasikat ay nakakaakit ng maraming tili, dala na ng kanyang kagwapuhan at pambihirang aura. Kaya lang, nakakalungkot na ang mga paligid ng kanyang mata ay nangingitim sa bugbog at ng kanyang mata ay namamaga at namumula. Ang kanyang bibig ay parang longganisa at hindi gaanong naiiba mula sa kuba doon sa may tore. A totoo lang, ang salitang 'gwapo' ay wala nang kinalaman sa kanya.
"Kung ganon, mas gahanda ba ang mga resulta kung mas mabilis natapos ang pagsusulit, o kung mas mabagal itong natapos?" Hindi pinansin ang kanyang pagpapakaastig, ipinqgpatuloy ni Shen Bi Ru ang pagtatanong.
"Malamang mas mainam iyon! Kung ang trial ay mas mabilis na natapos, iinapakita nito na ang estudyanteng gumagawa ng trual ay nagititiwala sa kanyang guro nang buong puso sa puntong hindi na niya kailangang alalahanina pa ang mga panuto. Sa kabilang banda, kung matatagalan sila sa trial, ibig-sabihin nito na hindi pa pinagkakatiwalaan ng estudyante ang kanyang guro, at isang negatibong marka ang maaari ding lumitaw..."
Habang nasa likod niya ang kanyang kamay, bahagyang ngumiti si Shang Bin. Na may kampanteng mukha, sinabi niya, "Shen Iaoshi, magtiwala ka sa akin. Hindi man ako kumuha ng Enlightenment Will Trial pero nakapagbasa ako ng maraming librong tungkol dito. Para pilitin ni Zhang Xuan si Liu Yang na kilalanin siya bilang kanyang master, malamang na magtatanim siya ng galit sa kanya. Normal lang na makakuha siya ng markang -10 o mas mababa pa..."
Kung kailan siya ay mayabang na nagkukwento, ipinapaliwanag ang dahilan ng teorya kay Shen Bi Ru, nalaramdam siya ng humihila a kanyang damit, inistorbo siya sa pagtatapos na inaasahan niyang mangyari.
"Anong ginagawa mo?"
Nagsalubong ang kanyang mga kilay sa galit. Mahirap sa kanya ang magkaroon ng pagkakataon na makapagtanghal sa harap ng kanyang Diyosa. Ngunit, may iang taong nang-istorbo sa kanya sa maling oras.
Paglingon niya, si Cao Xiong pala ito.
Sa oras na ito, napuno ng takot ang kanyang mga mata at ang kataan niya ay nangatog nang walang-tigil. Ang kayabangang mayroon siya kanina lang ay tuluyan nang naglaho. Tumuro siya paharap at sinabing, "Shang shaoye, tingnan mo..."
Shaoye -> Young master
Pagtingin niya sa direksyon kung saan nakatutok ang daliri, ang liwanag sa kristal ay tuluyan nang naglaho nang parang bula, at mga linya ng numero ang lumutang sa ibabaw.
"Bakit?" Hindi kaya ang marka niya ay hindi negatibo..."
Sa kalagitnaan ng kanyang pagasalita, tiningnan ni Shang Bin ang mga numero na lumitaw sa kristal at a isang iglap, muntik na niyang makagat ang kanyang dila at magpakamatay.
"Paano ito nangyari? Ito... hindi ako naniniwala!" Malapit nang mabaliw si Shang Bin.
Malinaw na nakapaskil ang mga numero sa bolang kristal ------ 64!
Ibig-sabihin nito na ang lebel ng tiwala sa kanya ay umabot a 64 na puntos!
Ang isang taong nakakuha ng zero na marka sa Teacher Qualification Examination ay nagawang mapaabot ang tiwala sa kanya ng kanyang estudyante sa lebel ng isang Master Teacher, maihahambing sa tiwala ng isang anak sa kanyang magulang... Paano nangyari 'to?
Tumingin si Shang Bin kay Cao Xiong. Sa oras na ito, inisip niyang ptayin ito sa kanyang isipan. Nakaramdam siya ng nakakainis na pakiramdam sa kanyang dibdib at namumuo ang dugo sa likod ng kanyang lalamunan.
Mahirap na makahanap ng pagkakataon na makapagpasikat sa harap ng kanyang Diyosa. Kampante niyang idineklara na ang resulta ng isang tao ay lumalala habang lumilipas ang oanahon, para lang sa isang pangyayari na ito...
[Ano 'to, pinaglalaruan mo ba ako?
Higit pa rito... Cao Iaoshi, pwede bang magkaroon ka naman ng silbi?
Hindi ba sinabi mong mausisa ang pagkatao ng estudyanteng iyon?
Utot mo na mayroon siyang mausisang pagkatao!
Paanong ang isang taong mausisa ay makakapagbigay ng 64 na puntos ng tiwala sa ibang tao?
Hindi ba sinabi mong kampante kang mananalo ka?
10 puntos laban sa 64 na puntos... paano mong binabalak manalo nang ganito...]
Umagos ang mga luha sa kanyang mukha, nakarandam si Shang Bin ng kirot sa kanyang mukha. Ang pakiramdam niya parang walang-awang sinampal ang kanyang mukha ng isang tao nang maraming beses. Sa oras na ito, hiniling niya na makahanap ng butas na mapagtataguan.
"64?"
Iba sa hindi pagkapaniwala at pagkasira ng bait ng dalawa, tumayo si Elder Mo at nanginig sa pagkabigla.
Ang lebel ng kanyang tiwala ay umabot na sa pamantayan ng isang master teacher. Lahit sa kanya, ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng ganitong resulta!
Ang isang taong nakakuha ng pinakmababang marka sa Teacher Qualification Examination ay nagawang makakuha ng ganitong tiwala mula sa kanyang estudyante?
Paano niya nagawa ito?
Higit pa rito... dalawang araw pa lang ang nakalilipas mula nang magpasukan. Kahit na ang Zhang Xuan Iaoshi na ito at si Liu Yang ay nanatiling magkasama sa buong oras, makakakuha lang sila ng pinakamatagal na oras na mga 39 oras lang ng pag-uusap. Sa loob ng maikling oras, ang makuha ang lebel ng tiwala na lagpas sa 60... kahit ang maalamat na 1-star master teacher ay mahihirapan na makamit ang ganitong resulta.
Mayroon ding iba't-ibang antas ng master teacher. 1-star ang pinakamababa sa mga ito.
Kahit na, ang kasikatan at impluwensya na mayroon sila ay sapat para mabaliw ang iba.
"Dalawang elder, maituturing ba 'to na panalo ko?"
Hindi man nabagabag sa natulalang si Shang Bin at Cao Xiong, tinitigan ni Zhang Xuan sina Shang Chen at Mo Xiang.
"Imposible, siguradong may problema sa kristal na bola. Kung hindi, paano siya makakakuha ng isang napakataas na lebel ng tiwala? Hindi ko matatanggap ang resultang ito!"
Ang sigaw ni Cao Xiong.
Hindi nakapagtataka na hindi niya ito matanggap. Parang ang isang pulubi na kanyang nakausap ay biglang isa pa lang emperador. Bilang isang taong nakakuha ng pinakmababang marka sa Teacher Qualification Examination, inasahan niya na ang resulta ay malamang na mauuwi sa negatibo. Ngunit... hindi lang sa hindi ito negatibo, lumabas na ito ay napakataas na 64, daig pa ang lahat ng mga guro sa paaralan. Ang kanyang pag-iisip ay maituturing na malakas dahil hindi pa siya nababaliw sa puntong ito.
"Sumasang-ayon ako sa mga sinasbi ni Cao Iaoshi. Paano siya nakakuha ng ganoong lebel ng tiwala mula sa kanyang estudyante? Kung totoo ito, ibig-sabihin ba nito na kahit si Mu Xun at Wabg Chao ay walang panama sa kanya..."
Humakbang paharap si Shang Bin at sinabi nang nagngingitngit ang mga ipin.
Nang marinig ang salita ng dalawa, may sasabihin sana si Elder Mo nang nakita niya si Liu Yang, na kakatapos lang ng trial, lumapit kay Zhang Xuan na may kumikislap na mata na puno ng paggalang.
Vous aimerez peut-être aussi
Commentaire de paragraphe
La fonction de commentaire de paragraphe est maintenant disponible sur le Web ! Déplacez la souris sur n’importe quel paragraphe et cliquez sur l’icône pour ajouter votre commentaire.
De plus, vous pouvez toujours l’activer/désactiver dans les paramètres.
OK