Nagkaroon ng kaguluhan sa Hongtian Pavilion.
"Anong nangyari? Sandali lang ako nawala tapos ganito na ang madadatnan ko pagbalik ko?"
Sa loob ng kuwarto, may matandang nakatitig nang masama sa nakaluhod na si Manager Wu.
Siya ang utak sa likod ng Hongtian Pavilion, si Elder Hong Hao.
"Elder, ganon na nga po. Ang apo ni Elder Shang Chen, na si Shang Bin, ay nanggaling rito..." Walang inilihim si Manager Wu at ikinuwento niya ang lahat ng nangyari.
Kasama na rito yung ginawa niyang pagpalit sa Drunk Immortal ng Green Crag Brew.
"Wu Chou, walang hiya ka!"
Nandilim ang mukha ni Elder Hao at galit na sinipa si Wu Chou matapos marinig ang kanyang mga sinabi.
Peng!
Agad na tumalsik palikod si Manager Wu. Namutla ang mukha niya at sumuka ng napakaraming dugo. "Elder, maawa ka sa akin! Hindi ako umaasang mapapatawad mo ako sa mga kasalanan ko, pero mas masahol pa ang taong iyon kaysa sa akin. Para isiwalat niya ang lahat ng ito sa publiko at sirain ang reputasyon ng Hongtian Pavilion, halatang binabalewala ka lang niya..."
"Hmph! Matapos mong gumawa ng kawalanghiyaan, umaasa ka pa ring hindi yun pag-uusapan ng iba?" Mistulang galit na galit ang mukha ni Elder Hong Hao, na parang may malakas na bagyong nagtitipon-tipon rito.
"Ah..."
Hindi makontrol ni manager Wu ang panginginig niya.
Ang pagpapalit ng mga sangkap ng mga pagkain upang kumita siya nang mas malaki ay sarili niyang desisyon. Ang akala niya ay napagtakpan niya ito nang maigi. Subalit, siya ay naibunyag ng binatang iyon sa publiko. Natural lang na makaramdam siya ng poot sa kanya.
"Bibigyan kita ng limang araw upang ayusin ang gusot na ito. Gusto kong mabawasan ang masamang impresyon ng mga tao sa Hongtian Pavilion! Kung magagawa mo iyon, maaari kong palampasin ang kasalanan mo. At kung hindi, wag ka nang umasang makakaalis ka pa nang buhay!" Tila kasing lamig ng isang blizzard ang mga mata ni Elder Hong Hao. Pagtayo niya, nagtanong siya, "Ano nga palang pangalan ng taong yun? Isa ba siyang teacher sa akademya? Kung sinabihan niya lang sana ako nang palihim, baka binigyan ko pa siya ng malaking pabuya, kaso mas pinili niyang gumawa ng gulo sa harap ng maraming tao, at sinira ang reputasyon ng aking Hongtian Pavilion. Titingnan ko siyang maigi bukas para malaman ko kung sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob!"
Sumigaw siya nang malakas, at nabalot ng mabagsik na aura ang paligid. Tila may humampas na alon ng yelo, dahilan para manginig ang sinuman kahit mainit ang panahon.
Fighter 7-dan Tongxuan realm.
Si Elder Hong Hao ay isang Tongxuan realm expert! Hindi nakapagtataka na siya ay tumakbo para sa pagiging principal. Ang lebel pa lang ng cultivation niya ay nakakabilib na!
"Si... Si Zhang Xuan Iaoshi!"
Mabilis na sinabi ni Manager Wu.
"Si Zhang Xuan? Yung pinakamababa sa Teacher Qualification Examination?" Napaatras si Elder Hong Hao.
Hindi pa nagkakaroon ang Hongtian Academy ng isang teacher na nakakuha ng pinakamababang score sa Teacher Qualification Examination sa ilang daang taong kasaysayan nito mula nang ito'y mabuo. Kaya naman, kahit ang isang taong tulad ni Elder Hong Hao ay narinig na ang pangalan ni Zhang Xuan.
"Siya nga iyon..." Tumango si Manager Wu.
"Isang basura ang nangahas na yurakan ang dignidad ng Hongtian Pavilion? Magaling!" Habang tinitikom ang kanyang kamao, may malamig na liwanag sa kanyang mga mata. Isang matinding pagnanasang pumatay ang sumiklab kay Elder Hong Hao.
Kung isa lang sanang tanyag na teacher o kaya'y maimpluwensiyang tao sa paaralan si Zhang Xuan, baka mag-alinlangan pa siya sa pagpaparusa sa kanya. Ngunit, dahil isa siyang basurang teacher... Di mo siya masisisi sa pagiging walang puso niya!
...
"Hayy, nakakainis!"
Pagbalik sa kanyang tinutuluyan, hinilot ni Zhang Xuan ang pagitan ng kanyang mga kilay.
Hindi niya lubos maisip na posibleng umusbong ang isang problema mula lamang sa isang simpleng pagkain.
"Kalimutan ko na nga yun, walang mangyayari kung iisipin ko lang yun. Dapat pag-isipan ko na lang kung paano ako makakapasok sa Pixue realm!"
Agad niyang inalis sa kanyang isipan ang iba pang mga bagay na naiisip niya.
Kahit na isa siyang transcender, alam niya na sa mundong ito, ang kapangyarihan ang namumuno sa lahat. Mawawala lamang ang problema ng isang tao kung may sapat siyang kapangyarihan.
Siya ay kasalukuyang nasa Dingli realm pinnacle at upang makausad, kakailanganin niya ang cultivation technique ng isang Fighter 6-dan.
Subalit, ang isang pangkaraniwang guro ay hindi maaaring basta na lang saliksikin ang mga 6-dan cultivation technique ng paaralan. Makakakuha lamang sila ng kopya kung may pahintulot ng isang elder.
Sa nagdaang examination, may lakas lamang siya ng isang Fighter 3-dan. Kung hihingi siya ng 6-dan cultivation technique sa isang elder, maaari siyang mapag-eksperimentuhan na parang isang daga. Maraming problema ang uusbong mula rito.
Higit pa rito, kahit pahintulutan siya ng isang elder, kung isang kopya lang ang meron siya... Hindi pa rin siya maaaring mag-cultivate!
Base sa mga naunang limang dan ng Hongtian Nine Dan Formula, ang cultivation technique na ito ay maraming palya. Kung wala siyang ibang mapagbabasehan na cultivation technique upang mahanap ang tamang cultivation method, wala pa ring magiging resulta ang kanyang pagasanay kahit siya pa ay magsanay sa loob ng maraming taon.
Para sa kanya, ang pinakamalaking problema ay kung paano siya makakuha ng maraming 6-dan cultivation technique at paghambingin ang mga ito para malaman ang tamang cultivation method.
"Un, sa pagkakarinig ko meron daw palitang naganap sa Tianxuan Royal City, at may mga cultivation technique din daw na ibinebenta dun. Mababawasan ang problema ko kung makakabili ako ng ilang mga 6-dan cultivation technique!"
Nang biglang may naalala si Zhang Xuan, nagningning ang kanyang mga mata.
Matatagpuan ang Hongtian Academy sa capital ng Tianxuan Kingdom, ang Tianxuan Royal City. Ang Tianxuan Royal City ay isang masaganang lungsod. Dahil maraming malaking commercial city dito, lahat ng klase ng palitan ay nagaganap. Bihira man ang mga 6-dan cultivation technique, ngunit maraming tindahan pa rin ang nagtitinda nito.
Higit pa rito, para kay Zhang Xuan, hindi naman talaga niya kailangang bilhin ang mga iyon. Masilip lamang niya ang mga ito ay sapat na, parang pagmamay-ari na rin niya ang secret manual.
Sa pamamagitan ng Library of Heaven's Path, hindi na mahalaga ang kalidad at presyo ng secret manual. Hangga't may sapat na bilang ng mga cultivation technique, maaari niyang malaman ang tamang daan sa dami ng mga mali dito, at mabubuo niya agad ang Heaven's Path Divine Art, dahilan para mabilis siyang makapag-cultivate.
"Maaga pa naman. Tingnan natin kung may makukuha akong mga libro ngayon!"
Sa puntong ito, hindi nagdalawang-isip si Zhang Xuan at siya'y agad na tumayo.
Kakalubog pa lang ng araw at kasisimula pa lamang ng gabi. Dahil wala naman siyang ginagawa, magandang pagkakataon ito upang mag-ikot-ikot sa mga commercial city. Siguro, maaari siyang makahanap ng magagandang gamit.
Ang Tianyu Commercial City ay ang pinakamalaking trading market sa Tianxuan City. Sinasabing hangga't ang isang tao ay may sapat na pera, maaari niyang mabili ang lahat ng gusto niya rito.
Pagdating niya sa may market, nalula si Zhang Xuan sa dami ng mga gamit na nakalatag sa harap niya.
Ang dating siya ay isa lamang ordinaryong teacher. Mababa ang kanyang sahod at hindi siya tinatrato ng tama. Dahil dito, hindi pa siya nakakarating sa isang magarbong lugar noon. Kaya hindi makilala ni Zhang Xuan kung ano ang mga produktong ibinebenta rito.
Maraming mga tindero sa mga commercial city. Nakaupo ang mga tindero sa harap ng bawat tindahan at iba't ibang klaseng mga produkto ang nakalatag sa harap nila.
Mga sandata, mga pill, mga halamang gamot, mga baluti, balat ng hayop, beast pills…
Halos lahat ng kailangan para sa cultivation ay matatagpuan rito.
Ngunit masyadong marami ang mga ito. Mahirap na malaman kung alin rito ang mataas ang kalidad at kung alin ang mababa ang kalidad.
"Hindi ko man kayang malaman kung alin ang maganda at hindi, pero kaya itong gawin ng Library of Heaven's Path!"
Sumagi sa isipan niya ang ideyang ito. Kaya agad na naglakad si Zhang Xuan patungo sa isang tindahan.
"Ginoo, ano ang hinanahap mo? Mayroon ako ng lahat ng kailangan mo, at sinisiguro ko sa iyo na masisiyahan ka sa mga produkto ko!" Mabilis na sinalubong ng tindero ang kanyang pagdating.
"Magtitingin lang ako!" Ngumiti si Zhang Xuan. Pumulot siya ng isang gamit sa tindahan.
Isa itong bilog na batingting na katamtaman ang laki.
"Ang batingting na ito ay ginawa ng isang blacksmith at nagtataglay ng pambihirang kakayahan. Ibinebenta ko 'to sa murang halaga na 50 pirasong ginto. Masisiguro ko sa iyo na patas ang presyo namin. Inaalok ko ito sa parehas na presyo sa mga taong dumadaan! Kung interesado ka, bibigyan kita ng special discount... Mabibili mo ito sa halagang 20 piraso ng ginto lamang!"
Ang panghihikayat sa kanya ng tindero.
Hindi sumagot si Zhang Xuan sa mga sinabi ng tindero. At sa halip, ay pinaikot niya ang batingting sa kanyang kamay.
Weng!
Umigkas ang libray sa kanyang isipan at isang libro ang sumulpot rito.
"Ang Reprise Bell. Kaya nitong gumawa ng iisang tunog nang paulit-ulit, dahilan upang mahilo ang isang tao. Ito ay epektibo laban sa mga Fighter 1-dan. Ginawa ito ng isang 1-mo craftsman ng Blue Cloud Workshop. Ito ay gawa sa Wujin Metal..."
"Unang kahinaan, matagal ang kakailanganing oras para umepekto ang reprise sound, kasing tagal ng buhay ng isang insenso, kaya hindi ito mabisa sa isang laban. Ikalawa, walang pagkakaiba ang mga atake nito, at masasaktan din ang taong gumagamit nito..."
~15 minuto
"Oo, posible nga ito!" Ngumiti si Zhang Xuan.
Hindi na mahalaga kung hindi siya pamilyar sa mga gamit na ito. Basta mahawakan at mapulot lang niya ang mga ito, gagawa ang library ng isang libro patungkol rito!
Higit pa rito, isinasaad ng libro ang kasaysayan, komposisyon at ang lahat ng kahinaan ng isang gamit nang detalyado. Sa isang tingin lamang, makikita agad kung ang gamit ay mahalaga o hindi.
Maaaring bilhin ito ng mga taong hindi alam ang katotohanan tungkol sa gamit na ito sa halagang 20 pirasong ginto. Matapos niyang basahin ang libro saka lang nalaman ni Zhang Xuan na hindi man nagkakahalaga ng 2 pirasong ginto ang gamit na ito!
[Ginawa kamo ng isang blacksmith... Ang Blue Cloud Workshop ay isang organisasyon na dalubhasa sa paggawa ng mga pekeng gamit.
Higit pa rito, ang mga 1-mo craftsman ang mga pinakapangit ang gawa sa lahat.]
Ang mga dalubhasa sa paggawa ng mga gamit at handicraft ay tinatawag na craftsmen. Sila ay nauuri sa 9-mo, kung saan ang 1-mo ang pinakamababa at ang 9-mo ang pinakamataas.
Gaano nga ba kahalaga ang gawa ng isang 1-mo craftsman?
"Dahil nandito ang library, hindi ko kailangang problemahin ang pagbili ng mga pekeng produkto..."
Bumungisngis si Zhang Xuan.
Ang mundong ito ay katulad lamang ng nauna niyang mundo. Kung may mga tunay o orihinal na produkto malamang meron ding peke o imitasyon. Sa dati niyang kakayahan sa pagsuri, maaaring hindi man lang niya malaman ang kalakasan at kahinaan ng mga orihinal at pekeng produkto. Subalit, sa tulong ng library, hindi na niya kailangang alalahanin pa ito.
Kailangan lamang niya na mahawakan ang isang bagay para makabuo ng libro tungkol dito. Ang kabuuang bilang ng lahat ng gamit sa market ay humigit kumulang sa sampung milyon. Kung hahawakan niya ang lahat ng iyon, hindi ba niya papatayin ang sarili niya sa sobrang pagod?
Kunsabagay, kung titingnan lamang niya ang mga produkto, hindi siya gaanong mapapansin. Subalit, kung hahawakan niya lahat ng makita niya, di magtatagal ay iisipin ng security enforcement team ng commercial city na siya ay isang baliw at palalayasin siya sa lungsod.
"Nagtitinda ba kayo ng Frigid Sun Grass dito?"
"Umiiling para kalimutan lahat ng iba niyang iniisip, si Zhang Xuan ay nagtanong.
Maliban sa iba't-ibang klaseng gamit, ay may tinda din silang mga halamang gamot.
Matapos niyang basahin ang mga libro sa Compendium Pavilion, nakahanap na siya ng solusyon sa problema ni Zhao Ya. Dahil sa kanyang Pure Yin Body, maaari siyang mag cultivate ng isang gentle at neutral na cultivation technique. Sa ganitong paraan, masosolusyonan ang problema sa pag-iipon ng yin energy sa kanyang katawan!
Subalit, siya ay nakapagcultivate na ng pure yin cultivation technique sa mahabang panahon at ang mga meridian sa kanyang katawan ay nasanay na rito. Kung magkakaroon ng biglaang pagbabago, maaaring magtamo ng matinding trauma ang kanyang katawan at lubhang mababawasan ang kanyang cultivation. Upang maiwasan ito, kakailanganin niyang paghandaan ito!
Ang isa sa kanila ay kailangang linangin ang kanyang mga meridian gamit ang mga halamang gamot!
Tumutubo ang Frigid Sun Grass sa malalamig na lugar kahit na mas mainam ito sa maaraw na panahon. Bunga nito, naglalaban ang mainit at malamig na spiritual energy na nsa loob nito, dahilan para maghalo ang yin at yang, kaya ito ay mainam sa paglilinang ng kanyang mga meridian. Tutal nasa commercial city siya ngayon, magandang pagkakataon ito para makapagtanung-tanong siya.
"Frigid Sun Grass? Buti na lang at nagtanong ka. Hindi sa pagmamayabang, pero nasisiguro ko na ako lang ang natatanging tindero sa Tianyu Commercial City na nagtitinda nun. Nakuha ko ito ilang araw lamang ang nakararaan mula sa isang delikadong bahagi ng Tianxuan Forest. Ako ay may kabuuan ng sampung tangkay at ang isang tangkay ay nagkakahalaga ng 100 na pirasong ginto. Ilan ba ang kailangan mo?"
Ngumiti ang tindero at tumalikod para kumuha ng isang kahon. Pagbukas niya nito, may iilang sariwang halaman na makikita sa loob nito.
Mga puting bulaklak na may pulang katawan at dahon.
"Patingin muna!"
Nabasa lamang ni Zhang Xuan ang tungkol sa Frigid Sun Grass sa mga libro, kaya hindi niya ito gaanong kilala. Kumuha siya ng isang tangkay at inilagay ito sa kanyang palad.
Weng!
Biglang umigkas ang library at lumabas ang isang libro.
"Ang Frigid Sun Grass, mula ito sa isang hindi kilalang lambak 200 kilometro sa loob ng gubat ng Tianxuan. Aged 2... Mga kahinaan...
Ang pangalan ng halamang ito ay nakasulat sa pabalat ng libro, at ang lugar na pinanggalingan nito maging ang mga kahinaan nito ay nakasaad rin dito.
"Ito nga ang Frigid Sun Grass, hindi nga siya nagsisinungaling!"
Nang masiguro niyang walang mali sa pangalan ng libro, napagtanto ni Zhang Xuan na hindi nagsisinungaling ang tindero. Ito nga ang tunay na halamang gamot, kaya napatango siya. Kung kailan magsasalita na siya, napansin niya bigla ang loob ng kahon.
"Bakit mukhang lanta na 'tong tangkay ng Frigid Sun Grass na 'to? Hindi kaya mali ang paraan mo ng pagkuha nito, kaya namatay 'to?"
May natatanging paraan sa pag-ani ng mga halamang gamot. At kung mali ang paraan ng pag-ani, maaaring mawala ang kakayahang magpagaling ng halaman, dahilan para lubhang bumababa ang presyo nito.
Ang tangkay ng Frigid Sun Grass na tinutukoy niya ay payat at lanta na at medyo madilaw, mukhang kulang sa sustansya. Higit pa rito, hindi ito mukhang sariwa. Kung titingnan ang lupaypay nitong ulo, mukhang malapit na 'tong mamatay.
"Nagbibiro ka lang siguro. Ito ang ikinabubuhay ko, kaya paano naman ako magkakamali! Hindi na talaga maganda ang kondisyon nito noong una pa lang, ganito na 'to nung kinuha ko. Kung gusto mo, ibebenta ko ito sa'yo nang kalahati ang presyo, sa halagang 50 pirasong ginto!"
Ang sabi ng tindero.
"Un!"
Pinulot ni Zhang Xuan ang madilaw at lantang tangkay ng Frigid Sun Grass.
Weng!
"Frigid Sun Mother Grass, ang pinagmulan ng lahat ng Frigid Sun Grass. Inani mula sa isang hindi kilalang lambak 200 kilometro sa loob ng gubat ng Tianxuan. Aged 15..." Nang buklatin niya ang libro, nakasaad na dito ang pangalan ng halaman at ang mga detalye tungkol dito.
"Frigid Sun Mother Grass?" Kumislap ang mga mata ni Zhang Xuan.
Nabasa na niya dati sa isang libro ang tungkol dito. Itong napakahalaga at pambihirang halamang ito ang puno ng lahat ng iba pang mga Frigid Sun Grass. Kapag ginamit ang halamang ito sa paggawa ng gamot, tiyak na sampung beses na mas mabisa ito kaysa sa Frigid Sun Grass!
Hindi niya inakalang makikita niya ang napaka halagang bagay na gaya nito habang naghahanap siya ng mga halamang gamot. Higit pa rito, ang halamang ito ay 15 taong gulang na. Dito pa lang makikita na agad ang pambihira nitong halaga.
Kung gagamitin ni Zhao Ya ang Frigid Sun Grass upang palakasin ang kanyang mga meridian, kakailanganin pa rin niya ng ibang paraan upang tuluyang baguhin ang kanyang cultivation technique. Subalit, gamit ang tangkay na ito ng Frigid Sun Grass, madaling masosolusyonan ang problema niya. Hindi na niya kakailanganin pang gumamit ng ibang paraan!
Ito ang pinakamainam na halamang gamot para sa kanya, wala nang iba!
"Ibalot mo ang tangkay na ito para sa akin!"
Kahit na naiinis siya, nanatiling walang emosyon ang kanyang mukha nang ibalik niya ito sa tindero.
Kapag nalaman ng tindero na ito ay isang mother stalk at hindi talaga ito lanta, siguradong tataas ang presyo nito nang mahigit pa sa sampung beses, at maaaring hindi na niya ito mabili!
Bilang isang Four Haves Youngster [1] na lumaki sa isang sibilisadong mundo, hindi niya gagawan ng di makatarungan ang sarili niya kung makikinabang naman siya sa isang bagay.
"50 pirasong ginto!"
Nang makita niya kung gaano kaayos manamit ang binata, inakala niya na bibili ito ng maraming tangkay. Hindi niya inakala na ang bibilhin nito ay yung lanta na. Itinikom niya ang kanyang labi, binalot niya ito, at tila nawala ang init sa mukha niya.
Maging ang isang tindero ay kinikilatis ang kanyang mga customer kapag nagtitinda siya. Ang tao sa harap niya ay wala man lang balak bumili ng magandang klase ng halamang gamot, kaya nasisiguro niyang ito ay mahirap lamang. At dahil dito, mag-aaksaya lamang siya ng oras lung aalukin pa niya ito na bumili ng magandang klase.
"Sige!"
Pagkakuha niya sa halaman, kinapa ni Zhang Xuan ang kanyang bulsa at makikita mo kaagad sa kanyang mukha ang pagkapahiya.
Dahil masyado siyang nadala sa kakayahan ng library, nalimutan na niya ang tungkol sa pera… Bilang isang low-level na teacher, mababa lamang ang kanyang sweldo. Higit pa rito, dahil sa nakakuha siya ng zero sa Teacher Qualification Examination, lubhang bumaba ang kanyang sweldo... Sa madaling salita, wala man lang siyang kahit 10 pirasong ginto sa kanyang bulsa, lalo na 50 pirasong ginto.
"May problema ba?" Nang mapansin na may kakaiba sa kanyang itsura, nagtanong ang tindero.
"Ehem, ehem, maaari bang... ibenta mo sakin 'to sa halagang 8 pirasong ginto?" Binilang ni Zhang Xuan ang mga pirasong ginto na nadukot niya sa kanyang bulsa, mayroon lamang siyang walong piraso nito.
"Walo? Nagbibiro ka ba! Dahil wala ka man lang dalang pera, bakit ka pa nagbabalak na bumili..."
Nang makita ang kapiranggot na baryang nakapatong sa palad niya, halos matumba na at bumagsak sa lapag ang tindero.
Nakakita na siya ng mga mahihirap na customer, pero hindi pa siya nakakita ng ganito kahirap!
[Nagbabalak kang bumili ng Frigid Sun Grass gamit lamang ng 8 pirasong ginto? Nananaginip ka siguro! Kahit na lanta ang tangkay na 'to, tiyak na higit pa doon ang presyo nito.]
Binawi ng tindero ang halaman, hinawi niya ang kanyang kamay na tila mukhang naiinis, "Lumayas ka dito kung wala kang pera. Wala akong panahon para makipagtalo sayo!"
"Ehem ehem! Totoo ngang hindi sapat ang dala kong pera, pero sigurado ka bang hindi mo ibebenta 'yan sakin?"
Nang makita niya ang inasal ng tindero, napailing na lang si Zhang Xuan.
"Kalokohan! Kahit na kaawa-awang tingnan ang tangkay na 'to, may kakayahan pa rin itong magpagaling. Maaari pa rin itong ibenta sa halagang 30 o 40 pirasong ginto. Tapos, aalukin mo 'ko ng 8 pirasong ginto? Kalokohan 'to! Dalian mo at umalis ka na, kung hindi ay tatawagin ko ang security enforcement team!"
Nang makita niyang walang balak umalis ang binata kahit na wala itong kapera-pera, galit niya itong tinaboy paalis.
Upang mapigilan ang sapilitang pagbili o pagbebenta ng mga produkto, at upang itaboy ang mga pasaway, halos lahat ng mga commercial city ay may security enforcement patrol team sa kanilang lugar. Kapag may tumawag sa kanila, kaagad silang darating. Kahit na ikaw ay isang Fighter 5-dan Dingli realm expert, agad kang mapapalayas sa commercial city!
Higit pa rito, ang paglaban sa security enforcement team ay nangangahulugan ng paglaban sa buong commercial city. Kaya walang may lakas ng loob na labanan sila.
Nang makita niya ayaw umalis ng binata kahit na kulang ang dala nitong pera, sigurado siya na nandito lang ang binata para manggulo. Kaya nman, binuksan niya ang kanyang bibig upang tawagin ang security enforcement team.
"Huwag mong tawagin ang security enforcement team, interesado talaga akong bilhin 'yan!" Pinigilan siya ni Zhang Xuan. Tumawa siya nang malumanay at kalmado siyang nagsalita, "Kulang nga ang dala kong pera, pero hindi ako nandito para manggulo. Naniniwala ka ba na kapag nagsalita ako, hindi mo lang basta gugustuhing ibenta yan sakin, aalukin mo pa ako na ibibigay mo 'yan sakin nang libre?"
"Ibibigay ko sa'yo 'to ng libre? Tulog ka pa ba?"
Hindi inasahan ng tindero na sasabihin iyon ng isang hampaslupang tulad niya. Tiningnan niya ang binata na parang nakatingin siya sa isang inutil, at galit na sinabing, "Kung ibibigay ko 'to sa'yo nang libre, tatawagin na kitang lolo!"
Sa tingin niya, ang taong ito ay may maluwag na turnilyo. Bukod sa kulang ang dala niyang pera pambili ng gamit, umaasa pa siyang ibibigay ito sa kanya nang libre...
[Hindi ako baliw, bakit ko naman 'to ibibigay sa'yo nang libre?
Sino ka ba sa akala mo!]
"Tatawagin mo 'kong lolo? Hindi mo na kailangang gawin 'yan!" Umiling si Zhang Xuan. Tiningnan at nginitian niya ang tindero at sinabing, "Ibibigay mo ito sa akin nang libre dahil sinabi ko. Kung nagdududa ka sa sinasabi ko... Hahakbang ako ng dalawang beses... Ehem ehem, tingnan natin kung anong mangyayari sa'yo matapos kitang suntukin!"
------
[1] Ang Four Haves ay tumutukoy sa Panaginip, Moral, Kultura at Disiplina. Nagmula sa Deng Xiao Ping noong 1980.
Commentaire de paragraphe
La fonction de commentaire de paragraphe est maintenant disponible sur le Web ! Déplacez la souris sur n’importe quel paragraphe et cliquez sur l’icône pour ajouter votre commentaire.
De plus, vous pouvez toujours l’activer/désactiver dans les paramètres.
OK