Télécharger l’application
0.04% Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 1: Manloloko
Library of Heaven's Path (Tagalog) Library of Heaven's Path (Tagalog)

Library of Heaven's Path (Tagalog)

Auteur: Heng Sao Tian Ya

© WebNovel

Chapitre 1: Manloloko

Éditeur: LiberReverieGroup

"Manloloko! Napakalaki mong manloloko!"

Isang galit na sigaw ang maririnig. Kasunod nito, umalingawngaw ang tunog ng mga yabag ng isang tao sa pasilyo ng akademya na tila'y nagmamadali.

Itinaas ni Zhang Xuan ang kanyang mga kamay ng walang kalaban-laban at sinabing, "Hindi ako manloloko, isa akong guro sa akademya. . . Gusto ko lang na maging estudyante kita! Tsaka, kailangan ba talagang ipagdiinan mo na manloloko ako? Parang sinasabi mong isa akong kriminal. . ."

Pagkatapos nito, napabuntong hininga siya nang maalala niya ang mga sinabi ng principal sa kanya. "Ika-17 na 'to! Kapag hindi ako nakahanap ng estudyante ngayong araw, kailangan ko nang iligpit ang mga gamit ko at umalis bukas!"

Si Zhang Xuan ay hindi nagmula sa mundong ito, isa lang siyang ordinaryong katiwala ng aklatan sa isang high school. Tanging naglalagablab na apoy lamang ang naaalala niya, at pagkatapos... Wala na siyang iba pang maalala. Noong magising siya nandito na siya sa mundong ito.

Ang mundong ito ay gaya ng mga nasa nobela, kung saan ang martial arts ang humubog sa pundasyon ng mundo at ang malalakas ang namumuno!

Naisip niya na dahil napunta siya sa ibang mundo, baka maging isa siyang walang kwenta na iniwan ng kanyang kasintahan. Pagkatapos, gagantihan niya ang mga nang-iwan sa kanya, sasampalin niya ang mga pagmumukha nila, at magpapatuloy ng maayos sa kanyang buhay. . . Pero mukhang masyado lang siyang nag-aalala! Hindi nagtagal at napagtanto niyang hindi siya isang estudyante kundi. . . isang guro!

Ang pinaka walang kwentang guro sa buong akademya!

Umaapaw lagi sa dami ng tao ang mga klase ng ibang mga guro, kung minsan umaabot pa sa puntong wala nang maupuan ang mga tao. Samantalang, wala namang kahit isang tao sa klase niya. Napakahirap para sa kanya ang makakuha ng ilang estudyante, at nang lumaon, tinawag siyang 'manloloko' ng mga 'to at tinatakbuhan siya!

Kung isasantabi ang katotohanang ang taong pinalitan niya ang pinakamahinang guro sa buong paaralan, at hindi siya magaling sa pagpili ng mga estudyante, ang pinaka ugat ng problema ay dahil. . . mali ang mga itinuro niya sa isang estudyante, na naging sanhi ng pagwawala ng kanyang cultivation!

Katulad lang 'to ng pagkakaroon ng isang namatay na pasyente sa kanyang record! Nasira ang kanyang reputasyon, at naging isa siyang kinamumuhiang tao sa akademya. Kahit ang mga freshman ay piniling iwasan siya, natatakot silang matulad sa nagwalang estudyante kapag naging estudyante niya sila.

Ang kanyang pangit na record at ang kawalan ng mga estudyante ang dahilan kung bakit siya naging pinakahuli sa Teacher Qualification Examination ng akademya noong nakaraang taon. Nakuha din niya ang kauna-unahang zero na score sa buong kasaysayan ng akademya.

Dahil sa sobrang kalungkutan, nilunod ng dating may-ari ng katauhang iyon ang kanyang sarili sa alak. Sa huli, gaya ng ginusto niya, namatay siya, at ito ang nagbigay daan para makapunta si Zhang Xuan sa mundong ito.

Sa simula ng panibagong termino, nagbigay ng ultimatum sa kanya ang akademya. Kapag hindi siya nagkaroon ng kahit isang estudyante sa kanyang klase sa simula ng semestro, babawiin sa kanya ang kanyang kwalipikasyon bilang isang guro!

Mayroong labing-pitong estudyante na dumaan sa kanyang classroom ngayong araw, pero nang marinig nila ang kanyang pangalan, bawat isa sa kanila ay mabilis na tumakbo palayo, gaya ng mga dalagang tumatakbo mula sa isang kahina-hinalang tao.

"Kailangan kong makahanap ng paraan para makahikayat ng kahit isang estudyante na pumasok sa klase ko!"

Habang nag-iisip siya ng plano para makahila ng tao sa kanyang klase, nakita niya ang isang dalaga na parang tuliro na nakatayo sa bungad ng kanyang silid.

"Pwede ko bang malaman kung ito ang classroom ni Lu Xun laoshi?"

(ang ibigsabihin ng laoshi ay teacher)

Siya ay maganda at pino ang pangangatawan, at ang kanyang matamis na tinig ay parang honey sa pandinig ng isang tao.

Si Lu Xun laoshi ang pinakamagaling na teacher sa akademya. Puno lagi ang kanyang mga klase, at siya ang dahilan kung bakit marami ang gustong mag-aral sa akademya.

"Kukunin ko siya!" Kumislap ang mga mata ni Zhang Xuan nang makitang may naglakad papasok sa patibong niya.

Lahat ng klase ng pagmamagaling na natutunan niya sa previous life niya ang sumulpot sa kanyang isipan, at di kalauna'y, pinili niyang umupo ng tahimik sa kanyang upuan, na para bang isang mahinahon at matalinong eksperto. "Gusto mo bang maging estudyante ko?"

Tumango-tango ang dalaga at kita sa kanyang mga mata ang matinding paghanga, "Narinig ko na si Lu Xun laoshi ang pinakamahusay na teacher sa Hongtian Academy. Lahat ng mga estudyanteng tinuruan niya ay naging kamangha-mangha at mahusay, at ang mapabilang pa lamang sa klase niya ay maituturing na isang karangalan!"

"Hindi lahat ng balita ay totoo. Ang mga teacher ay parang mga sapatos; ang mahalaga ay kung kasya ba ito o hindi! Kahit gaano pa siya kagaling magturo, kapag ang mga teoryang ibinigay niya ay hindi tugma sa mga technique na sinasanay mo, hindi ka lang mahihirapan sa pag-angat sa masmataas na realm, maaari ring umurong ang cultivation mo! Kahit na hindi kilala ang isang teacher, kapag ang mga teorya niya ay tumutugma sa mga kakayahan mo, maaari ka pa ring umangat ng mabilis at malaki ang itataas ng iyong cultivation!"

"Ganun ba... Narinig ko na ding sinabi yan ng kuya ko dati!" Sandaling napaisip ang dalaga, kita sa mga mata niya ang pag-aalinlangan. "Pero, hindi ko alam kung anong mga lesson ang nababagay sakin!"

Nang makitang malapit nang kumagat sa bitag niya ang dalaga, nagningning ang mga mata ni Zhang Xuan. Matatalinhagang mga salita na nagmula pa sa magagaling na taong gaya nila Karl Marx at Friedrich Engels ang sumulpot sa kanyang isipan habang iniisip niya ang mga susunod niyang sasabihin. Nagkunwari siyang nahihirapan, at sinabing, "Mukhang pinagtagpo tayo ng pagkakataon. Ganito na lang, tutal isa rin akong teacher ng akademyang 'to, tutulungan kitang suriin ang mga buto mo, talento, at pagkatao, at bibigyan kita ng nababagay na teacher para sayo!"

"Teacher, tinatanggap ko ang alok mo!" Hindi niya inaasahan na ang teacher na nagkataon lang niyang makilala ay magiging ganito kaalaga, at agad siyang tumango sa sobrang tuwa.

"Ipakita mo muna ang iyong cultivation!"

Bahagyang nakadilat ang mga mata ni Zhang Xuan, at sinasabi ng mga mata niya na magiging madali lamang ito para sa kanya.

"Opo!"

Huuuuuuuuuuu!

Umiihip ang malakas na hangin sa loob ng silid dahil sa tindi ng lakas ng suntok ng dalaga. Umapaw at bumalot ang spiritual energy sa katawan ng dalaga. Kung titignang mabuti, hindi madaling naglaho ang kanyang spiritual energy, pati na rin ang kanyang napakalakas na aura, halatang nagtataglay siya ng matibay na pundasyon sa kanyang cultivation.

"Magaling, nakikita kong nagsasanay kang mabuti. Matibay ang iyong pundasyon at napakahusay ng talento mo. Isa kang hindi malilimutang genius!" Nang matapos ang dalaga sa kanyang punching routine, agad na tumango si Zhang Xuan.

Ginagaya niya ang mga fortune teller galing sa mundong pinanggalingan niya, gamit ang mga mabulaklak na salitang may malalawak na kahulugan. Dahil dito, mahihirapan ang mga nakikinig na makahanap ng mali sa mga sinasabi niya. Sa halip, magugulat sila dahil sa pagiging eksakto ng kanyang mga pagsusuri.

"

"Nangingibabaw ang lakas ng mga binti mo. Nagtataglay ang mga ito ng matinding lakas, gaya ng isang dragon. Bawat galaw mo ay parang katulad ng malakas na agos ng ilog, umaapaw ang lakas nito. Kapag nagsanay ka ng mabuti, magiging maganda ang iyong kinabukasan..."

"Teacher, may pilay po ang mga binti ko. Sabi ng mga physician halos lumpo na daw ang mga binti ko..." Biglang nagsalita ang dalaga.

"Napilay..." Namula ang mukha ni Zhang Xuan dahil sa pagkabigla. Subalit, dahil nga makapal ang pagmumukha niya, imposibleng malaman ng iba ang pinagkaiba. Nagpatuloy siya sa pagsasalita ng hindi nagpapakita ng kahit anong senyales ng hiya, "Sa tingin mo ba hindi ko napansin 'yon? Simula pa lang alam ko na 'yan! Ang dahilan kung bakit ko sinabi 'yon ay... dahil sa pamamagitan lamang ng pagkasira maaaring magkaroon ng panibagong buhay! Pilay man ang mga binti mo, binigyan ka naman nito ng isang panibagong oportunidad. Kapag naniwala ka, ang mga binti mo ang magiging pinakamalakas mong sandata!"

Ang mahalaga ay mauto niya ang dalaga. Kung ang mga walang kwentang salita niya ang makakapagbigay sa kanya ng estudyante, masaya niyang ipagpapatuloy ang pagsasabi ng kung anu-anong bagay buong araw.

"Oportunidad? Teacher, anong klaseng oportunidad naman ang tinutukoy mo?" Nagningning ang mga mata ng dalaga nang marinig ang mga sinabi niya.

Mula noong mapilay ang mga binti niya, pakiramdam niya mas mahina siya kumpara sa iba, ito ang dahilan ng kanyang pagiging mahiyain. Hindi niya naisip na ang kamalasan niyang ito ang magbibigay sa kanya ng magandang oportunidad.

"Kapag pinanghawakan mo ang oportunidad na 'to, maaari kang maging pinakamagaling. Hindi magiging mahirap para sayo ang maging pinakamahusay sa mga freshman. Kung sabagay, hindi pangkaraniwan ang talento mo, at isang genius na gaya mo ay siguradong makikilala sa kasaysayan. Subalit…" Nagpatuloy si Zhang Xuan. Sa puntong ito, kulang na lang ay maglabas siya ng isang 'Buddha's Palm' manual galing sa kanyang bulsa.

Namula ang dalaga nang marinig niyang isa siyang genius, at nagpatuloy sa pagtatanong, "Subalit ano teacher?"

"Subalit…" Napabuntong-hininga si Zhang Xuan. Ito ay isang pagpapakita ng kanyang pagkadismaya dahil sa isang talentong posibleng masayang. "Ang mga teacher na may kakayahang mapansin at mapalabas ang talentong taglay mo ay kakaunti lamang! Kabilang na ako, mayroon lamang tatlong teacher ang may ganitong kakayahan. Ang dalawa sa kanila ay tumigil na sa pagtanggap ng estudyante tatlong taon na ang nakalilipas… Mahihirapan kang mapapayag sila na maging teacher mo kahit na kausapin ko pa sila para sayo..."

"Tumigil na sa pagtanggap ng mga estudyante?" Umaasa ang dalaga dahil sa mga papuri ni Zhang Xuan, pero nang marinig niya ang sinabi ni Zhang Xuan, bigla siyang nalungkot. Pagkatapos, may naisip siya bigla at nagtanong siya, "Hindi na sila tumatanggap ng mga estudyante, pero teacher, ikaw... tumatanggap ka pa ba ng mga estudyante?"

"Syempre naman. Yun nga lang, gaya ng nakikita mo, bale wala sakin ang katanyagan at kayaman, at wala rin akong oras sa mga ganoong bagay!" Kita ang pagmamalaki sa mukha ni Zhang Xuan. "Kapag hindi ka mahusay, hindi kita kukunin kahit na magtagpo pa ang mga kapalaran natin…"

Putong!

Bago pa siya matapos sa mga sinasabi niya, nakaluhod na sa sahig ang dalaga, at sinabing, "Alam kong makapangyarihan ka at isa kang eksperto teacher, pero pakiusap tanggapin mo ako bilang iyong estudyante! Magsasanay akong mabuti at sisiguraduhin kong hindi ka mapapahiya teacher!"

Tuwang tuwa si Zhang Xuan sa kanyang narinig, ngunit hindi niya ito ipinahalata. "Pinagtagpo tayo ng tadhana, pero… Gaya ng nakikita mo, mas gusto ko na magpalipas ng oras ng tahimik…"

"Bilang estudyante mo, pinapangako kong hindi ko gagambalain si teacher kapag walang emergency!" Nang makitang hindi pa kumbinsido si Zhang Xuan, agad na tumango ang dalaga.

"Kakaunti lang ang estudyante ko, kaya naman, kaunti lang din ang mga kagamitan ko kumpara sa ibang mga teacher. Bukod pa rito, posibleng husgahan ka ng ibang tao…" Ang pagpapatuloy ni Zhang Xuan.

"Ganun ba… Narinig kong importante ang mga kagamitan sa pagsasanay…" Nag-alinlangan ang dalaga.

Ang dami ng mga kagamitan na maaaring kunin ng isang teacher mula sa akademya ay sumasalamin sa bilang ng kanyang estudyante, ang resulta ng pagsasanay ng kanyang mga estudyante, at marami pang iba. Ang mga kagamitang ito ay napakahalaga, at kung wala ang mga'to, mahihirapan siyang mapaangat ang cultivation ng isang estudyante.

"Ehem ehem, sinabi ko lang ang mga 'yon para subukan ka. Dahil determinado ka at tapat, malugod kitang tinatanggap!" Nang mapansin ang pag-aalangan ng dalaga, agad na nagsalita si Zhang Xuan, "Kumpirmahin na natin ang relasyon natin!"

"Ah?"

Hindi niya inasahang mabilis na magbabago ang ugali ng teacher na kaharap niya. Dahil sa gulat, sinalo ng dalaga ang token na ibinigay ni Zhang Xuan. Ang token na ito ang magiging patunay na siya ay estudyante na ni Zhang Xuan kapag kinumpirma niya ito. Habang pinag-iisipan niyang mabuti kung kukumpirmahin niya ang kanilang relasyon, bigla siyang hinila ni Zhang laoshi at hiniwaan ito ng kutsilyo. Pumatak ang dugo niya sa jade token na ibinigay sa kanya.

Weng!

Bigla itong kumislap.

"Ah…"

Naguluhan ang dalaga sa nangyari.

Hindi ba't sinabi ng teacher na kailangan niyang pag-isipan itong mabuti? Walang pakialam sa kasikatan at karangyaan? Kung ganoon, bakit nagmamadali siya at… parang pinaghandaan niyang mabuti ang nangyari?

"Mula ngayon, estudyante na kita!" Matapos ang pagpapatak ng dugo, nakahinga na ng maayos si Zhang Xuan. Pagkatapos nito, ipinagpatuloy niya ang pagpapanggap bilang isang eksperto, nagtanong siya, "Ano nga palang pangalan mo?"

"Teacher, ako po si Wang Ying!"

Dahil alam niyang hindi na niya pwedeng baguhin ang kanyang desisyon, hindi na lamang niya ito masyadong inisip at magalang na lang siyang sumagot.

"Un, kunin mo na ang mga gamit at libro mo gamit ang iyong identity token, at maghanap ka na rin ng matutuluyan mo. Magsisimula na tayo ng klase bukas!"

Ikinumpas ni Zhang Xuan ang kanyang mga kamay.

"Opo!" Tumango si Wang Ying bago umalis.

"Huu! Tagumpay ang plano ko!"

Dahil tagumpay siya na makakuha ng estudyante, nakahinga na ng maayos si Zhang Xuan at ngumiti.

Hindi madali na magpanggap bilang isang eksperto. Kung hindi dahil sa mga technique niya na natutunan niya sa internet, malabong magtagumpay siya.

Dahil sa estudyanteng 'to, hindi na siya mapapalayas sa akademya. Naglaho ang problemang bumabagabag kay Zhang Xuan, at pakiramdam niya ay payapa na siya. Unti-unting nawala ang kanyang obsession.

"Huwag kang mag-alala. Dahil ako na ang nasa katawan mo, sisikapin kong mamuhay ng maayos alang-alang sayo!"

Ang dating Zhang Xuan ay namatay dahil hindi niya kayang makakuha ng mga bagong estudyante. Sobrang tindi ng kanyang panghihinayang kaya ramdam pa rin ito kahit na namatay na siya. Ang bagong estudyante na nakuha niya ay ang tumupad sa kanyang huling kahilingan, at dahil dito, napawi ang kanyang panghihinayang. Tuluyan nang nakontrol ni Zhang Xuan ang katawang ito.

Boom!

Pagkatapos ayusin ang bagay na ito, balak ni Zhang Xuan na magpatuloy sa panghihikayat ng mga estudyante. Ngunit, bigla siyang nakaramdam ng pagyanig sa loob ng ulo niya, at narinig niya ang pagbatingting ng mga sinaunang kampana.

"Itinuturing na langgam ng mundong ito ang lahat ng mga nilalang…"

"Sa kabila ng paglubog ng araw at ng naglalahong buwan, makikita ang kamalian sa mundo…"

Boom!

Parang lumulutang si Zhang Xuan matapos ang pangyayari. Pagkatapos, sa kanyang isipan, sumulpot ang isang malaking palasyo. Sa itaas ng bukasan nito, makikita ang apat na salita sa isang plaka.

Library of Heaven's Path!

Binuksan ni Zhang Xuan ang pinto nito at pumasok. Napakaraming mga lagayan ng libro ang makikita sa loob nito, at makikita din dito ang iba't ibang klase ng mga libro na pumupuno sa mga pagitan ng mga lalagyan. Sa sobrang laki ng lugar hindi niya makita ang kabilang dulo nito.

"Posible kayang ito ang regalong natanggap ko bilang isang transcender? Isang library? Ano ba naman 'to, naging librarian na ako dati. Kailangan ko bang ipagpatuloy ang propesyon ko dati pati sa mundong 'to?"

"Ang mga regalong natanggap ng iba ay isang lolo, mga system, o kaya isang napakalakas na gamit. Pero, bakit library pa ang natanggap ko?"

Nagdilim ang paningin ni Zhang Xuan, at halos mahimatay siya sa pagkadismaya.

"Library? Anong silbi nito? Mambabato ba ako ng libro sa mga kalaban ko habang binabato nila ako ng mga espada nila?"

"Bahala na nga, sisilipin ko na lang muna ang mga libro dito."

Dahil wala siyang magawa, inabot ni zhang Xuan ang isang libro mula sa mga lagayan, napapaisip siya kung ano ang silbi ng library na ito sa kanya. Subalit, tumagos lamang ang kamay niya sa libro.

"Pinagtitripan ba ako? Binigyan nga ako ng library pero wala naman akong mabasa at mahawakang kahit isa sa mga libro dito, ano ba talagang gusto mo?"

Hindi makapagsalita si Zhang Xuan. Pakiramdam niya ay maiiyak na siya, pero walang kahit isang luha ang tumulo.

! Napakalaki mong manloloko!"

Isang galit na sigaw ang maririnig. Kasunod nito, umalingawngaw ang tunog ng mga yabag ng isang tao sa pasilyo ng akademya na tila'y nagmamadali.

Itinaas ni Zhang Xuan ang kanyang mga kamay ng walang kalaban-laban at sinabing, "Hindi ako manloloko, isa akong teacher sa akademya. . . Gusto ko lang na maging estudyante kita! Tsaka, kailangan ba talagang ipagdiinan mo na manloloko ako? Parang sinasabi mong isa akong kriminal..."

Pagkatapos nito, napabuntong hininga siya nang maalala niya ang mga sinabi ng principal sa kanya. "Ika-17 na 'to! Kapag hindi ako nakahanap ng estudyante ngayong araw, kailangan ko nang iligpit ang mga gamit ko at umalis bukas!"

Si Zhang Xuan ay hindi nagmula sa mundong ito, isa lang siyang ordinaryong librarian sa isang high school. Tanging naglalagablab na apoy lamang ang naaalala niya, at pagkatapos... Wala na siyang iba pang maalala. Noong magising siya nandito na siya sa mundong ito.

Ang mundong ito ay gaya ng mga nasa nobela, kung saan ang martial arts ang humubog sa pundasyon ng mundo at ang malalakas ang namumuno!

Naisip niya na dahil napunta siya sa ibang mundo, baka maging isa siyang walang kwenta na iniwan ng kanyang kasintahan. Pagkatapos, gagantihan niya ang mga nang-iwan sa kanya, sasampalin niya ang mga pagmumukha nila, at magpapatuloy ng maayos ang kanyang buhay. . . Pero mukhang masyado lang siyang nag-aalala! Hindi nagtagal at narealize niyang hindi siya isang estudyante kundi. . . isang teacher!

Ang pinaka walang kwentang teacher sa buong akademya!

Umaapaw lagi sa dami ng tao ang mga klase ng ibang mga teacher, kung minsan umaabot pa sa puntong wala nang maupuan ang mga tao. Samantalang, wala namang kahit isang tao sa klase niya. Napakahirap para sa kanya ang makakuha ng ilang estudyante, at nang lumaon, tinawag siyang 'manloloko' ng mga 'to at tinatakbuhan siya!

Kung isasantabi ang katotohanang ang taong pinalitan niya ang pinakamahinang teacher sa buong paaralan, at hindi siya magaling sa pagpili ng mga estudyante, ang pinaka ugat ng problema ay dahil. . . mali ang mga itinuro niya sa isang estudyante, na naging sanhi ng pagwawala ng kanyang cultivation!

Katulad lang 'to ng pagkakaroon ng isang namatay na patient sa kanyang record! Nasira ang kanyang reputasyon, at naging isa siyang kinamumuhiang tao sa akademya. Kahit ang mga freshman ay piniling iwasan siya, natatakot silang matulad sa nagwalang estudyante kapag naging estudyante niya sila.

Ang kanyang pangit na record at ang kawalan ng mga estudyante ang dahilan kung bakit siya naging pinakahuli sa Teacher Qualification Examination ng akademya noong nakaraang taon. Nakuha din niya ang kauna-unahang zero na score sa buong kasaysayan ng akademya.

Dahil sa sobrang kalungkutan, nilunod ng dating may-ari ng katauhang iyon ang kanyang sarili sa alak. Sa huli, gaya ng ginusto niya, namatay siya, at ito ang nagbigay daan para makapunta si Zhang Xuan sa mundong ito.

Sa simula ng panibagong term, nagbigay ng ultimatum sa kanya ang akademya. Kapag hindi siya nagkaroon ng kahit isang estudyante sa kanyang klase sa simula ng semester, babawiin sa kanya ang kanyang kwalipikasyon bilang isang teacher!

Mayroong labing-pitong estudyante na dumaan sa kanyang classroom ngayong araw, pero nang marinig nila ang kanyang pangalan, bawat isa sa kanila ay mabilis na tumakbo palayo, gaya ng mga dalagang tumatakbo mula sa isang kahina-hinalang tao.

"Kailangan kong makahanap ng paraan para makahikayat ng kahit isang estudyante na pumasok sa klase ko!"

Habang nag-iisip siya ng plano para makahila ng tao sa kanyang klase, nakita niya ang isang dalaga na parang tuliro na nakatayo sa bungad ng kanyang silid.

"Pwede ko bang malaman kung ito ang classroom ni Lu Xun laoshi?"

(ang ibigsabihin ng laoshi ay teacher)

Siya ay maganda at pino ang pangangatawan, at ang kanyang matamis na tinig ay parang honey sa pandinig ng isang tao.

Si Lu Xun laoshi ang pinakamagaling na teacher sa akademya. Puno lagi ang kanyang mga klase, at siya ang dahilan kung bakit marami ang gustong mag-aral sa akademya.

"Kukunin ko siya!" Kumislap ang mga mata ni Zhang Xuan nang makitang may naglakad papasok sa patibong niya.

Lahat ng klase ng pagmamagaling na natutunan niya sa previous life niya ang sumulpot sa kanyang isipan, at di kalauna'y, pinili niyang umupo ng tahimik sa kanyang upuan, na para bang isang mahinahon at matalinong eksperto. "Gusto mo bang maging estudyante ko?"

Tumango-tango ang dalaga at kita sa kanyang mga mata ang matinding paghanga, "Narinig ko na si Lu Xun laoshi ang pinakamahusay na teacher sa Hongtian Academy. Lahat ng mga estudyanteng tinuruan niya ay naging kamangha-mangha at mahusay, at ang mapabilang pa lamang sa klase niya ay maituturing na isang karangalan!"

"Hindi lahat ng balita ay totoo. Ang mga teacher ay parang mga sapatos; ang mahalaga ay kung kasya ba ito o hindi! Kahit gaano pa siya kagaling magturo, kapag ang mga teoryang ibinigay niya ay hindi tugma sa mga technique na sinasanay mo, hindi ka lang mahihirapan sa pag-angat sa masmataas na realm, maaari ring umurong ang cultivation mo! Kahit na hindi kilala ang isang teacher, kapag ang mga teorya niya ay tumutugma sa mga kakayahan mo, maaari ka pa ring umangat ng mabilis at malaki ang itataas ng iyong cultivation!"

"Ganun ba... Narinig ko na ding sinabi yan ng kuya ko dati!" Sandaling napaisip ang dalaga, kita sa mga mata niya ang pag-aalinlangan. "Pero, hindi ko alam kung anong mga lesson ang nababagay sakin!"

Nang makitang malapit nang kumagat sa bitag niya ang dalaga, nagningning ang mga mata ni Zhang Xuan. Matatalinhagang mga salita na nagmula pa sa magagaling na taong gaya nila Karl Marx at Friedrich Engels ang sumulpot sa kanyang isipan habang iniisip niya ang mga susunod niyang sasabihin. Nagkunwari siyang nahihirapan, at sinabing, "Mukhang pinagtagpo tayo ng pagkakataon. Ganito na lang, tutal isa rin akong teacher ng akademyang 'to, tutulungan kitang suriin ang mga buto mo, talento, at pagkatao, at bibigyan kita ng nababagay na teacher para sayo!"

"Teacher, tinatanggap ko ang alok mo!" Hindi niya inaasahan na ang teacher na nagkataon lang niyang makilala ay magiging ganito kaalaga, at agad siyang tumango sa sobrang tuwa.

"Ipakita mo muna ang iyong cultivation!"

Bahagyang nakadilat ang mga mata ni Zhang Xuan, at sinasabi ng mga mata niya na magiging madali lamang ito para sa kanya.

"Opo!"

Huuuuuuuuuuu!

Umiihip ang malakas na hangin sa loob ng silid dahil sa tindi ng lakas ng suntok ng dalaga. Umapaw at bumalot ang spiritual energy sa katawan ng dalaga. Kung titignang mabuti, hindi madaling naglaho ang kanyang spiritual energy, pati na rin ang kanyang napakalakas na aura, halatang nagtataglay siya ng matibay na pundasyon sa kanyang cultivation.

"Magaling, nakikita kong nagsasanay kang mabuti. Matibay ang iyong pundasyon at napakahusay ng talento mo. Isa kang hindi malilimutang genius!" Nang matapos ang dalaga sa kanyang punching routine, agad na tumango si Zhang Xuan.

Ginagaya niya ang mga fortune teller galing sa mundong pinanggalingan niya, gamit ang mga mabulaklak na salitang may malalawak na kahulugan. Dahil dito, mahihirapan ang mga nakikinig na makahanap ng mali sa mga sinasabi niya. Sa halip, magugulat sila dahil sa pagiging eksakto ng kanyang mga pagsusuri.

"

"Nangingibabaw ang lakas ng mga binti mo. Nagtataglay ang mga ito ng matinding lakas, gaya ng isang dragon. Bawat galaw mo ay parang katulad ng malakas na agos ng ilog, umaapaw ang lakas nito. Kapag nagsanay ka ng mabuti, magiging maganda ang iyong kinabukasan..."

"Teacher, may pilay po ang mga binti ko. Sabi ng mga physician halos lumpo na daw ang mga binti ko..." Biglang nagsalita ang dalaga.

"Napilay..." Namula ang mukha ni Zhang Xuan dahil sa pagkabigla. Subalit, dahil nga makapal ang pagmumukha niya, imposibleng malaman ng iba ang pinagkaiba. Nagpatuloy siya sa pagsasalita ng hindi nagpapakita ng kahit anong senyales ng hiya, "Sa tingin mo ba hindi ko napansin 'yon? Simula pa lang alam ko na 'yan! Ang dahilan kung bakit ko sinabi 'yon ay... dahil sa pamamagitan lamang ng pagkasira maaaring magkaroon ng panibagong buhay! Pilay man ang mga binti mo, binigyan ka naman nito ng isang panibagong oportunidad. Kapag naniwala ka, ang mga binti mo ang magiging pinakamalakas mong sandata!"

Ang mahalaga ay mauto niya ang dalaga. Kung ang mga walang kwentang salita niya ang makakapagbigay sa kanya ng estudyante, masaya niyang ipagpapatuloy ang pagsasabi ng kung anu-anong bagay buong araw.

"Oportunidad? Teacher, anong klaseng oportunidad naman ang tinutukoy mo?" Nagningning ang mga mata ng dalaga nang marinig ang mga sinabi niya.

Mula noong mapilay ang mga binti niya, pakiramdam niya mas mahina siya kumpara sa iba, ito ang dahilan ng kanyang pagiging mahiyain. Hindi niya naisip na ang kamalasan niyang ito ang magbibigay sa kanya ng magandang oportunidad.

"Kapag pinanghawakan mo ang oportunidad na 'to, maaari kang maging pinakamagaling. Hindi magiging mahirap para sayo ang maging pinakamahusay sa mga freshman. Kung sabagay, hindi pangkaraniwan ang talento mo, at isang genius na gaya mo ay siguradong makikilala sa kasaysayan. Subalit…" Nagpatuloy si Zhang Xuan. Sa puntong ito, kulang na lang ay maglabas siya ng isang 'Buddha's Palm' manual galing sa kanyang bulsa.

Namula ang dalaga nang marinig niyang isa siyang genius, at nagpatuloy sa pagtatanong, "Subalit ano teacher?"

"Subalit…" Napabuntong-hininga si Zhang Xuan. Ito ay isang pagpapakita ng kanyang pagkadismaya dahil sa isang talentong posibleng masayang. "Ang mga teacher na may kakayahang mapansin at mapalabas ang talentong taglay mo ay kakaunti lamang! Kabilang na ako, mayroon lamang tatlong teacher ang may ganitong kakayahan. Ang dalawa sa kanila ay tumigil na sa pagtanggap ng estudyante tatlong taon na ang nakalilipas… Mahihirapan kang mapapayag sila na maging teacher mo kahit na kausapin ko pa sila para sayo..."

"Tumigil na sa pagtanggap ng mga estudyante?" Umaasa ang dalaga dahil sa mga papuri ni Zhang Xuan, pero nang marinig niya ang sinabi ni Zhang Xuan, bigla siyang nalungkot. Pagkatapos, may naisip siya bigla at nagtanong siya, "Hindi na sila tumatanggap ng mga estudyante, pero teacher, ikaw... tumatanggap ka pa ba ng mga estudyante?"

"Syempre naman. Yun nga lang, gaya ng nakikita mo, bale wala sakin ang katanyagan at kayaman, at wala rin akong oras sa mga ganoong bagay!" Kita ang pagmamalaki sa mukha ni Zhang Xuan. "Kapag hindi ka mahusay, hindi kita kukunin kahit na magtagpo pa ang mga kapalaran natin…"

Putong!

Bago pa siya matapos sa mga sinasabi niya, nakaluhod na sa sahig ang dalaga, at sinabing, "Alam kong makapangyarihan ka at isa kang eksperto teacher, pero pakiusap tanggapin mo ako bilang iyong estudyante! Magsasanay akong mabuti at sisiguraduhin kong hindi ka mapapahiya teacher!"

Tuwang tuwa si Zhang Xuan sa kanyang narinig, ngunit hindi niya ito ipinahalata. "Pinagtagpo tayo ng tadhana, pero… Gaya ng nakikita mo, mas gusto ko na magpalipas ng oras ng tahimik…"

"Bilang estudyante mo, pinapangako kong hindi ko gagambalain si teacher kapag walang emergency!" Nang makitang hindi pa kumbinsido si Zhang Xuan, agad na tumango ang dalaga.

"Kakaunti lang ang estudyante ko, kaya naman, kaunti lang din ang mga kagamitan ko kumpara sa ibang mga teacher. Bukod pa rito, posibleng husgahan ka ng ibang tao…" Ang pagpapatuloy ni Zhang Xuan.

"Ganun ba… Narinig kong importante ang mga kagamitan sa pagsasanay…" Nag-alinlangan ang dalaga.

Ang dami ng mga kagamitan na maaaring kunin ng isang teacher mula sa akademya ay sumasalamin sa bilang ng kanyang estudyante, ang resulta ng pagsasanay ng kanyang mga estudyante, at marami pang iba. Ang mga kagamitang ito ay napakahalaga, at kung wala ang mga'to, mahihirapan siyang mapaangat ang cultivation ng isang estudyante.

"Ehem ehem, sinabi ko lang ang mga 'yon para subukan ka. Dahil determinado ka at tapat, malugod kitang tinatanggap!" Nang mapansin ang pag-aalangan ng dalaga, agad na nagsalita si Zhang Xuan, "Kumpirmahin na natin ang relasyon natin!"

"Ah?"

Hindi niya inasahang mabilis na magbabago ang ugali ng teacher na kaharap niya. Dahil sa gulat, sinalo ng dalaga ang token na ibinigay ni Zhang Xuan. Ang token na ito ang magiging patunay na siya ay estudyante na ni Zhang Xuan kapag kinumpirma niya ito. Habang pinag-iisipan niyang mabuti kung kukumpirmahin niya ang kanilang relasyon, bigla siyang hinila ni Zhang laoshi at hiniwaan ito ng kutsilyo. Pumatak ang dugo niya sa jade token na ibinigay sa kanya.

Weng!

Bigla itong kumislap.

"Ah…"

Naguluhan ang dalaga sa nangyari.

Hindi ba't sinabi ng teacher na kailangan niyang pag-isipan itong mabuti? Walang pakialam sa kasikatan at karangyaan? Kung ganoon, bakit nagmamadali siya at… parang pinaghandaan niyang mabuti ang nangyari?

"Mula ngayon, estudyante na kita!" Matapos ang pagpapatak ng dugo, nakahinga na ng maayos si Zhang Xuan. Pagkatapos nito, ipinagpatuloy niya ang pagpapanggap bilang isang eksperto, nagtanong siya, "Ano nga palang pangalan mo?"

"Teacher, ako po si Wang Ying!"

Dahil alam niyang hindi na niya pwedeng baguhin ang kanyang desisyon, hindi na lamang niya ito masyadong inisip at magalang na lang siyang sumagot.

"Un, kunin mo na ang mga gamit at libro mo gamit ang iyong identity token, at maghanap ka na rin ng matutuluyan mo. Magsisimula na tayo ng klase bukas!"

Ikinumpas ni Zhang Xuan ang kanyang mga kamay.

"Opo!" Tumango si Wang Ying bago umalis.

"Huu! Tagumpay ang plano ko!"

Dahil tagumpay siya na makakuha ng estudyante, nakahinga na ng maayos si Zhang Xuan at ngumiti.

Hindi madali na magpanggap bilang isang eksperto. Kung hindi dahil sa mga technique niya na natutunan niya sa internet, malabong magtagumpay siya.

Dahil sa estudyanteng 'to, hindi na siya mapapalayas sa akademya. Naglaho ang problemang bumabagabag kay Zhang Xuan, at pakiramdam niya ay payapa na siya. Unti-unting nawala ang kanyang obsession.

"Huwag kang mag-alala. Dahil ako na ang nasa katawan mo, sisikapin kong mamuhay ng maayos alang-alang sayo!"

Ang dating Zhang Xuan ay namatay dahil hindi niya kayang makakuha ng mga bagong estudyante. Sobrang tindi ng kanyang panghihinayang kaya ramdam pa rin ito kahit na namatay na siya. Ang bagong estudyante na nakuha niya ay ang tumupad sa kanyang huling kahilingan, at dahil dito, napawi ang kanyang panghihinayang. Tuluyan nang nakontrol ni Zhang Xuan ang katawang ito.

Boom!

Pagkatapos ayusin ang bagay na ito, balak ni Zhang Xuan na magpatuloy sa panghihikayat ng mga estudyante. Ngunit, bigla siyang nakaramdam ng pagyanig sa loob ng ulo niya, at narinig niya ang pagbatingting ng mga sinaunang kampana.

"Itinuturing na langgam ng mundong ito ang lahat ng mga nilalang…"

"Sa kabila ng paglubog ng araw at ng naglalahong buwan, makikita ang kamalian sa mundo…"

Boom!

Parang lumulutang si Zhang Xuan matapos ang pangyayari. Pagkatapos, sa kanyang isipan, sumulpot ang isang malaking palasyo. Sa itaas ng bukasan nito, makikita ang apat na salita sa isang plaka.

Library of Heaven's Path!

Binuksan ni Zhang Xuan ang pinto nito at pumasok. Napakaraming mga lagayan ng libro ang makikita sa loob nito, at makikita din dito ang iba't ibang klase ng mga libro na pumupuno sa mga pagitan ng mga lalagyan. Sa sobrang laki ng lugar hindi niya makita ang kabilang dulo nito.

"Posible kayang ito ang regalong natanggap ko bilang isang transcender? Isang library? Ano ba naman 'to, naging librarian na ako dati. Kailangan ko bang ipagpatuloy ang propesyon ko dati pati sa mundong 'to?"

"Ang mga regalong natanggap ng iba ay isang lolo, mga system, o kaya isang napakalakas na gamit. Pero, bakit library pa ang natanggap ko?"

Nagdilim ang paningin ni Zhang Xuan, at halos mahimatay siya sa pagkadismaya.

"Library? Anong silbi nito? Mambabato ba ako ng libro sa mga kalaban ko habang binabato nila ako ng mga espada nila?"

"Bahala na nga, sisilipin ko na lang muna ang mga libro dito."

Dahil wala siyang magawa, inabot ni zhang Xuan ang isang libro mula sa mga lagayan, napapaisip siya kung ano ang silbi ng library na ito sa kanya. Subalit, tumagos lamang ang kamay niya sa libro.

"Pinagtitripan ba ako? Binigyan nga ako ng library pero wala naman akong mabasa at mahawakang kahit isa sa mga libro dito, ano ba talagang gusto mo?"

Hindi makapagsalita si Zhang Xuan. Pakiramdam niya ay maiiyak na siya, pero wala kahit isang luha ang tumulo.


L’AVIS DES CRÉATEURS
LiberReveriePH LiberReveriePH

We know that our current translation work still needs a lot of improvement, so please feel free to add comments and suggestions that could help us enhance the quality of our translation. Thank you!

Chapitre 2: Walang Hiya

Éditeur: LiberReverieGroup

Habang nag-iikot si Zhang Xuan sa library, napansin niya na ang mga libro doon ay parang repleksyon lang sa tubig; nakikita ngunit di nahahawakan. Dahil dito, napagpasyahan na lamang niya na tumigil

"Oras na para kumain. Pagkatapos ko, mag-iisip ako ng paraan para makakuha ng iba pang estudyante.

Magtatanghali na ngunit, sa labing walong estudyante na dumaan sa klase niya, isa lamang ang pumayag na maging estudyante niya. Hindi pwedeng magpatuloy ang ganito. Masyadong mababa ang antas ng pagtanggap niya. Isa pa naman siyang transcender, at hindi niya maaaring ipagmalaki na galing siya sa digital age kung hindi man lang niya kayang utuin ang mga tao sa ancient era.

Pagkatapos niyang makapag-isip-isip, umalis siya sa klase niya at dumeretso na sa kantina.

Gaya ng mga high schools sa nakaraang buhay niya, ang kantina ng Hongtian Academy ay napakalaki at malawak. Kasya dito ang higit pa sa sampung libong estudyante dahil sa sobrang laki nito. Masayang kumain sa isang sulok si Zhang Xuan dahil mayroong pumayag na maging estudyante niya sa mga freshmen na dumaan sa klase niya.

"Si Zhang laoshi ba yun?"

Habang kumakain si Zhang Xuan, narinig niya ang boses ng isang lalaki. Pagtingin niya sa harap niya may isang lalaki na nakatitig at nakangiti sa kanya, na halatang halata na may hindi magandang balak sa paglapit sa kanya.

"Cao laoshi?" Paniniguro ni Zhang Xuan sa kaharap niya.

Ang taong iyon ay si Cao Xiong. Kasabay siya ni Zhang Xuan na pumasok sa akademya noon at hilig niya na ikumpara at ipagyabang ang mga tagumpay niya sa ibang tao.

Isa si Cao Xiong sa mga dahilan kung bakit namatay ang dating Zhang Xuan.

"Ngayong araw pipili ng magiging guro ang mga freshmen. Kamusta naman ang pangangalap mo ng mga estudyante? Mukhang maganda ang resulta ng pangangalap mo. Kasama ko nga pala ngayon ang mga estudyante ko, labing dalawa silang lahat at sabay-sabay kaming kakain ngayon bago ko sila ihatid sa mga dormitoryo nila.

Nakatingin si Cao Iaoshi kay Zhang Xuan habang patuloy na ipinagyayabang ang tagumpay niya.

Tama ang kanyang hinala, walang dudang nandito lamang si Cao Xiong para magyabang.

Wala namang galit si Cao Xiong kay Zhang Xuan, pero dahil sabay silang pumasok sa akademya, di maiwasang maipagkumpara silang dalawa. Kaya naman, sinamantala niyang gamitin si Zhang Xuan upang magmalaki at magyabang sa mga tao.

Nagtinginan ang mga estudyante kay Zhang Xuan. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka at pagkamangha.

"Makinig kayong lahat, hayaan niyong ipakilala ko sa inyo ang taong ito. Siya ay si Zhang laoshi, tanyag siya sa akademyang ito. Siya ang kauna-unahang guro na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination sa buong kasaysayan ng akademya.

Ipinakilala siya ni Cao laoshi sa lahat.

"Nakakuha siya ng zero sa Teacher Qualification Examination?"

"Narinig ko na ang tungkol sa kanya bago ako dumating sa akademya. Balita ko muntik nang maging baldado ang isa sa mga naging estudyante niya dati."

"Narinig ko na rin yun. May mga nagbabala din sakin na huwag ko siyang pipiliin na maging guro ko, dahil baka ikamatay ko pa ang pagiging estudyante niya."

"Di ko lubos maisip na siya yung tinutukoy nilang maalamat guro sa akademya. Masyado kasing mabait ang pagmumukha niya."

Nagkagulo ang mga estudyante nang marinig nila ang mga pinagsasabi ni Cao Xiong.

Ang score sa Teacher Qualification Examination ay nakabase sa iba't ibang aspeto ng isang guro, at malaking bahagi nito ang examination results ng mga estudyante niya. Kaya naman, hangga't mayroong estudyante ang isang guro, siguradong makakakuha siya ng points. Ang pagkakaroon ng score na zero ay tunay na nakakagulat.

"Tapos ka na bang magsalita?"

Nanatiling kalmado si Zhang Xuan matapos ang mga panlalait ni Cao Xiong.

Sa isip niya, ano naman ang kinalaman niya sa puntos sa pagsusulit ng dating Zhang Xuan?

Hindi man siya nagalit sa mga pinagsasabi ni Cao Xiong, hindi niya nagustuhan ang ugali nito na tapakan ang dignidad at pagkatao ng iba para lang umangat siya at makapagyabang. Dahil dito napabalikwas siya at sinabing, "Tutal tapos ka na, pwede ka nang makaalis. Huwag mo na kong istorbohin sa pagkain ko."

Inisip ni Cao Xiong na mahihiya at manliliit si Zhang Xuan sa mga pinagsasabi niya tungkol dito, kaya naman nagulat siya nang makitang kampante pa rin ito at pinalayas pa siya sa harapan nito. Dahil dito muling nagsalita si Cao Xiong, "Hindi ka ba nahihiya sa naging score mo sa exams? Ikaw ang nakakuha ng pinaka mababang puntos sa buong kasaysayan ng akademyang ito."

"Bakit naman ako mahihiya? Ikaw na mismo ang nagsabi, nakuha ko ang record sa pagkakaroon ng pinakamababang puntos sa kasaysayan ng akademyang ito. Ikaw ba, ano na bang nagawa mo?" Itinaas ni Zhang Xuan ang kanyang kamay at itinuro si Cao Xiong. "Alam ba nila kung ano ang naging score mo sa exams? Narinig na ba nila ang pangalan mo bago sila dumating dito? Kung hindi pa dahil sa pangungulit mo sa mga estudyante at sa pagpapasikat mo sa kanila hindi ka naman nila makikilala. Ngayon sabihin mo sakin, anong karapatan mo para magyabang sa harap ko? Ano bang maipagmamalaki mo?"

"Ah!"

Kung ibang tao ang nakakuha ng puntos na zero sa exams siguradong mahihiya na siya sa harap ng lahat ng tao, subalit kabaligtaran ang ginawa ni Zhang Xuan. Ipinagmalaki niya pang zero ang nakuha niya sa pagsusulit at ipinamukha niya ito kay Cao Xiong.

Nanggagalaiti na sa inis si Cao Xiong sa inasal at pinagsasabi sa kanya ni Zhang Xuan.

Hindi ba talaga siya nahihiya? Paano niyang naipagmamalaki ang score na nakuha niya?

Nagkatinginan na lamang ang mga estudyante dahil sa pagkamangha kay Zhang Xuan.

Paano ang reputasyon niya?

Hindi ba parang masyadong nagmamalaki ang guro na to?

Hiya? Sa panahon kung saan nabuhay si Zhang Xuan, maraming sikat na tao ang gumawa ng kung anu-anong nakakahiyang mga bagay para lang sumikat at makilala ng lahat. Lahat ginawa nila, mapahubad na larawan man or pekeng balita, lahat ginawa nila mapag-usapan lamang ng mga tao ang pangalan nila. Hindi nalalayo dito ang pagkakaroon niya ng puntos na zero sa kanyang Teacher Qualification Examination.

Namula sa inis si Cao Xiong, "Responsibilidad ng isang guro na gabayan ang kanyang mga estudyante sa tamang landas. Hindi na ako makikipagtalo sayo, tignan na lang natin kung kaninong estudyante ang mas magaling."

Umalis na siya matapos sabihin ang mga katagang iyon.

Habang papalayo siya, narinig niya ang pag-uusap ng isang matandang lalaki at isang babae.

"Maayos naman ang pagtuturo ng guro na iyon. Hindi rin naman masama ang pag-uugali niya."

Narinig niya ang boses ng isang babae. Halatang halata sa boses ng babae na nag-aalinlangan siya sa desisyon niya matapos marinig ang pinagsasabi ni Cao Xiong tungkol kay Zhang Xuan.

"Makinig ka sakin Second Young Mistress. Ipinagkatiwala ka sakin ng Young Master na dalhin ka kay Lu Xun laoshi bago tayo pumunta dito, pero binaliwala mo pa rin lahat ng pinagsasabi ko. Ang masama pa dun, siya ang pinili mong maging guro mo."

Narinig ang boses ng isang matandang lalaki na halata ang pagngingitngit at inis sa kanyang pagsasalita.

"Magaling naman ang guro na iyon...Mabuti siyang tao. Sinabi niya pa nga na… Kung mag-eensayo akong mabuti, pwede akong mag-top sa klase…" Ang sagot ng babae sa matanda.

"Umaasa ka pa ring maging pinakamahusay sa ilalim ng pagtuturo ng taong yon? Kung magpapatuloy ka sa kanya, himala na lang na walang mangyaring masama sayo. Hindi mo ba siya kilala? Siya ang pinaka-walang kwentang guro sa akademyang ito. Zero ang naging puntos niya sa nakaraang Teacher Qualification Examination...Huwag mo nang ituloy ang pag-aaral sa ilalim ng pagtuturo niya. Kapag nalaman ito ng Young Master siguradong papatayin niya ako…" Ang pakiusap ng matanda.

"Si Kuya!"

Nang marinig ng babae ang sinabi ng matanda, nagsimula siyang matakot at mag-alala.

Nang marinig ni Cao Xiong ang pag-uusap ng dalawa, napatigil siya sa paglalakad at bumaling muli kay Zhang Xuan. "Zhang Iaoshi, posible ba na ang estudyanteng tinutukoy mo na na-recruit mo, ay ang dalagang ito? Haha, mukhang hindi umaayon sayo ang mga pangyayari. Mukhang gusto nang umatras sa pagiging estudyante mo ang dalagang ito."

Dahil maaaring mamili ng mga sarili nilang estudyante ang mga guro, binigyan din ng pribilehiyo ang mga estudyante na mamili ng kanilang napupusuang guro.

Kapag sa tingin ng estudyante na hindi nailalabas ng guro nila ang kanilang potensyal, maaari nilang ibalik ang identity token na ibinigay sa kanila ng kanilang teacher.

Nabaling ang atensyon ng matanda at ng dalaga kay Cao Xiong dahil sa lakas ng boses nito.

"Second Young Mistress, siya ba ang guro na sinasabi mo?" Tanong ng matanda sa dalaga habang nakatingin kay Zhang Xuan.

"Oo" Ang tugon ng dalaga.

Dali-daling lumapit ang matanda kay Zhang Xuan at sinabing, "Hindi na magpapatuloy ang Second Young Mistress bilang estudyante mo Zhang laoshi."

"Tatang Liu…" Hindi inasahan ng dalaga ang ginawa ng matanda. Dahil sa pagkagulat, mabilis na humarap ang dalaga kay Zhang Xuan na para bang humihingi ng paumanhin.

Siya si Wang Ying, ang estudyante na tinanggap ni Zhang Xuan.

"Wang Ying, alam mong hindi ako basta bastang tumatanggap ng mga estudyante. Bakit mo gustong palampasin ang isang magandang oportunidad? Alam mo bang maraming naghahangad na maging estudyante ko, kahit na alam nilang tatanggihan ko lang sila?"

Ayaw bitawan ni Zhang Xuan ang pagiging guro kay Wang Ying, lalo na't matinding pangungumbinsi ang ginawa niya magkaroon lang siya ng estudyante. Pinagsabihan niya si Wang Ying na parang isang dismayadong nakatatanda.

"Ano ba naman to..."

Maraming estudyante ang hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Zhang Xuan, lalo na ang mga nakakaalam sa karanasan niya bilang isang guro.

Kuya, baka pwedeng mahiya ka kahit konti? Ano bang ibigsabihin mo na maraming gustong maging estudyante mo...Kitang kita naman na ikaw ang hindi makapag-hanap ng estudyante mo!

"Hindi...ko intensyon na…"

Matapos niyang pagsabihan at paglitanyahan si Wang Ying, halatang nag-aalinlangan na itong tumanggi sa kanya. Pero bago pa man makatapos sa pagsasalita ang dalaga, siya ay napatigil dahil sa biglang sabi ng matanda.

"Hindi na siya tutuloy sa pagiging estudyante mo!" Dahil hindi makapagdesisyon ang dalaga, nagpasyang mangialam ni Tatang Liu, "Zhang laoshi, nagdesisyon na ang Second Young Mistress na hindi na siya magpapatuloy sa pagtuturo mo. Inaasahan kong agad mong aasikasuhin ang proseso ng pag-atras niya sa inyong kasunduan."

"Umaayaw na siya?" Nainis si Zhang Xuan. "Pag-isipan niyong mabuti ang gagawin niyo. Ang pag-ayaw ng estudyante sa pagtuturo ng napili niyang guro ay maaaring mag-iwan ng di magandang reputasyon sa estudyante, at hindi lang iyon, posible ding wala nang guro ang tumanggap pa sa kanya! Sisirain mo ba ang kinabukasan ng iyong amo dahil lang sa katigasan ng ulo mo? Sigurado ka bang kaya mong panindigan ang mangyayari sa kinabukasan niya?"

"Ito.." Napatigil si Tatang Liu.

Maaari ngang umayaw ang estudyante sa kasunduan nila ng isang guro, pero ito ay direktang pang iinsulto sa guro. Kapag minsan na itong ginawa ng estudyante, di malayong gawin niya ito uli. Kadalasan pa, ang mga ganitong estudyante ay nagkakaroon ng masamang record at hindi na tinatanggap ng iba pang mga guro.

Sino ba naman ang tatanggap sa estudyanteng walang pakialam sa karangalan ng kanyang mga guro?

Ang pagtanggap ng isang guro sa ganoong klase ng estudyante ay isang kalapastanganan sa kapwa nito guro. Ang mga guro sa akademyang ito ay magkakaibigan, at hindi magandang desisyon na masira ang kanilang kasamahan nang dahil lang sa isang estudyante.

Kapag hindi nakahanap ang isang estudyante ng guro sa akademya, maaaring masira ang kanyang kinabukasan.

Dahil alam niyang totoo ang mga sinasabi ni Zhang Xuan, Ngadalawamg isip si Tatang Liu sa kanyang mga sinabi.

Sa huli, isa lamang siyang alalay. Hindi siya makapapayag na maisakripisyo ang kinabukasan ng kanyang amo nang dahil lang sa kanyang pagkakamali.

"Huwag kang mag-alala, ang inyong Second Young Mistress ay may taglay na talento. Tututruan ko siyang mabuti para mataas ang makuha niya sa kanyang pagsusulit…" Nang makita niyang pinanghihinaan na ng loob ang matanda, nagpatuloy si Zhang Xuan sa pangungumbinsi niya.

Nagbibiro ka ba! Bakit naman ako papayag na mawala pa sakin ang bagay na nasa mga kamay ko na?

"Sinong nagsabing wala nang tatanggap pa sa kanya? Dalaga, kapag umayaw ka sa pagtuturo ng guro na ito, agad kitang tatanggapin bilang estudyante ko!"

Bago pa man matapos sa pagsasalita si Zhang Xuan, agad naman siyang siningitan ni Cao Xiong.

Tinapakan ni Zhang Xuan ang dignidad niya, kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon na makaganti ay agad niya itong sinunggaban.

"Cao Xiong, anong ibig mong sabihin?"

Nanamlay si Zhang Xuan.

"Anong ibig kong sabihin?" Hindi ka ba nanghihinayang na masasayang ang talento ng etudyanteng ito? Binibigyan ko lang siya ng pagkakataon na maging estudyante ko, sakaling umayaw siya sa pagtuturo mo. Di ba't nagpunta naman talaga dito ang mga estudyante para mag-aral. Natural lang na piliin nila ang pinakamagaling na guro para gabayan at turuan sila, at hindi ang isang gaya mo na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examinations!!"

Natutuwang bumungisngis si Cao Xiong.

"Lantaran mong inaagaw ang estudyante ko, sa tingin mo ba hindi ko ipapaalam to sa Education Bureau?"

Hindi na ito isang simpleng diskusyon lamang, lantaran nang inaagaw ni Cao Xiong ang kanyang estudyante.

Habang hinihikayat ng akademya ang mga guro na pumili ng kanilang mga estudyante, hindi naman nila kinukunsinti ang pang-aagaw ng isang guro sa estudyante ng iba! Hindi lamang nito masisira ang relasyon ng mga guro, kundi pati na rin ang kultura ng buong paaralan.

"Nang-aagaw ng estudyante? Nagmamalabis ka ata. Ganito na lang, bakit hindi tayo magkaroon ng isang kompetisyon? Ibibigay natin ang ating payo sa kanya at hayaan natin siyang pumili ng mag-isa. Tinatanggap mo ba ang hamon ko?"

Ang sabi ni Cao Xiong.


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C1
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank 200+ Classement de puissance
    Stone 22 Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous

    tip Commentaire de paragraphe

    La fonction de commentaire de paragraphe est maintenant disponible sur le Web ! Déplacez la souris sur n’importe quel paragraphe et cliquez sur l’icône pour ajouter votre commentaire.

    De plus, vous pouvez toujours l’activer/désactiver dans les paramètres.

    OK