Télécharger l’application

Isang Araw na Paglalakbay sa Libingan (2)

Translator: LiberReverieGroup Éditeur: LiberReverieGroup

Maya-maya ay ipinikit ni Jun Wu Xie ang kaniyang mata at tila nakatulog ito.

Sa sumunod na sandali, ang pusang itim ay tumayo mula sa kandungan ni Jun Wu Xie

bahagyang ikinilos ang katawan at naglakad na patungo sa pintuang bato.

Nanlalaki ang mata na nakatitig si Poppy at Drunk Lotus, matindi ang gulat sa pusang itim na

ang kilos ay lubusang nagbago. Hindi magawang masiguro iyon, ngunit bigla nilang

naramdaman na ang kanilang Mistress ay naging ang pusang itim na pakiramdam lagi ay

nararapat lamang itong magwala!

"Bantayan ninyo akong mabuti." Pinihit ng pusang itim ang kaniyang ulo at nagbili kay Drunk

Lotus at Poppy.

Ang boses at tono na iyon, kaparehong-kapareho kay Jun Wu Xie!

Sa ilang sandali, ang dalawang ring spirit ay natigagal at walang silang magawa kundi ang

titigan ang malambot at tila walang buto na katawan ng pusang itim na pumasok na munting

puwang sa pintuang bato.

Hindi nagtagal ay ibinaba ni Drunk Lotus ang kaniyang ulo upang masdan si Jun Wu Xie na

nakaupo sa sahig at nakapikit ang mata at napalunok.

Maliit ang anyo ng pusang itim at ang katawan ng mga pusa ay madalas na malambot at

maliksi. Inilipat ni Jun Wu Xie ang kaniyang spirit sa katawan ng pusang itim at hiniram ang

munting anyo na iyon. Pumasok siya sa puwang sa pintunag bato at mula sa pananaw ng

pusang itim, ang puwang sa libingan ng Dark Emperor ay mas naging malawak. Matapos

makalagpas sa pintuang bato, ang mapanglaw na alab ng apoy ay umandap-andap at kumisap-

kisap habang sinisinagan ang katawan ng pusang itim, gumawa ng maliit na anino sa sahig.

Sa loob ng hungkag at malaking bulwagan ay wala maski isang palamuti na makikita kundi ang

isang nakaukit na puting jade na trono na nakalagay sa isang entablado na mayroong hagdan

patungo doon. Ang apat na pader ng malapad at malawak na bulwagan ay nabalot ng mas

buhay na mga mural ngunit ang mga nakaukit doon ay iba sa nasa pasilyo. Ang mga mural ay

puno ng kulay, pinaliwanag ang bawat isang nakaukit at ginawa iyong mas kamangha-mangha.

Ngunit gayunpaman ang kahungkagan ng bulwagan ay tila kakaiba, na naging dahilan kay ang

nag-iisang jade na trono ay naging malungkot.

Tila hindi ito naging pangunahing bulwagan. Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie habang ang

maliksing naglakad sa loog ng nalawak na bulwagan. Sa di-kalayuan, ay nakita niya ang dulo ng

bulwagan kung saan mayroong na namang isang malaking pintuang bato na bahagyang

nakabukas at ninais na lumundag upang sumilip.

Ngunit eksaktong kararating pa lamang niya sa harapan ng pintuang bato, isang malaking

anino ang biglang lumapit sa likod nito!

"Eeh?" isang nagtatanong na boses ang umalingawngaw. Isang munting anyo ang nagbukas ng

napakabigat na pintuan at naglakad papasok.

Isang malinaw at malutong na kalansing ang kasabay ng anyo ng ito'y magpakita,

umalingawngaw iyon sa hungkag na bulwagan.

Itinago ni Jun Wu Xie ang kaniyang sarili sa likod ng malapad na jade na trono, ang

balingkinitan nitong katawan ay nkadiin sa lupa, maingat na minamasdan ang anyo na biglang

nagpakita sa bulwagan mula sa isang bitak sa ilalim ng trono.

Isa iyong munting batang babae na mukhang nasa labindalawang taong gulang at nakasuot ng

itim na damit ang dalawang munting mga paa ay nakayapak habang naglalakad sa malamig na

sahig. Nakapalibot sa sakong nito ang pulseras sa bukung-bukong na may kalakip na batingaw

na malinaw at masayang kumakalansing sa bawat hakbang nito.

Ang pinagtatakhan ni Jun Wu Xie tungkol sa batang babae ay nakasuot ito ng isang itim na

maskara na tinatakpan ang kalahati ng mukha nito. Ang kalahati ng mukha nito na nakahantad

ay hindi masasabing napakaganda maipapalagay na iyon ay kaakit-akit.

Para sa isang batang babae na biglang nagpakita sa libingan ng Dark Emperor, tila iyon ay

nakakpagtaka.

"Nakakapagtaka, tila may nakita ako dito?" Ang batang babae na nakasuot ng bakal na

maskara na tinatakpan ang kalahati ng kaniyang mukha ay nagtatakang nagtanong habang

minamasdan ang paligid sa hungkag na bulwagan. Sigurado siyang mayroon siyang nakita na

anino na dumaan sa kaniyang harapan kaya nasaan na ito ngayon?

"Little Squeak, ikaw ba iyan?" Tawag niya upang malaman kung makakakuha siya ng tugon.

"Squeak!" At isang bilog na anino ang nagtatakbo sa sahig papunta sa kaniya!


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C1348
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous