Télécharger l’application
86.17% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1346: Nagpunta ng Walang Paanyaya (4)

Chapitre 1346: Nagpunta ng Walang Paanyaya (4)

Éditeur: LiberReverieGroup

Ngunit nang tumakbo ang Hell Rodent, ay hindi agad ito umalis, sa halip ay nanatili muna ito

sa isang puwesto na iniisip niya'y ligtas. Bigla itong huminto at ang bilog na katawan nito ay

tumayo habang nakatitig na mga mata kay Jun Wu Xie at walang nakakaalam kung ano ang

tumatakbo sa isipan nito.

Nang akmang gagalaw si Drunk Lotus upang bugawin ito, ay biglang itinaas ng Hell Rodent ang

kaniyang munting mga kamay at sinalat ang kaniyang bibig at namimintog na pisngi.

Isang munting orb ang lumabas sa bibig nito at hinawakan iyon ng munting mga kamy nito

bago inilapag sa lupa. At muli'y minasdan nito si Jun Wu Xie bago ito tumalikod at tumakbo ng

walang pag-aalinlangan, ang munting katawan nito ay mabilis na naglaho sa ilalim ng

mapanglaw na liwanag ng apoy.

"Para saan iyon?" Bahagyang natigagal si Drunk Lotus sa kilos ng munting nilalang.

Itinaas ni Poppy ang kaniyang baba at tumingin kay Drunk lotus at sinabi: " Hindi mo ba alam

ang tungkol sa pagbabayad ng kabutihan sa isang utang?"

Nang sabihin iyon, ay naglakad si Poppy upang damputin ang orb na nababalot ng laway ng

Hell Rodent at dinala iyon kay Jun Wu Xie.

Ang orb ay kasinglaki ng itlog ng pugo, napakaputi nito, ang pisikal na materyal nito ay tila sa

isang jade. Ang labas ng orb ay mayroong napakagandang mga ukit, tila isang ahas ang

nakapalibot sa orb. Ang ulo ng ahas na nakaukit sa gitnang bahagi ay malinaw at ang lugar

kung nasaan ang mata ng ahas ay mayroong tuldok na berde.

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang nakaukit na ahas sa orb at medyo naramdaman niya na ang hitsura

ng ahas ay tila pamilyar.

Bukod sa kulay ng mata, tila katulad ito ng mga Ink Snakes na madalas gamitin ni Jun Wu Yao.

Bukod sa katotohanan na ang isa ay puti at ang isa naman ay itim.

"Ang ganiyang bagay ay nakatago sa bibig ng Hell Rodent? Bakit hindi ko iyon napansin

kanina?" Tanong ni Drunk Lotus, nakaramdam siya ng gulat doon. Hindi gaanong kalakihan

ang orb ngunit para sa isang daga na kasinglaki ng palad, iyon ay malaki. Kung itinago iyon ng

Hell Rodent sa kaniyang bibig, nang hawakan niya ang Hell Rodent kanina ay paniguradong

mapapansin niya iyon.

"Ang Hell Rodents ay mahina sa pag-atake ngunit ang kanilang bibig ay ang pinakamaluwag,

tulad ng Cosmos Sack. Huwag kayong tumingin sa munting hugis ng Hell Rodent. Kung

magtataglay sila ng sapat na kapangyarihan, magagawa nilang lunukin ang isang bundok ng

ginto at pilak. Ang angkan ng Spirit Soul Race ay madalas na ginagamit ang Hell Rodents bilang

kanilang imbakan at hindi na nila kailangan pa mangamba sa kanilang mga kagamitan na

maaring nakawin o agawin sapagkat nagagawa nilang lunukin gaano man karaming bagay at

itinatago nila itong mabuti." Saad ni Poppy habang nakatingin kay Drunk Lotus, may isang

kawalang-pag-asa na ekspresyon sa kaniyang mukha na nagsasabing "ikaw ay isang

ignorante."

Dahil sa tingin na iyon mula kay Poppy ay halos nais ni Drunk Lotus na hatakin ang kuwelyo

nito at makipag-away muli dito.

"Ngunit ayon sa mga nangyari, tila hindi ito naging masama. Ang Hell Rodent ay tila walang

masamang layunin sa Mistress at hindi inaasahan na magrereklamo ito sa kaniyang Master."

Maya-maya ay saad ni Poppy na nakangiti.

Kinuha ni Jun Wu Xie ang orb na may nakaukit na ahas sa kaniyang kamay at dinala iyon sa

kaniyang harapan upang pag-aralan itong mabuti, at isang kakaibang palagay ang pumasok sa

kaniyang isipan.

Nang minsang matisod si Wen Yu sa libingan ng Dark Emperor noon, hindi kaya ang nangyari

sa kaniya ay pareho nang nagyari sa kaniya kung saan nahulog ito ay mayroong bitag na nasa

ilalim at nang ito'y mahulog at napindot ang suwits ay bigla itong nahulog sa libingan ng Dark

Emperor?

At ang Soul Calming Jade ay ibinigay sa kaniya ng Hell Rodent na iyon mismo?

Kung lahat ng ito'y tama, kung gayon nasisiguro ni Jun Wu Xie na ang taong nagdala kay Wen

Yu patungo sa Heaven's End Cliff ay ang Master ng Hell Rodent!

Ang taong iyon ay hindi sinaktan si Wen Yu at sa halip ay dinala ito palabas. Kung

pagbabasehan iyon, ang pag-uugali ng taong iyon ay hindi mabagsik.

Sa ganoong isipin sa kaniyang utak, itinago ni Jun Wu Xie ang orb at nagpatuloy na.

Matapos ang mahaba-habang paglalakad, sa wakas ay nakarating sila sa daan kung saan

nahati ito sa dalawa. Ang isang daan ay patungo sa isang walang katpusang pasilyo na may

mga barakilan at poste na nakatayo sa karaniwang agwat habang ang isa naman ay isang

napakalaking pintuang bato!


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C1346
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous