Ngunit ang bote ng likido na ibinigay ni Lei Chen kay Lei Xi ay dumurog sa natitirang pag-asa ng
Emperatris.
Hindi maintindihan ni Lei Xi kung bakit ginagawa ito ni Lei Chen.
Itinaas ni Lei Chen ang kaniyang ulo habang nakatitig sa mga kawal, pianlibutan silang dalawa ni Lei Fan.
Sa kaniyang puso, mapait siyang tumatawa sa kaniyang sarili.
Ang Emperador ay malinaw na narinig ang katotohanan sa kataohan ni Lei Fan ngunit pinili pa rin nitong
palampasin ito. Ngunit ng isiwalat ng Emperatris ang kaniyang katauhan ay hindi man lang nagdalawang
isip ang Emperador tungko nsa kaniyang katauhan.
Walang kahit anong tanong, kahit isang pagkumpirma man lang sa katotohanan bago paniwalaan ang
sinabi nito!
Gaya ng inaasahan, wala siyang puwang sa puso ng Emperador.
Ang maliit na pag-asa ng kaunting pagmamahal mula sa kaniyang ama ay nadurog ng tuluyan.
Ang mga kawal ay tumayo sa tabi ni Lei Chen at makikitang huhulihin na si Lei Chen ano mang sandal.
Ngunit, sa puntong iyon, isang malamig na boses ang bumasag sa paligid.
"Ang kamahalan ay hindi matitinag sa kaniyang mga naging hatol."
"Sino iyan?" ang pagod na Emperador ay lumingon upang tingnan ang pinanggalingan ng boses. Nakita
niya si Jun Xie na nakatayo sa isang sulok ng silid. Walang kahit isa sa kanila ang nakapansin sa pagpasok
ni Jun Xie sa silid!
Malakas na suminghap ang Emperador nang makita si Jun Wu Xie at biglang nataranta.
"Jun Xie! Paano ka nakapasok ditto?" tanong ng Emperador kay Jun Xie.
Dahan dahang naglakad palapit si Jun Wu Xie at tiningnan ang paligid, "Narinig ko na hinahanap ako ng
kamahala, kaya naparito ako."
"Yuan Biao! Yuan Biao! Hulihin siya!" sigaw ng Emperador na biglang tumayo sa kaniyang pagkakaupo. Si
Jun Wu Xie ay isang tinik sa kaniyang puso! Kung madidistpatsa niya si Jun Wu Xie at makuha ang
singsing ng Imperial Fire, saka lamang siya mapapanatag.
Mabilis na umatake si Yuan Biao kay Jun Wu Xie!
Ngunit bago pa makalapit si Yuan Biao kay Jun Wu Xie, isang putting pigura ang nakatayo sa harap nito.
Ginamit lamang ng putting pigura ang kamay nito para harangin ang atake ni Yuan Biao bago ito
tumilapon sa ere!
Nagsuka ng dugo si Yuan Biao nang bumagsak ito sa sahig.
Hindi makapaniwal ang Emperador sa nakita. Nakita niya ang isang matipunong lalaki na nakasuot ng
putting damit sa harap ni Jun Wu Xie. Ang pisngi nito ay bahagyang namumula.
"Matagal na akong walang ginagawa. Mabuti at dumating ang pagkakataon na ensayo ako ng kaunti."
Saad ng Drunk Lotus habang nakatingin kay Yuan Biao na patuloy pa rin sa pagsuka ng dugo.
"Isang walang kwentang peste na katulad mo ay malakas ang loob na saktan ang aking amo?"
Kahit hindi si Yuan Biao ang pinakamalakas sa Fire Country, isa naman siya magagaling na mandirigma.
Kaya walang nag-akala na ang nirerespetong pinuno ng mga kawal ay mabili na napatumba sa isang
galaw lamang, at nagsuka pa ng dugo! Hindi sila makapaniwala sa nasaksihan!
Ang Emperador ay walang maisip na gawin. Sa puntong iyon, napansin niya si Lei Chen na lumakad
palapit kay Jun Wu Xie.
"Lei Chen!"
Tumayo sa tabi ni Jun Wu Xie si Lei Chen.
Tumaas ang isang kilay ni Jun Wu Xie habang tiningnan ang natatakot na Emperador bago nilipat ang
tingin sa punong ministro na nanatiling nakaluhod sa sahig, kay Lei Fan na nanginginig pa rin at sa hindi
maipintang mukha ng Emperatris. Dahan dahan niyang ibinuka ang bibig upang magsalita, "Nagustuhan
mo ba ang palabas ni ginawa ko para sa iyo, kamahalan?"
"Ano ang sinasabi mo…" sumasakit ang puso ng Emperador dahil sa mga nangyayari.