Télécharger l’application
57.1% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 892: Ring ng Imperial Fire (3)

Chapitre 892: Ring ng Imperial Fire (3)

Éditeur: LiberReverieGroup

Datapwa't malayo ang loob ng Emperor kay Lei Chen, itinuturing pa rin niya itong sariling anak at nais lamang nya na bumaba siya sa kanyang katungkulan bilang Crown prince. Ngunit hindi niya ninais na kitilin ang buhay ni Lei Chen. Ngunit ito ay naiiba sa kalagayan ni Jun Xie.

"Ngunit sa paguugali ng kaniyang Majesty, hindi maaaring mailigtas ang buhay ni Jun Xie. Ang tanging paraan lamang ay lisanin niya ang lupain ng Fire Country upang siya ay maligtas." 

Si Lei Chen ay nagulat at kahit sa panaginip ay hindi niya inaaasahan na ang di kapansin pansin na singsing sa daliri ni Jun Xie ay ang pinag-uusapang Ring of Imperial Fire of the Fire Country.

" Maaari… Maaaring si Jun Xie kaya ang angkan ng nakatatandang kapatid ng pumanaw na Emperor?"Nanlaki ang mga mata ni Lei Chen.

Umiling si Wen Yu: " Hindi ko matiyak kung ito ay totoo. Ang tanging alam ko lamang na ang Ring of Imperial Fire ay ang naiwang singsing ng Emperor na nagtatag ng Fire Country at ito ay pnanday at pinakinis. Hanggang sa maipasa ng mga sumunod na henerasyon ng mga namunong Emperor, Kapag wala nang namamahay na spirit sa isang spirit ring, ito ay ipinapasa sa bagong henerasyon na mamumuno upang ito ay papandayin. At mula rito, pinangalanan itong Ring of the imperial Fire. Ako ay napapaisip, kung hindi man nagmula si Jun Xie sa angkan ng nakatatandang kapatid ng pumanaw na Emperor, maaaring sila ay may ugnayan dahil nasa kanya ang Ring of the Imperial Fire.

Si lei Chen ay napatigil habang nakatingin kay Wen Yu at bigla na lamang humalakhak.

."Ha ha ha! Ha ha ha! Ang Heavens ay nasa aking panig! Heavens ay nasa aking panig!"

Si Wen Yu ay napaisip habang nakatingin kay Lei Chen na tumatawa na parang nahihibang at bigla siyang nakaramdam ng pagkabalisa.

" Ikaw nga Your Highness…"

Tumigil si Lei Chen sa paghalakhak at lumingon kay Wen Yu upang sabihin " Walang nananalaytay na dugong Imperial Family sa aking pagkatao maging si Lei Fan. Ako bilang Crown Prince ay hindi tunay na anak at si Lei Fan ang laging napupusuan ng aking ama upang maging tagapagmana ng trono. Ang aking pangalawang kapatid ay mahina! Ang aking pangatlong kapatid ay mahiyain at silang lahat ay hindi nararapat magmana ng trono! Hindi ako kailanman naghangad sa trono. Ang aking ipinaglalaban ay ang hindi patas na pakikitungo na aking naranasan. At ipinadala ng Heavens si Jun Xie sa aking harapan upang ako'y matulungan na makamit ang aking ninanais!?Si Jun Xie ang nagmamay ari ng Ring of Imperial Fire at siya ang totoong tagapagmana. Ha!ha! Tutulungan ko si Jun Xie upang makuha ang trono ng Fire Country! Nais kong makita ang nakakaawang mukha ng aking ama na isang talunan, at sa buong akala niya ay makakamtam na niya ang tagumpay.

 Si lei Chen ay nanggigigigil nang sinabi niya ang mga salitang iyon. Bakit niya kailangan maging sunud sunuran at paikutin ng ibang tao magmula ng siya ay ipinanganak. Bakit niya nararanasan ang paghihirap ng walang katarungan? Gusto niyang gumanti! Katarungan para sa hindi makataong pagtrato sa kaniya!

" Lei Chen! Ikaw ba ay nagagalit?" Nasa kaalaman ni Wen yu na matindi ang galit ni Lei Chen sa Emperor, sa Empress at kay Lei Fan. Ngunit hindi niya inaasahan ang pasiya ni Lei chen na tulungan si Jun Xie upang makuha ang trono ng Fire Country.

"Ngunit hindi madaling gawin ang gusto mong mangyari, Maaring hindi rin pumayag si Jun Xie. Your Highness, hindi mo nga kayang alagaan ang iyong sarili, paano...Biglang napahinto si Wen yu sa pagsasalita habang siya ay nakatingin kay Lei Chen ng may tanong sa isip.

Sa halip sinabi ni Lei Chen: " Nais ng aking Ama na alisin ang Crown prince dito, hayaan natin siya! Wala akong pakialam! Ha ha, Hindi rin magtatagal si Lei Fan na nakaupo sa Trono! Nakikita na ni Lei Chen ang mangyayari. Nang dahil kay Jun Xie, makakamit na niya plano niyang paghihiganti, at wala na siyang pakialam sa kaniyang puwesto bilang Crown Prince.

Hindi niya ninais kailanman mapunta sa kaniya ang trono, nais lamang niyang mapunta sa impiyerno ang mga taong nagnanais na siya ay kontrolin.

" Your Highness! Sa tingin mo ay hahayaan si Jun Xie ng kaniyang Majesty upang manatili sa Fire Country? Kung hindi siya aalis, ang kaniyang Majesty ay hindi magdadalawang isip na siya ay patayin!"Walang nagawa si We Yun kundi Buhusan ng isang timba ng malamig na tubig si Lei Chen.

Isang nakakahindik na tawa lamang ang kanyang pinawalan at sinabi: Kahit walang ibang nakakaalam, alam ko ang kakayahan ni Jun Xie. Naniniwala ako na hindi siya mapapahamak sa masamang plano na aking Ama.


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C892
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous