Tumingala si Ning Rui. Bagaman kinakabahan siya, hindi siya nagtangkang tumingin sa kung saan. Bagaman mukhang kasing edad lang ng binata ang kanyang namatay na anak, alam niya kung gaano ito kalupit.
Ang pagpatay para sa kanya, ay parang pagkain lang, at wala itong bigat na naidudulot sa kanya.
Kahit si Ning Rui ay walang lakas ng loob na magmataas sa harap ni Gu Ying.
"Ano kaya ang sasabihin ng iba?" Sinabi ni Ning Rui, masunurin ang boses.
Tumalon si Gu Ying pababa, at lumitaw siya sa harap ni Ning Rui. Isang matalas na kutsilyo ang natulak sa leeg ni Nign Rui, at nasugatan siya ng kaunti.
Bumilis ang pagtibok ng puso ni Ning Rui. Masyadong mabilis si Gu Ying, hindi niya nakita na lumapit ito sa kanya!
"Bakit? May hindi ka ba gustong sabihin sa akin?" Nakita ang takot ni Ning Rui sa mga mata ni Gu Ying, at nang ang amoy ng dugo ay masinghot niya, natuwa si Gu Ying.
"Hindi… Hindi, bakit naman?!" Basang basa sa pawis si Ning Rui. Kundi dahil sa pagnanais niyang maghiganti para sa kanyang pumanaw na anak, hindi siya lalapit sa mga demonyo.
Ang may masamang hangarin na Ning Rui ay, sa harap ni Gu Ying at ng mga kasama niya, ay may takot lang.
Tinaas ni Gu Ying ang kanyang mga kilay at inapakan si Ning Rui.
"Ano? Sabihin mo na. Hindi ako interesadong makita kang maihi." Sinabi ni Gu Ying habang linalaro ang kutsilyong hawak niya.
Ang matingkad na patak ng dugo, ay nakita sa mga mata ni Gu Ying, na mukha talagang demonyo, na lumabas mula sa lawa ng dugo.
Ang mga laman loob ni Ning Rui ay muntik nang lumabas sa apak ni Gu Ying, ngunit hindi siya umimik, at napahawak nalang sa kanyang tiyan. Pinilit niyang tumayo, at linabas ang kahon mula sa kanyang bulsa.
Sa pagkakataong makita ni Gu Ying ang kahon, nag-iba ang kanyang tingin.
"Ano? Nang ibigay namin iyan sa iyo, sinabi naming hanapin mo ng maayos, ngunit paulit-ulit kang umayaw at nagpigil. Kundi dahil sa tulong ng mga Tanda para maisalba ang iyong buhay, pinatay na kita noon. At para dalhin mo iyan ngayon, ano ang ibig sabihin nito?"
"Hindi ako nagpipigil o umaayaw. Marami na akong pinadalang mga grupo sa Heaven's End Cliff, ngunit namatay silang lahat sa baba ng talampas. Paano ko babalewalain ang mga utos niyo? Ngunit ang Heaven's End Cliff ay napaka delikado." Agad na sinagot ni Ning Rui.
"Hindi ako interesado sa walang kwenta mong sabi-sabi." Sinabi ni Gu Ying.
Kinilabutan si Ning Rui: "Alam kong nagaatubili ang mga Ginoo sa paglalakbay sa Heaven's End Cliff. Matapos itong pag-isispan, may naisip akong ideya. Makikinig ba kayo?"
Tumango si Gu Ying.
"Ang Heaven's End Cliff ay hindi malalakbay ng isang normal na tao, ngunit ang mga disipulo ng Akademya ay may kakayahan kapag magkakasama. Kung magagawa nating pababain ang lahat ng disipulo, baka maintindihan natin ang gawa ng baba ng talampas sa maikling panahon lang." Binilin ni Ning Rui.
"Kung gagana iyon, edi gawin."
Agad na sumagot so Ning Rui: "Matagal ko nang balak gawin ito, ngunit Pangalawang Punong Tagapagturo lang ako, at wala akong hawak na kapangyarihan sa Akademya. Napagusapan na namin ito ng Punong Tagapagturo, at matigas ang kanyang ulo. Dahil rin ito sa aking kawalan ng kakayahan at hindi ko mapagalawa ang buong lakas ng akademya. Humihingi ako ng tawad!"