Hindi napansin ni Jun Wu Xie na may nakakalasong ahas ang nagbabalak laban sa kanya. Linalasap lang ng kanyang mga mata ang mga nakikita niya sa Akademya ng mga Spirit Healer, at tinatandaan ang mga ito.
Hindi siya nagpunta sa Akademyang Zephyr para matuto sa kanila, at hindi rin para makipag-away sa kung sino mang nandoon. Kung hindi niya nakitang magagamit ang pamamaraan ng Spirit Healing, pinili nalang sana niya na sayanngin ang kanyang oras sa pakultad ng Beast Spirit habang naghihintay sa pagdating nila Qiao Chu.
Ang mapagwalang-bahala niyang ugali pa ang rason kung bakit, matapos ang isang araw palang, ay kilala na siya sa buong akademya, at hindi niya ito inasahan.
Ang pag-aaral ng Spirit Healing ay nagaganap sa loob ng gusali ng pakultad. May limang palapag ang gusali at sinundan niya ang mga direksyong binigay sa kanya ng nakaraang gabi na dumeretso sa pinakamataas na palapag, sa opisina ni Gu Li Sheng.
"Nasanay ka na ba?" Tinanong ni Gu Li Sheng, na may tagal nang naghihintay. Nakaupo siya sa likod ng kanyang mesa at nakangiti kay Jun Wu Xie.
Tumango si Jun Wu Xie.
Nasanay na? Wala pa siyang nakakasalubong na manggugulo sa kanya.
Nung nakaraan, kahit saan siya magpunta, walang pinagkaiba ang mga ito sa kanya. Ngunit pag kasama ang Tatay at anak ng Jun, maliban sa Palasyo ng Lin, parehas lang ang ibang lugar.
"Mabigat ba sa iyong loob na inalok kang sumali sa pakultad ng Spirit Healing?" Tinanong ni Gu Li Sheng ng nakangiti.
Nag-isip muna si Jun Wu Xie bago sumagot: "Magagamit ko ang Spirit Healing."
Natawa ng malakas si Gu Li Sheng, hindi niya napigilan ang kanyang sarili. Aasarin lang sana niya ang bata ngunit nagulat siya sa seryosong sagot nito.
Nagmukhang hindi importante ang damdamin sa bata, kaya nama'y hindi ito mabibigatan ng loob, diba?
Ang pakultad ng mga Spirit Healer ay nakita lamang ng bata na magagamit niya at Si Gu Li Sheng ang nabibigayan ang nabigatan ng loob.
"Dahil magagamit mo ito, aralin mo ng mabuti. Sabihin mo sa akin kung ano man ang alam mo tungkol sa Spirit Healing sa ngayon." Tinanong ni Gu Li Sheng ng nakahalukipkip, at nakatingin kay Jun Wu Xie ng hindi natitinag. Ito ang unang pagkakataon, sa tagal ng panahon mula ng simulan niya ang Spirit Healing, na hindi siya sumunod sa nakagawian at tumanggap ng disipulo bago pa matapos ang pagpapalista at ang bata lang ang disipulong tinanggap niya noong taong iyon. Kinausap siya ng punong tagapagturo at ng pangalawang punong tagapagturo kahapon, ngunit hindi nagbago ang kanyang isip.
Mas pipiliin niya ang isang mahusay na disipulo kaysa marami na hindi mataas ang aabutin.
Tinitigan ni Jun Xie si Gu Li Sheng na nagaabang sa isang mahabang usapan at kalmadong sumagot: "Wala."
"....." Kumapit ang ngiti ni Gu Li Sheng sa kanyang mukha. Nagtaka siya kung tama ba ang kanyang pagkakabasa.
"Wala.. kahit kaunti?" Tinanong ni Gu Li Sheng na nagulat. Masarap sa tenga ang kakaibang sagot niya!
Sa lahat ng mga disipulong pumunta sa Akademyang Zephyr, wala sa kanila ang walang alam tungkol sa mga Spirit Healer. Saang bato nanggaling ang batang ito?
Tumango si Jun Wu Xie at pinakitang hindi siya nagbibiro.
Bumagsak ang mukha ni Gu Li Sheng sa kanyang mga kamay, nagtataka kung may mali ba sa kanyang mga mata.
"Sige." Huminahon na si Gu Li Sheng. Inipon niya lahat ng kanyag lakas para mapanatili ang kanyang pagpapakitang tao na isang mabait at kaaya-ayang guro at dahan-dahang nagpatong ng isang libro sa harap ni Jun Wu Xie.
"Nakasulat diyan ang mga pangunahing kaalaman ng Spirit Healing. Magagamit mo iyan."
Kinuha ito ni Jun Wu Xie at nagsimulang magbasa. Mabilis ang paglipat niya ng mga pahina.
Manipis lang ang libro at naka-ilang ulit si Jun Wu Xie sa pagbasa dito. Nakabisa na noya lahat at pinatong ang libro sa mesa.
Pinagmasdan ni Gu Li Sheng si Jun Xie sa kanyang pagbabasa at agad ring pagbalik ng libro sa mesa. Hindi tumagal, napagtanto niyang hindi niya maisip ang tamang sagot sa ga kilos ni Jun Xie.
Tinitigan niya ang libro sa mesa, at tinitigan si Jun Wu Xie.
Tinitigan rin lang siya ni Jun Wu Xie, walang ekspresyon ang mukha.