Télécharger l’application
11.52% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 180: Might of the Qing Yun Clan (2)

Chapitre 180: Might of the Qing Yun Clan (2)

Éditeur: LiberReverieGroup

"Ang sadya ng ating paglaalakbay ay hindi lamang para kay Miss Yun Xian, kundi para na rin bawiin ang bagay na gusto ng ating Clan Chief. Eldest Miss, matagal na din na hindi ka lumalabas, mabuti pa sigurong lumabas ka kahit saglit para makalanghap ng sariwang hangin." Natatawang sabi ng matandang lalaki.

Ngumiti lang ang babaeng naka-asul at hindi tumugon sa sinabi ng matanda.

Habang sila ay dumadaan sa kalsada, nasa kanila ang buong atensyon ng mga tao. Sa ikalawang palapag ng isang restaurant ay nakaupo si Jun Wu Xie sa may bintana at nakababa ang tingin sa kumboy ng mga karwahe na kakapasok lang ng Imperial City.

"Qing Yun Clan." Nagsalubong ang mga mat ani Jun Wu Xie. Sampu lahat ang karwahe, hindi kasama sa bilang ang mga kutsero na nagpapatakbo sa kabayo. Ang bawat karwahe ay may lamang hindi lalagpas sa dalawang tao kada isa.

"Sabi ni Bai Yun Xian, nasa sampung tao ang darating galing sa Qing Yun Clan, at ang kanilang pinuno ay ang anak ng Qing Yung Clan's Sovereign, Qin Yu Yan. Ang umaalalay dito ay isang matanda na si Jiang Chen Qing at walo pang mg disipulos. Sila ay may escort na labinlimang mga dalubhasa na hindi kabilang sa clan." Saad ni Mo Qian Yuan na nasa kaniyang tabi at sinisugurado ang listahang ibinigay sa kanila ni Bai Yun Xian. Kilala ang Qing Yun Clan sa medisina, maraming mga makapangyarihang tao ang gusto silang kunin. Ang labinlimang dalubhasa na kasama nila ay maaaring nanggaling sa mga ito.

"Walang alam si Bai Yun Xian sa labinlima, ngunit binigyan niya tayo ng detalyadong impormasyon sa mga tao ng Qing Yun Clan. Nasira na ni Jiang Chen Qing ang blue level barrier gamit ang kaniyang contractual spirit, ang level na minsan mo lang makita. Bukod sa kaniya, ang ibang Qing Yun Clan disciples ay naabot naman ang yellow level at higit pa. Nagpadala ang Qing Yun Clan ng malakas na pwersa ngayon, sila ay nagpapakilos ng blue spirit, malamang na ang labinlima pa nilang kasama ay hindi nalalayo kay Jiang Chen Qing."

Tahimik lang na nakinig si Jun Wu Xie at nag-isip. Ayon sa pamantayan ng bilis sa pagsasanay, para masira ng isang tao ang blue level barrier, siya dapat ay higit sa edad na isang daan. Ngunit ayon naman kay Bai Yun Xian, ang edad pa lang daw ni Jiang Chen Qing ay sitenta. Galing sa red level patungong blue ay napaiksi niya ang panahong kailangan para magawa ito. Ito ay likas na pinagpala!

Wala pang exponent na galing sa Kingdom of Qi ang nakakagawang sirain ang blue level barrier. Ang kaniyang tiyuhin ay pinagpala din naman at ang nakaya lang nitong abutin ay ang yellow level. Ang kaniyang lolo ay nahirapan green level sa higit na dalawang dekada at hindi nagawang abutin ang blue.

Galing sa green papuntang blue, maaaring isang level lang ang ipinagkaiba nito, ngunit para sa isang hindi pinagpala, aabutin sila ng animnapung taon.

Para sa isang normal na tao, kahit na agad nilang magigising ang kanilang contractual spirit, sila ay masusing nagsasanay araw-araw. Sila ay aabutin ng edad na isang daan at pito para maabot ang green level spirit. Idagdag pang hindi sila nagkaroon ng paghihirap na masira ang lahat ng level ng barriers at umangat patungo sa susunod na level bago nila maabot ang green.

Kapag nagkaroon pa ng mga sakuna sa pagsira ng mga barrier, mapapahaba lalo ang kanilang oras.

Maaaring madali ang magpalaki ng contractual spirit dahil buong konsentrasyon lang ang kailangan ditto. Ngunit ang sumira ng barriers ay sumira din sa mga pangarap at pag-asa ng karamihan.

Hindi kailangang ikaw ay lubos na pinagpala para magpalaki ng contractual spirit, ngunit ito ay malaking tulong sa pagsubok na sumira ng barriers.

Marami naman anng naglaan ng halos kalahati ng kanilang buhay sa pagsasanay at ang tanging nakamit lang ay ang orange level spirit.

Napakagat si Jun Wu Xie sa kaniyang labi habang nag-iisip. Ang kaniyang spirit ay level red one. Kahit na nagpapahiwatig itong maaabot niya na ang orange level, sa harap ng blue spirit siya ay matatalo sa isang kisapmata lang.

Hindi iyon sapat!

Hindi sapat ang lakas nito!

Madali lang na nagpagalaw ng blue spirit ang Qing Yun Clan, at ang pinakamagiting sa kanila ay tumaya sa kaniyang harapan. Siya ay nagsimula nang kabahan at nauubusan na din siya ng hininga.

Ang might of Qing Yun Clan ay naagpatigil sa puso ni Jun Wu Xie. Umiiwaas ang Qing Yun Clan na sumalungat sa kanila ang Jun Family.


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C180
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous