Noong unang magsimulang magsalita si Duan Ling Tian, ang mga manunuod ay napanganga.
Si Duan Ling Tian ay masyadong walang-takot, naglalakas-loob na galitin si Zhang Ji Long nang ganoon!
At saka, ano'ng ibig niyang sabihin sa huli niyang pangungusap?
Bakit niya tatanungin kung si Zhang Ji Long ay ang ika-anim sa Thirteen Gangsters?
Maliban na lang... Gusto niyang...
Ang mga manunuod ay hindi naglakas-loob na magpatuloy na isipin iyon. Lahat sila ay tinaasan ng balahibo, iniisip na si Duan Ling Tian ay baliw! Wala sa tamang pag-iisip!
Ang Latent Dragon Camp ay kinalap ang nangungunang mga kahanga-hanga sa nakapaligid na mga lugar sa Mound Hill City.
Si Zhang Ji Long ay kayang maging numero unong tao na nasa Intermediate Mortal Shedding Stage sa Latent Dragon Camp. Sa isang punto, siya ay maituturing na nangungunang tao as Intermediate Mortal Shedding Stage sa nakapaligid na mga lugar sa Mound Hill City.