"Brother Ling Tian!" Habang kaharap ang malakas na puwersa, nagawa ni Han Xue Nai na pilitang mahawakan ang kanyang sarili. Malaki ang pinagbago ng kanyang ekspresyon noong napagtanto niya na nahuli si Duan Ling Tian sa malakas na puyo ng tubig.
Walang pagdadalawang-isip, mabilis siyang lumipad patungo sa malakas na puyo ng tubig.
Sa parehas na sandali, isang kakaibang hiyas ang lumitaw sa kanyang kamay.
Winasak niya ang hiyas na ito sa sandaling lumitaw ito. Isang sinag na mayroong pitong kulay ang lumitaw at sumugod sa langit.
Ang sinag na mayroong pitong kulay ay sumugod sa langit at naglaho lamang matapos ang mahabang oras.
Bang!
Noong sumugod si Xue Nai sa puyo ng tubig, hindi siya naapektuhan ng puwersang humihigop. Mayroong patong ng light shield na bumalot sa kanyang katawan na humihiwalay sa tubig dagat sa kanyang paligid. Nagawa niya pa rin makontrol ang kanyang galaw kahit na nasa loob siya ng puyo ng tubig.