Tumango si Duan Ling Tian kay Su Li bago siya tumingin muli sa Sword 13 at mahinahon na sinabi, "Iginagalang ko ang iyong desisyon. Ginoo, Kung magpasiya ka na umalis sa Blade Sect kasama si Su Li, mayroon akong nais ibigay sa iyo… isang bagay na higit sa imahinasyon.
"Uncle Feng, Tian Wu, tara na." senyas ni Duan Ling Tian kayla Feng Wu Dao at Feng Tian Wu bago umalis sa kalangitan sa taas ng lupain ng Blade Sect.
Matapos umalis ni Duan Ling Tian at ng dalawa pa, ang kapaligiran sa taas ng kalangitan sa lupain ng Blade Sect ay maigting sa mahabang panahon.
"Sect Leader, Napag-isipan ko na ito ng ilang beses, at nagpasiya ako na umalis na sa Sect." Tumingin si Sword 13 sa Sect Leader ng Saber Sect at yumuko habang sinasabing, "Simula ngayon, ang tao na may pangalan na Sword 13 ay hindi na umiiral. Su Li, tara na."
Nang matapos ni Sword 13 ang kaniyang pagsasalita, lumipad na siya palayo.