Si Duan Ling Tian ay hindi nagkaroon ng oras na magkaroon ng reaksyon. Ang bilis ng matandang lalaki sa tabi ni Lu Song ay napakatindi.
Isang kisapmatat lang, ang mundo sa paningin ni Duan Ling Tian ay nababad sa pulang liwanag. Na para bang siya ay nakatayo sa dagat ng mga apoy. Ang nagliliyab na aura na patungo sa kaniya ay pinatulo ang pawis mula sa kaniyang noo patungo sa kaniyang mukha.
'Bang!'
Nang tumunog ang isang malakas na pagsabog, nakapansin si Duan Ling Tian ng isang pagyanig sa dagat ng mga apoy bago ito maglaho. Nagsimula itong lumiit sa harap ng kaniyang mga mata.
Kumalaunan, ang dagat ng pulang mga apoy ay naglaho hanggang sa ito ay maglantad ng silweta ng isang tao. Ito ay isang matandang lalaki na ang katawan ay nababalot ng mga apoy.
Gayunpaman, ang mga apoy sa katawan ng matandang lalaki ay bahagyang naubos at mahina na ngayon.
'Wa!!'