Sumandal si Luo Feng at ipinatong ang kanyang mga binti sa lamesa. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nireview ang kanyang mga nabasa tungkol sa mga universe master at supreme master.
"Mayroong mga pagkakaiba sa lakas na mayroon ang mga universe master, at magiging mahirap para sa isang universe master na pumatay ng isa pang universe master maliban nalang kung malaki talaga ang pagitan sa lakas nilang dalawa. Para naman sa mga supreme master, mas malakas ang mga ito nang kaunti kaysa sa pinakamalakas na universe master, pero naging pambihira ang mga ito. Isa lang ang supreme master sa lahi ng sangkatauhan at ito ay walang iba kundi ang nagtayo sa Huge Axe! Sabagay, paparusahan sila ng kalawakan sa sandaling pumatay sila ng mga universe master… na magpapahirap sa mga universe master na mamatay!"