Habang nababalot ng Nine Tiger River, umabante ang Golden Horned Beast at pumasok nang dahan dahan loobang bahagi ng Secret Region.
Sa malayong bahagi ng kadiliman…
"Papunta na ang Golden Horned Beast na iyon sa palasyo ng master! Kailangan nating siyang pigilan. Hindi natin siya puwedeng hayaan na istorbihin si Master!"
"Silver Dragon, maging ako ay walang kakayahan na pigilan siya. Paano ka pa kaya."
"Maaaring hindi ko nga siya mapigilan, pero Black Sky… siguradong magagawa mo itong pigilan. Maaaari ngang magkapantay ang ating mga lakas pero mas malaki naman ang undying mong katawan kaysa sa akin! Maaari mo itong gamitin para kulitin siya at mapabagal sa pagabante! Pero nagawa mo nang umatras matapos mong matalo. Alam mo ba na hindi dapat maistorbo ang payapang lugar ni Master? Pero nagawa mong kunsintihin ang ginagawang pagpasok ng Golden Horned Beast na iyon sa palasyo ni Master!"