Isa itong napakalawak na Ice World.
Hua! Matapos lunukin, Nakaramdam si Luo Feng ng isang kakilakilabot na puwersang tumama sa kaniyang katawan. Para itong isang dambuhalang bundok na bumagsak sa kaniya. Sa loob ng isang pagpagaspas ng kaniyang mga pakpak, nagawa nyang malabanan ang puwersa at lumutang sa gitna ng eere habang nakatingin sa napakalaking mundo na binabalot ng yelo.
"Ito na ang Ice Hell?" Tingin niya sa paligid.
Parang may trilyon trilyong mga hindi makikitang blade ang space sa paligid nito na nakapagpapayanig sa buong lugar nang paminsan minsan.