2,000 taon, 2,100, 2,200…
Tumaas nang tumaas ang level ng pagiisang nagaganap sa pagitan ng kristal at ng kaluluwa ni Luo Feng. Mas pinatindi pa nito nang pinatindi ang sakit na kaniyang nararamdaman. Hindi lang ito isang pangkaraniwang sakit kund isang uri ng pagpunit sa kaniyang kaluluwa. Sa oras na marating nito ang limit, agad na mapupunit nang tuluyan ang kaniyang kaluluwa! Pero habang papalapit ito nang papalapit sa limit, nagfocus si Luo Feng sa kaniyang isipan, nakatulong ito sa paghuhubog niya sa kaniyang isipan at magimprove nang mas mabilis.
2,300 taon, 2,400, 2,500, 2,600…
"2,600 taon na ang nakalilipas."