Sa loob ng shrine.
Tumingin si Pu Ti pababa kay Luo Feng "Anak, ikaw ang pinakamahusay na nanggaling sa Daigdig. Nagawa mon ang ipasa ang maraming mga lihim na pagsusulit noon, tanging ang daanan na nasa gitna ng buhay at kamatayan ang huling pagsubok na nasa iyong harapan. Sa oras na magawa mong mabuhay, ikaw na ang magiging tunay na pinuno ng mga tagaDaigdig! Magkakaroon ka na ng tiyansang maging isang super power sa kalawakan o magkaroon ng posibilidad na umabot sa level ng guro."
"Pagabot sa level ng guro?" Nagulat dito si Luo Feng.
Ang nilalang na iyon…ay isa sa mga tinitingalang nilalang sa buong kalawakan, at tanging ang taong nagtayo lamang sa Huge Axe Dojo ang miyembro ng Hong alliance na pumapantay sa kaniya.