Tumingin si Luo Feng sa kanyang paligid. Gawa ang buong kuwarto na ito sa G grade metals na sinamahan pa ng misteryosong mga engravings, kaya magiging imposible ang paglabas ng kahit na sino rito.
"Ano ang binabalak mong gawin, sinaunang nilalang!" ikinaway ni Gold Cang ang kanyang lightning pike at galit na tumitig kay Qiu Chi Ka.
Nanlalamig ding tumingin ang ibang mga emperor dito.
Kahit na natrap sila sa loob, hindi naman nagalala masyado ang mga fighters dahil magagawa pa rin nilang magteleport gamit ang kanikanilang mga god country palabas. Hindi lang talaga sila nagtitiwala sa isa't isa at parepareho pa ring nagaasam na makuha ang kayamanan. Kaya hindi sila nagpaplanong umalis agad sa lugar na ito.
Sa mga sandaling ito…
Sa labas ng kuwarto.
Masbilis na lumipad palapit ang dalawang mga beams ng ilaw ang huminto sa labas ng kuwarto. Sila ay ang mga sinaunang nilalang na sina Men Bu at La Di Mo.