Matapos tuluyang makita at makuha ang mga kayamanang iniwan ng binatang Na Shi, kumalat ang mga gamit sa loob ng higit 10,000km na area ng isang napakalawak na damuhan.
Kahit na masyado itong marami, iilan lang ang mga bagay na mayroong halaga para sa kanya.
Na kung saan isa rito…ang agad na nakakuha sa kanyang atensyon.
"Isang 29cm na 1,000 year light?" Tumingin ang nakaitim na si Luo Feng sa isang parang laser na gamit, nakalapag lang sa lupa ang 29cm na ilaw, matapos ang maingat na pagsusuri, nagawa niyang maramdaman ang pagbalot ng liwanag dito, natural siya nitong hinahatak palapit.
Ang 1,000 year light ay isang kakaibang gamit, isa itong materyales na ginagamit sa paggawa ng mga sandatang dumedepende sa time origin laws, ang ganitong klase ng mga materyales ay paminsan minsang lumalabas sa loob ng isang black hole o ng isang secret region.
Wala itong katumbas na presyo.