Mabilis na naganap ang labang ito, ito ay dahil na rin sa mga illusionists na sina Wei at Demon lady, madali nilang naapektuhan ang 4 mga Lei Quan fighters. Tanging ang kapitan lang nilang si Tai Wo ang nangailangang makipagsagupaan sa pinakamalakas na miyembro ng kalaban nilang grupo nang paulit ulit dahil sa kakayahan nitong sumalag sa mga ilusyon.
"Hindi."
"Hindi ko to matatanggap, hindi ko to matatanggap." Galit na galit na ang payat na Lei Quan fighter, sumigaw siya sa kanyang wika sa huli niyang mga hinga bago mamatay.
Gusto niyang makaligtas, pero sa pressure mula sa law domain, napabagal nito nang husto ang kanyang bilis sa pagtakas, hindi na siya makakatakas pa.
Hindi na siya makakatakas kahit gustuhin pa niya ito nang husto!
Wala na siyang magagawa kundi lumaban!
At kung hindi siya lalaban, wala na siyang mapagpipilian kundi mamatay! Wala na siyang choice.