Habang tinitingnan ang salitang mula sa lahi ng flame god, maraming bagay ang pumasok sa isipan ni Luo Feng, ang itim na armor niya noon ay may salitang soldier, at ang armor na kanyang suot ngayon ay mayroon namang salitang General.
Unti unting lumabo ang imprint sa ilalim ng kanyang balat sa pamamagitan ng isang utos mula sa kanyang isipan, hanggang sa tuluyan na itong nawala.
"Pakiramdaman natin ang lakas nito." Isip ni Luo Feng.
Rumble!
Mabilis na lumabas ang napakaraming silver na threads mula sa core imprint na para bang pumasok ito sa bawat muscle at balat ng kanyang katawan, isa ring silver na armor na nagpakita sa kanyang balat, boots sa mga sakong ng kanyang paa. Isa ring silver na maskara at helmet ang nagpakita sa kanyang ulo.
Chi…huminga nang malalim si Luo Feng, naramdaman niya ang sakit sa bawat muscle ng kanyang katawan na para bang nagkakpunit punit ang mga ito.