"Hindi ko talaga alam." Iling ni Thunder God sa kanyang ulo "Gusto kong tulungan si kuya Hong pero kaunti lang ang sinasabi niya tungkol dito sa tuwing nagiinuman kami o kaya sa tuwing nafufrustrate siya sa bagay na ito. Sabagay, ang ating landas ay para nang naging magkakapatid kahit hindi tayo naging magkakadugo, at noong tanungin ko siya sa detalye nito, hindi niya pa rin talaga nagawang sabihin ito sa akin."
Sumimangot dito si Luo Feng.
"Hahanapin ko siya." Dahan dahang tinap ni Luo Feng ang ere sa kanyang harapan, isang screen ang nagpakita rito, pinindot ito ni Luo Feng at nagpadala ng isang sulat sa kanyang kuya Hong.
Matapos ang isang sandali.
Isang nakasuot ng simpleng itim na damit na si Hong ang naglakad palapit, nakangiti niyang sinabi na "Pareho pala kayong nandirito, Luo Feng, bakit mo ka naman nagmamadaling hanapin ako at papuntahin dito?"
"Umupo ka kuya Hong." Sabi ni Luo Feng.
Tumitig naman si Thunder God kay Hong.