Nagliwanag nang kulay ginto ang 32 na palasyo, at ang mga ito ay lumulutang sa parang walang katapusang mundo sa ilalim ng abyss. 23 sa mga palasyong ito ang nababalot ng kulay puting barriers pero ang natitirang mga palasyo ay walang kahit anong barrier.
"Howl."
"Ao!"
Nagsitingala ang mga halimaw sa paligid at tumingin sa lumulutang na mga palasyo, para bang naaakit ang mga halimaw sa mga iyon. Sou! Sou! Sou! Maraming halimaw ang nagsilipad papunta sa mga palasyo.
Peng! Peng! Peng!
Nakipagsagupaan ang mga halimaw sa kulay puting ilaw na bumabalot sa mga palasyo at nagsibagsak nang direkta sa lupa, tumama sila sa nagyeyelong layer at agad na humati sa mga ito. Dito na parang mangmang na nagsitayo ang mga halimaw at isang grupo nanaman ng mga ito ang muling tumalon at lumipad patungo sa puting ilaw.
Ang pagbangga! Pagbagsak! Muling pagtayo at pagtalon! Pagbangga! At muling pagbagsak…