Nahahati sa tatlo ang grupo ng mga halimaw sa loob ng nagyeyelong bundok.
Ang grupo ng butiking halimaw, ang grupo ng higanteng tao na isa ring halimaw, at ang grupo ng ibong halimaw. Pinamamahalaan ng tatlong sector lord na halimaw ang tatlong grupo. Dahan-dahan at parang mangmang namang naglakad ang osong si Luo Feng kagaya ng ibang halimaw. Matapos ang tatlong oras ay nagawa na rin niyang makalabas sa areang pinamumugaran ng mga halimaw.
"Buwisit!"
Dito na nakahinga nang maluwag ang nagyeyelong oso na si Luo Feng habang tumitingin sa napakalaking gubat na pinamumugaran ng halimaw na gawa sa yelo.
"Nakalabas na rin ako sa grupo ng mga halimaw na iyon." Dito lang niya nagawang magrelax. Nagliwanag ang mukhang mangmang na mata ng osong halimaw kanina habang tumitingin sa kanyang harapan.
Ang daan sa kanyang harapan ay isa pa ring malawak na nagyeyelong kagubatan.